You are on page 1of 5

Ang Pang-abay at mga Uri Nito

Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-


uri, at kapwa pang-abay.

Halimbawa:

Mabilis na lumaganap ang kapayapaan sa mundo.

Mabilis – pang-abay
Lumaganap – pandiwa

Totoong masaya ang lugar na malayo sa karahasan o kaguluhan.


Totoong – pang-abay
masaya – pang-uri

Talagang masarap manirahan sa bansang may kapayapaan.


Talagang – pang-abay
Masarap – pang-abay
Manirahan – pandiwa

Ito naman ang ilan sa mga uri ng pang-abay.

1. Pamanahon - pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap.


ginaganap, gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Ayon sa aklat ng búhay ay ugaliin nating magsimba


tuwing araw ng pangilin.

2. Panlunan - pang-abay na tinatawag na pariralang sa,


Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa: Sa buong mundo ay laganap ang iba't ibang uri ng
aklat ng búhay.

3. Pamaraan - pang-abay na sumasagot sa tanong na paano


ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap.

Halimbawa: Unti-unting basahin at unawain ang mga aral sa


aklat ng bühay.

Piliin ang pang-abay sa pangungusap at tukuyin kung ito ay


pamaraan, panlunan, o pamanahon.
May ilang bilang na higit sa Isa ang pang- abay

1. Ipaglaban mo nang lubos ang kapayapaan sa iyong puso.

2. Tandaan mo ito sa bawat araw ng iyong búhay.

3. Isabuhay mo ang bagay na ito sa lahat ng lugar na iyong


pupuntahan.

4. Makisama ka sa lahat ng tao nang may paggalang at pag-


unawa.

5. Mahinahong makipag-usap ang taong may pinag-aralan.

Pagsasanay sa Filipino - SCHOOLOGY


Pagkilala sa Pang-abay
Panuto: Ang pang-abay (adverb) ay salitang naglalarawan ng pandiwa (verb),
pang-uri
(adjective), o kapuwa pang-abay.
Piliin ang pang-abay sa pangungusap at tukuyin kung ito ay pamaraan,
panlunan, o pamanahon.
Pagtukoy ng uri ng Pang-abay
Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na
may salungguhit ay pangabay na pamaraan, PN kung ito ay
pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na
panlunan.

11. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.


Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
12. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
13. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni
Alicia.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
14. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni
Aling Dina.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang
aklat.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
16. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
17. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
18. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa
Barangay ng San Martin.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
19. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang
mga apo.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
20. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan

You might also like