You are on page 1of 4

Kutsilyo

Ang kutsilyo ay isang uri ng


kubyertos o armas. Ginagamit itong
panghiwa ng pagkain o kaya'y
pangdepensa sa sarili.

Salaan
Ang salaan o panala ay isang
kasangkapang ginagamit upang
mahiwalay ang mga malalaki mula sa
maliliit na bagay, o para maihiwalay ang
mga solido mula sa mga likido.

Almires
Ang almires ay ginagamit bilang pandikdik
ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto.
Ginagamitan ito ng isang malukong na sisidlan
kung saan dinudurog ang mga butil, buto, olibo,
o iba pang mga sangkap sa pamamagitan ng
pagbayo ng isang pandikdik.

Sandok
Ang sandok o kutsaron ay isang uri ng
kagamitang pangkusina
Kawali
Kasangkapang panluto ang kawalì at
karaniwang gamit sa pagsasangag,
pagpiprito, at paggigisa. Ito’y bilóg, gawa
sa pundidong bakal, at may hawakáng
hugis embudo. Tinatawag din itong
karaháy.

Kaldero
Kasangkapang panluto na karaniwang gamit sa
pagluluto ng kanin o may sabaw na lutuin.

Mangkok
Kasangkapang panluto na karaniwang ginagawang
lalagyan ng mga nalutong pagkain o mga sangkap sa
pagluluto .

TAKURE
Ang takure (Ingles: kettle) ay isang maliit na
kagamitang pangkusina na ginagamit sa
pagpapakulo ng tubig sa paghahanda sa paggawa
ng tsaa o iba pang mga inumin na kinakailangan
ng mainit na tubig. Batay sa kalinangan o
historikal na pinanggalingan, ang salitang kettle
ay may iba-ibang mga kahulugan.
Pitsel
Kagamitan na panluto na karaniwang ginagawang
lalagyan ng tubig o mga likidong sangkap.

Palayok
Ang palayók ang pinakapopular at
katutubong likhang-kamay sa paghubog ng
luad. Pangkalahatang tawag ito sa sisidlang
bilóg ang tiyan, may leeg na higit na maliit
sa katawan, at may bibig na bahagyang
nakausli palabas. May pantakip ito na lápat
na lápat sa bibig ng palayók, at kailangang
gayon upang makulob nang husto ang init
sa loob kapag ginagamit sa pagluluto

Kalan
Kagamitan na panluto na nagbibigay ng apoy.
Maaaring gamit ang uling o kahoy upang makagawa
ng apoy o di kaya naman ay LPG.

Takip
Kagamitan na panluto na ginagamit sa
pagpapanatili ng init sa kawali habang
nagluluto ginagamit rin ito upang
mapanatiling malinis ang nilulutong pagkain .

You might also like