Ang tula ay isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng
marami. Dahil dito'y maraming makata ang nagsisulat nito kaya't maituturing na napakalawak ng larangang ito ng panitikan. Sa katunayan, naging mahirap para sa maraming makata ang makapaglahad ng mainam na pag-uuri-uri ng tula. Sa aklat na Ang Sining ng Pagtula ni Jose Villa Panganiban ay inuri ang mga tula ayon sa estilo o pamamaraan ng mga makata sa kanilang pagpapahayag ng ideya, damdamin, at imahinasyon. Sa kabilang dako, si Fernando Monleon naman na isa ring makata at kritiko ay bumuo ng kanyang sariling pag-uuri-uri ng tula na ibinatay niya sa una ayon sa kaanyuan nito, ikalawa ayon sa kayarian, ikatlo ayon sa layon, at ikaapat ayon naman sa kaukulan. Upang higit na maging malinaw ang pagtalakay sa mga uri ng tula ay ating gamitin ang pag-uuring binuo ni Monleon na nakasalig ayon sa kaanyuan nito. Batay sa pag-uuring ito, ang tula ay nahahati sa apat tulad ng sumusunod:
1. Tulang Liriko o Pandamdamin -Sa uring ito ng tula ay
itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang sinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Dahil ito ay puno ng damdamin, ito ay madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. May iba't ibang uri ng tulang liriko tulad ng sumusunod: a. Ang Awit (Dalitsuyo) – Isang halimbawa nito ay ang Kundiman o awit tungkol sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag ng pag-ibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga. Ang paksa nito ay nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig. Madalas ang himig ng awit ay malungkot at mapanglaw. Halimbawa nito ay ang tulang "“Kay Selya" ni Francisco Baltazar. b. Ang Pastoral (Dalitbukid) - Ang tunay na layunin nito ay maglarawan ng tunay na bahay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko. Isang halimbawa nito ay ang "The Passionate Shepherd to His Love na sinulat ni Christopher Marlowe ng Canterbury, England. c. Ang Oda (Dalitpuri) - Sa makabagong panulaan, ito ay isang uri ng tulang lirikong may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya'y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang taludturan. Isang magandang halimbawa nito ay ang "Ode to a Nightingale" ni John Keats. d. Ang Dalit (Dalitsamba) - Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang maikling tulang liriko na nilikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa. e. Ang Soneto (Dalitwari) - Ito ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng búhay at kalikasan. Ang sumusunod namang mga saknong ay nagsasaad ng katuturan at kahalagahan ng sinasabi ng walong unang taludtod. At ang huling taludturan naman ang siyang pumapawi sa isinasaad ng sinundang taludtod. Mahalagang malamang ang isang soneto ay hindi basta lámang tula na binubuo ng labing-apat na taludtod sa halip ito ay naghahatid ng aral sa mga bumabasa. Sa buong mundo ay kinikilala ang mga soneto ni Shakespeare bilang pinakamahuhusay tulad na lang ng kanyang "Sonnet 18: Shall I Compare Thee to A Summer's Day?" na isa sa pinakatanyag niyang soneto at itinuturing na isa sa pinakamagagandang sonetong naisulat sa wikang Ingles na nagpapahayag ng kadakilaan ng pag-ibig. f. Ang Elehiya (Dalitlumbay) - Ang tulang ito ay may dalawang katangiang pagkakakilanlan, Una, ito ay isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni. Batay sa uri ng paksa ang elehiya ay higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo n panulaan. Ang ilang halimbawa nito ay ang "Requiescat ni Oscar Wilde at ang "Isang Punongkahoy" ni Jos Corazon de Jesus.
2. Tulang Pasalaysay - Ang tulang ito ay naglalahad ng mg
tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Ito ay may apat na uri: a. Ang Epiko (Tulabunyi) - Ito ang pinakamatayo at pinakamarangal na uri ng mga tulang salaysa na ang mga pangyayari at kawilihan ay napipisa sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib a kagipitan. Ang pangunahing layunin ng tulang ito a gisingin ang damdamin ng mga bumabasa at antigi ang kanilang damdaming humanga sa kabayanihan n pangunahing tauhan. Ang pinakamahalaga rito ay an pagtatagumpay laban sa mga suliraning kinaharap n pangunahing tauhan. Ang ilan sa pinakatanyag na epik sa buong mundo ay ang The iliad at ang The Odyssey 1 Homer, Metamorphoses ni Ovid, at Beowulf ng isang hinc kilalang manunulat. b. Metrical Romance (Tulasinta) – Ito ay tulang pasalaysa na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko. Ang uri n tulang ito ay lumaganap sa Europa sa pagitan ng ika 11 at ika-14 na dantaon. Ito ay dinala sa ating bansa n mga Espanyol. Ito'y tula ng kasaysayang wala gaanon banghay at binubuo ng mga kabanatang tumutuko sa mga pakikipagsapalarang puno ng mga hiwaga a kababalaghan. Ang mga pangunahing tauhan dito a karaniwang nabibilang sa lipi ng mga maharlika a nagiging isang bayani. Ang isang tanyag na halimbaw nito ay ang The Faerie Queene ni Edmund Spenser. c. Rhymed or Metrical Tale (Tulakanta) - Kapag an tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag n tula kanta. Bagama't sinasabing mahirap kilalanin an pagkakaiba ng tulasinta at tulakanta, nagkakaisa nama ang mga makata na ang huli ay higit na payak kays una. Ang pangunahing tauhan nito ay pangkaraniwan nilalang lamang. Gayundin, ang mga pangyayari sa tulakanta ay sadyang maaaring mangyari sa tunay n buhay, Maiinam na halimbawa nito ang The Canterbur Tales ni Geoffrey Chaucer, Evangeline ni Henry Wadsworth Longfellow, at The Lady of the Lake ni Sir Walter Scott. d. Ballad (Tulagunam) - Ito'y isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao'y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at.tapatarı. Ang ilang tanyag na halimbawa nito ay ang The Rime of the Ancient Mariner ni Samuel Taylor Coleridge at ang Ballad of the Gibbet ni Francois Villon.
3. Tulang Dula - Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado
o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang ito: a. Tulang Dulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue) -Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi lámang para sa kanyang sarili kundi gayundin para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula. Mainam na halimbawa nito ang My Last Duchess ni Robert Browning at ang The Love Song of J. Alfred Prufrock ni TS. Eliot. b. Tulang Dulang Liriko-Dramatiko - Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan. Samantalang ang tulang dulang mag-isang salaysay ay tahasang nagkukuwento ng mga pangyayari, ang tulang dramatiko-liriko ay nagbibigay naman ng tuon na mailantad ang mga damdaming nakapaloob sa mga pangyayari. Magandang halimbawa nito ang Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus. c. Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy) - Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa- tawa; may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakalilibang at nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos. Halimbawa nito ay ang Old Comedy ni Aristophanes. d. Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry) - Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana. Kalimitang ang wakas nito ay nagbubunga ng pagkahabag o pagkasindak sa panig rig mga nakikinig at nanonood. e. Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry) - Ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao. Ilang halimbawa nito ang Annabelle Lee ni Edgar Allan Poe at ang The Wreck of The Hesperus ni Henry Wadsworth Longfellow f. Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry) - Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos. Ang ilan sa ating matatandang komedya o moro-moro na may haluang tagpo ay masasabing mga halimbawa nito. g. Tulang Dulang Parsa (Farce in Poetry) - Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa. Ang balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran. Ilang halimbawa nito ang Ode On Indolence ni John Keats at ang The Vanity of Human Wishes ni Samuel Johnson.
4. Tulang Patnigan (Justice Poetry) - Ito ay tulang sagutan na
itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang uring ito ay karaniwang bahagi ng ating mayamang kultura bilang mga Pilipino. May iba't ibang uri ito tulad ng sumusunod: a. Karagatan - Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao, Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno. Ang paksa nito ay pumapatungkol sa isang alamat na nauukol sa singsing ng isang dalaga na di umano'y nahulog sa gitna ng karagatan. Ito ay binubuo ng mga saknong na may apatang taludtod at lalabindalawahing pantig. Sinasabing ito ay higit na mainam kaysa sa duplo sapagkat ito ay nag- aangkin ng malulundong talinghaga at malalalim na palaisipan. b. Duplo - Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang "Ama Namin," isang Aba Ginoong Maria," at isang Rekyemeternum para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan. c. Balagtasan - Sa isang púlong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres sumilang ang uring ito ng panulaang Tagalog. Ang kauna-unahang balagtasan ay pinaglabanan ng mga makatang sina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes na may paksang "Paruparo at Bubuyog." Ang naging lakandiwa sa pagtatalong ito ay si Lope K. Santos. Si Jose Corazon de Jesus ang tumayong Paruparo at si Collantes naman ang Bubuyog: si Sofia Enriquez naman ang siyang naging Kampupot o Bulaklak ng Kalinisang pinag-aagawan ng dalawa. Si Jose Corazon de Jesus ang kinilalang unang naging Hari ng Balagtasan. d. Batutian – Bilang pagpaparangal sa yumaong Jose. Corazon de Jesus ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang patnigan noong taong 1933 sa mga dahon ng Magasing Batute sa panulat at panukala ni G. Fernando B. Monleon na katulong na patnugot noon ng nasabing magasin. Ang malaking kaibahan nito sa balagtasan ay ang pagkamapang-uroy nito. Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan.
Natutukoy ang uri ng tulang binibigyang-kahulugan. Basahin ang
katangian ng tula sa bawat bilang. Pagtapat-tapatin ang bawat uri ng tulang.
1. Ito'y isang tulang pumapaksa sa pagpapahayag ng malungkot
na damdaming kaugnay ng kamatayan o pagyao. 2. Ito'y tumatalakay sa paksang katawa-tawa at may mga tauhang nakalilibang. 3. Ito'y isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at tapatan na madaling malapatan ng awit. 4. Isa itong paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ito ng ating mga ninuno. 5. Ito ay isang maikling tulang liriko na pumupuri sa Diyos at nilikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa. 6. Isa itong tulang pasalaysay na naglalahad ng mga pangyayari patungkol sa isang bayani, sa isang alamat. o kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib at kagipitan. Ang pangunahing layunin ng tulang ito ay gisingin ang damdamin ng mga bumabasa at antigin ang kanilang damdaming humanga sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. 7. Isang pagtatalong patula ito tungkol sa isang paksa. May lakandiwang namamagitan sa pagtatalong ito. 8. Isang anyo ito ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao. 9. Patulang pagtatalo ito na ang pangunahing layunin ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan. 10. Pagtatalo rin ito nang patula kung saan ang mga katwirang ginagamit ay karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan at pinasisimulan sa pamamagitan ng pag-usal ng mga dasal o panalangin.