You are on page 1of 2

Our Lady of the Sacred Heart School

AUGUSTINIAN RECOLLECT SISTERS


Plaridel St. Brgy. Dona Aurora, Quezon City
PAASCU ACCREDITED Level II
Tel. no. 743-7004/743-1856
www.olshs-qc.edu.ph
2019-2020
SECOND SUMMATIVE TEST IN FILIPINO GRADE 3
Pangalan :_________________________________________ Iskor : __________
Baitang at Pangkat :_________________________________ Petsa:__________

I. PAGSUSURI

Bilugan ang panghalip na panaong isahan sa bawat pangungusap.


1. Ako ang bunsong kapatid ni Jeremy.

2. Mahahanap siya sa likod ng bahay.

3. Gusto ko kumain ng pansit canton.

4. Ikaw ba ang magluluto ngayon?

5. Tutulungan ka nina Michelle at Nicole.

6. Nais mo bang magpahinga sa kuwarto?

7. Binasa niya ang sulat sa mesa.

8. Makinig ka muna sa sasabihin ng guro.

9. Siya ang kasabay ni Natalie pauwi.

10. Dadalhin ko ang bagong sapatos.

11. Ikaw ang magbabantay ng bahay.

12. Si Henry at ako ang kakanta mamaya.

13. Narinig mo na ba ang awit na ito?

14. Paborito niya ang ganitong musika.

15. Tuturuan siya ni Ate Rose.

II. Panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig sa bawat bilang.
16. Nakikita mo ba sa mapa ang Lungsod ng Tagaytay? Diyan tayo pupunta sa Sabado.
17. Akin ang itim na backpack. Ito ang dadalhin ko sa biyahe.
18. May puting sasakyan na dumating. Iyon ba ang sasakyan natin?
19. Ang puting van ang gagamitin natin. Bagong ayos ang makina nito.
20. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.
21. Huwag kayong mag-alala. Parating na kami riyan.
22. Nauna na sila sa hotel. Magkita na lang daw tayo roon.
23. Bababa na tayo ng van. Iwan mo rito ang bag mo.
24. Ngayon lang ako nakarating sa Tagaytay. Malamig pala rito.
25. Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. Iyon ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.
26. Kunan natin ng ritrato ang bulkan. Kamera mo ba iyan?
27. Doon tayo tumayo para maganda ang ritrato na makuha mo.
28. Itatago ko na ang kamera. Mahina na ang baterya nito.
29. Sa Wena’s tayo pumunta. Kilala ko ang may-ari niyon.
30. Mayroong kasaba keyk na binebenta riyan.
31. Dito namin binili ang mga pasalubong.
32. May strawberry cheesecake sila. Nakatikim na ako niyan.
33. Masarap ang blueberry cheesecake na natikman ko. Ano nga ba ang mga sangkap niyon?
34. Ang ibang sangkap niyan ay mula sa ibang lalawigan.
35. Bumili ako ng masarap na buko pie. Tiyak na magugustuhan ito ng mga anak ko.

36-40 PAGSULAT NG SANAYSAY


Bilang anak paano mo maipakikita ng isang anak ang pagmamahal at pagpapahalaga at
pagpapahalaga sa kanyang ama?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like