You are on page 1of 8

Aralin 7

Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya

Nais mo bang maging isang batang mapagpasensiya? Naranasan mo na bang


magbigay ng pagkakataon sa iba dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon?
Paano mo matatamo ang ugaling ito?

Alamin Natin

Basahin at unawain ang kuwentong ito.

Si Rolando ay isang masigasig at masipag na bata. Ang kaniyang


ama ay isang tricycle driver samantalang ang kaniyang ina ay nasa
bahay lamang. Hindi sapat ang kita ng kaniyang ama para sa kanilang
pang-araw-araw na pangangailangan.

Si Rolando ay panganay sa apat na magkakapatid kaya naisip


niyang tulungan sa paghahanapbuhay ang kaniyang ama para may
makain sila sa araw-araw.
54
Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa sekondarya.
Nagtinda siya ng kendi, tubig, at kung ano-ano pa. Kapag ubos na ang
kaniyang paninda, nagsa-shine naman siya ng sapatos.

Gustong-gusto sana niyang makatapos ng pag-aaral ngunit


nakiusap ang kaniyang ama at sinabi, “Magpasensiya ka na, anak.
Unahin na muna natin ang pag-aaral ng dalawa mong kapatid. Kapag
may naipon na tayong sapat na pera saka mo na ipagpatuloy ang iyong
pag-aaral.” Sumagot si Rolando, “Huwag po kayong magalala, Ama,
naiintindihan ko po. Alam ko na may awa rin ang Diyos sa ating
pamilya.”

Pinagpasiyahan ni Rolando na ipagpatuloy ang pagtatrabaho at


pagtulong sa pamilya. Hindi siya gumagastos kung hindi kailangan.
Unti-unti siyang nakaipon dahil sa kaniyang pagtitipid. Nagtiis siya sa
lahat ng pagkakataon hanggang sa siya ay makaipon.

Minsan, may nakapagsabi sa kaniya na may programa ang


Department of Education (DepEd) na Distance Learning. Sa
programang ito, makapag-aaral ang isang bata kahit hindi pormal na
pumapasok sa paaralan. Agad siyang nagpalista rito at nagsimula
siyang makapag-aaral sa sekondarya. Hindi naglaon ay nakatapos din
siya ng pag-aaral. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang sa
ipinakita niyang pagtitiis, tiyaga, at pagsisikap para makatapos sa pag-
aaral. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Magsisikap pa ako para
makapagtapos ng kolehiyo.”

Sagutin ang mga tanong.

1. Tukuyin ang mga katangiang ipinakita ni Rolando. Kahanga hanga


ba ang kanyang ginawa? Patunayan.
Si Rolando ay matiyangang bata, hindi naging hadlang ang
kahirapan para siya ang makapag-aral.
55
2. Papaano niya tinulungan ang kaniyang ama? Ikuwento ito sa
klase nang may paghanga sa ginawa ni Rolando.
Nagtinda siya at nag-shine ng sapatos at inipon niya ang kanyang
mga kinikita para magamit sa kanyang pag-aaral.

“Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa sekondarya.


Nagtinda siya ng kendi, tubig, at kung ano-ano pa. Kapag ubos na
ang kaniyang paninda, nagsa-shine naman siya ng sapatos. “

“Pinagpasiyahan ni Rolando na ipagpatuloy ang pagtatrabaho at


pagtulong sa pamilya. Hindi siya gumagastos kung hindi
kailangan. Unti-unti siyang nakaipon dahil sa kaniyang pagtitipid.
Nagtiis siya sa lahat ng pagkakataon hanggang sa siya ay
makaipon. “

3. Masasabi mo bang mapagpasensiya ang batang si Rolando?


Basahin ang bahagi mula sa kuwento na nagpapakita ng
kaniyang pagtitis at pagpapasensiya.
Opo.

“Agad siyang nagpalista rito at nagsimula siyang makapag-aaral


sa sekondarya. Hindi naglaon ay nakatapos din siya ng pag-
aaral. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang sa ipinakita
niyang pagtitiis, tiyaga, at pagsisikap para makatapos sa pag-
aaral. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Magsisikap pa ako para
makapagtapos ng kolehiyo.””

4. Kung ikaw si Rolando, paano mo maipakikita ang pagiging


mapagpasensiya at maparaan?
Kapareho din ng kanyang ginawa ni Rolando, gagawin ko ang
aking makakaya para makatulong sa aking pamilya para hindi na
masyado mahirapan ang aking mga magulang. At maging masaya
sa kung ano ang makayanan ng aming pamilya sa mga material
na mga bagay.
56
5. Ipaliwanag na kakambal ng pagiging mapagpasensiya ang
pagtitiis at pagtitiyaga.
Kapag ikaw ay mapagpasensiya, kaya mo ang magtiis at
magtiyaga sa mga bagay na iyong kinkaharap at malalampasan
mo ito dahil sa ganitong pag-uugali.

3. Kaya ko ba itong magawa sa ngayon?


Kakayanin po.
4. Paano ko ito dapat isagawa?
Sa pagkakaroon ng pasensiya at maging matiyaga at makonteto
sa mga bagay na kayang gawin at makuha, habang hindi
kinakalimutan ang mga pangarap na gustong abutin.

57
Tandaan Natin

Pasensiya. Salitang palaging namumutawi sa bibig ng mga Pilipino.


Ang pagiging mapagpasensiya ay isang mabuting pag uugali. Kasama
sa pagpapasensiya ang pagtitiis at pagtitimpi. Madaling makamtam ang
ating mithiin at pangarap sa buhay kung tayo ay marunong
magpasensiya. Sa pag-uugaling ito, makikita natin ang kahalagahan ng
tamang panahon, tamang oras at tamang pagkakataon. Sinasabi ng
matatanda na ang mga taong walang pasensiya at palaging
nagmamadali ay kadalasang nagkakaroon ng problema sa buhay.

May mga taong nakilala dahil sa kanilang pagiging mapagpasensiya.


Sila ay umunlad sa napili nilang larangan. Tulad ng bayaning si Andres
Bonifacio na naging mapagpasensiya. Dahil sa maagang pagkamatay
ng kanilang mga magulang ay nahinto siya sa pag-aaral sa edad na
labing-apat. Gumawa siya ng kahoy na baston at pamaypay na papel
na kaniyang itininda sa lansangan upang maging pantustos sa
pangangailangan nilang magkakapatid. Kahit hindi siya nakapagtapos
ng pag-aaral ay sinikap pa rin niyang paghusayin ang kaniyang
kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat.

Tulad ni Andres Bonifacio, marami pang ibang tao na bago nila narating
ang kanilang kinalalagyang estado sa ngayon ay naging
mapagpasensiya sila sa mga naranasang paghihirap sa buhay.

58
Isabuhay Natin

Gumawa ng isang commitment booklet sa iyong kuwaderno.

1. Hatiin sa dalawang bahagi ang tigkabilang booklet tulad ng


halimbawa sa ibaba.

2. Ang kaliwang bahagi ay sasagutan mo at ang nasa kanang bahagi


naman ay para sa iyong magulang o kahit sinong miyembro ng iyong
pamilya.

3. Bawat hanay ay susulatan mo at ng iyong kapamilya ng tig lilimang


sitwasyon ayon sa hinihingi ng booklet.

Ako ay naging … Ang aking anak ay naging …


Mapagpasensiya Dahil sa . . Mapagpasensiya Dahil sa . . .
sa . . . sa . . .

1. Aking Bata pa siya Kakulitan ng Mahal niya ito at


makulit na at kailangan kanyang kapatid. ito ay
kapatid. pa na turuan. nakababata sa
kanya.
2. Dami ng Ang mga Dami ng kanyang Mahilig talaga
aking mga aralin na ito ay mga dapat pag- siya mag-aral at
aralin. kailangan ko aralan at alam niya na
para matuto. sasagutan. marami siyang
matututonan.
3. Mga gawain Alam ko na Mga pinapagawa Mapagkakatiwal
ko sa kaya koi tong ko sa kanya sa aan siya na bata
bahay. magawa at bahay. na kaya niya ang
matapos sa mga gawain na
oras. pinapagawa ko
sa kanya.
4. Mga kalat Pareho naman Mga kalat nilang Maaasahan siya
ko at aking naming kinalat magkapatid. na kahit makalat,
kapatid. at dapat alam kaya niyang
ko na iligpit linisin ang mga
ito. ito.
5. Mga araw Alam ko na Mga niluluto ko Alam niya na
na hindi ko lahat ng na ulam na hindi mabuti sa
gusto ang niluluto ng niya masyado kaniyang
ulam. aking mama gustong kainin. kalusugan ang
ay aking mga
masustansiya niluluto.
kahit sa
panlasa ko
hindi masarap.

59

Subukin Natin

Lagyan ng tsek (✔) ang bilang na nagsasaad ng pagiging


mapagpasensiya at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

__✔____ 1. Matiyagang naghihintay ng pagkakataon.

__X____ 2. Laging nagmamadali sa ano mang gawain.


__✔____ 3. Patuloy na nakikinig sa guro maski maingay ang mga
kaklase.

__✔____ 4. Hindi sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain sa kantina.

__X____ 5. Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay na tumulong


sa mga gawaing-bahay.

Ngayong natamo mo na ang kaalaman sa pagiging


mapagpasensiya, isagawa mo ito para lalo kang pagpalain.

Sapagkat alam mo na ang pagpapahalagang ito ay maaari ka


nang tumuloy sa susunod na aralin.

60

You might also like