You are on page 1of 7

Mahalagang maihanda ang lupa bago

magtanim. Makatitiyak na magiging


mabilis at maunlad ang pagtubo ng
mga pananim kung maayos at angkop
ang lupang pagtataniman
 Maaaring maghalaman na gumagamit ng
ilang piraso ng kagamitan lamang ngunit
lalong mainam at maginhawa ang
paghahalaman kung may angkop na mga
kagamitan sa bawat gawain sa halamanan.
Kung may kakulangan sa kagamitan,
maaaring gumawa ng mga panghalili kung
ikaw ay masipag at maparaan. Narito ang
ilang kagamitan sa paghahalaman at ang
wastong paggamit sa mga ito.
 1. Asarol- Ito ay ginagamit na pambungkal
ng lupa
 2. Piko- Ginagamit ang piko sa paghuhukay
ng matigas na lupa.
 3. Kalaykay- Ginagamit sa pagpapantay ng
lupa at paghihiwalay ng bato sa lupa.
 4. Tinidor- Pandurog ng malaking kimpal
ng lupa.
 5. Dulos- Ginagamit sa paglilipat ng punla,
pagpapaluwang ng lupa, at pagtatabon sa
puno.
 6. Itak- pamutol sa mga sanga at puno ng
malalaking halaman.
 7. Bareta- ginagamit sa paghuhukay ng
malalaking bato at tuod ng kahoy.
 8.Pala- ginagamit sa paaglilipat ng lupa.
 9. Regadera- ginagamit na pandilig sa mga
halaman.
 10. Kartilya- lalagyan at panghakot ng lupa
at kagamitan
 Dapat nating alamin ang wastong paggamit
ng mga kagamitang panghalaman upang
makagawa tayo ng isang magandang
taniman. Magiging mabilis at maunlad ang
pagtubo ng halaman kung maayos at
angkop ang paghahanda ng lupang
taniman.
 LINANGIN NATIN
 Isulat ang tinutukoy ng bawat pangungusap

 1. Pandilig ng halaman.
 2. Panghakot ng lupa.
 3. Pantanggal ng damo at panlipat ng
punla.
 4. Pangbungkal ng lupa.
 5. Panghalo ng lupa at pataba.
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

 _____1. Ginagamit na a. Pala


pambungkal sa lupa.
 _____2.Pamutol ng mga b. Itak
sanga at puno ng malalaking c. Kartilya
halaman.
d. Tinidor
 _____3.Pandurog ng
malalaking kimpal ng lupa. e.Asarol
 _____4. Ginagamit sa f. Bareta
paglilipat ng lupa.
 _____5.Lalagyan ng
panghakot ng lupa at
kagamitan.

You might also like