You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Ministry of Basic, Higher and Technical Education
DIVISION OF LANAO DEL SUR 1
TAMPARAN DISTRICT 1
TAMPARAN CENTRAL PILOT ELEMENTARY SCHOOL
SY: 2023-2024

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 3

PANGALAN:________________________________________ISKOR____________________
Panuto: Basahin mo ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
Ang Aking Ate
Ang aking Ate ay masipag. Mahusay siya pagdating sa mga gawaing bahay. Gusto
niyang malinis ang aming bahay at ang malawak naming bakuran. Makintab at makinis lagi
ang aming sahig. Ang aming pinto, bintana, at dingding na malapad ay nililinis din niya.
Hindi lang siya masipag kundi isa rin siyang ulirang anak. Tinutulungan niya palagi sina
Nanay at Tatay sa mga gawaing bahay. Siya rin ay mabait at maunawain na kapatid.
Mahusay rin siyang umawit at matalino sa klase. Siya ay laging nakangiti at masaya. Isa
siyang kalugod-lugod na anak at kapatid.
_____1. Ano ang pamagat ng kuwento?
a. Ang Mabait Kong Ate
b. Ang Aking Ate
c. Ang Masipag na Ate
_____2. Sino ang tinutukoy na masipag sa kuwento?
a. ate b. nanay c. tatay
_____3. Anong salita ang naglalarawan sa bakuran?
a. maganda b. maliit c. malawak
_____4. Paano mo ilalarawan ang tauhan sa kuwento?
a. Siya palagi ang gumagawa ng gawaing bahay.
b. Si Ate ang paborito nina Nanay at Tatay.
c. Si Ate ay masipag, mahusay, mabait, maunawain, at matalinong babae.
_____5. Gusto mo bang magkaroon ng ate tulad sa kuwento? Bakit?
a. Hindi, dahil palagi siyang naglilinis ng bahay.
b. Oo, dahil isa siyang responsableng anak at kapatid.
c. Oo, para siya lahat ang gagawa ng gawaing bahay
Nakababagot na Araw
Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga pinsan. Noong una ayokong
sumama dahil sila ay nakatira sa malayong baryo. Pero wala akong magawa. Unang araw pa
lamang ay inip na inip na ako dahil wala akong malaro. Hindi pinadala ang PSP ko. Wala
ring Computer Shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang laruan kong robot at kotseng de-
remote. Nakababagot talaga. Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana, nakita ko
ang aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan na masayang naghahabulan. Nagtataka ako
dahil nakita kong may latang pinatumba gamit ang tsinelas, bago sila nagtakbuhan. Kitang-
kita ang kasiyahan sa mukha nila. Maya-maya, kumaway ang isang pinsan ko at pinalabas
ako ng bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at kulitan nila. Nalaman ko na
Tumbang Preso pala ang tawag sa larong iyon. Isinali rin nila ako sa larong Patintero,
Luksong-Baka, at Piko. Nawala sa isip ko ang Computer Games, pati na ang aking mga
laruan
_____6. Ano ang pamagat ng tekstong iyong binasa?
a. Nakaiinis na Araw
b. Nakatutuwa na Araw
c. Nakababagot na Araw
_____7. Anong laro ang nakasanayan ng laruin ng bata bago pa siya nakarating sa bahay ng
kanyang pinsan?
a. Patintero b. Luksong Baka c. Computer Games
_____8. Anong laro ang natuklasan ng bata sa teksto na gumagamit ng lata at tsinelas?
a. Habulan b. Patintero c. Tumbang Preso
_____9. Bakit nainip ang bata sa teksto? Dahil______
a. wala siyang malaro
b. marami siyang kaibigan
c. gusto na niyang umuwi sa kanilang bahay
_____10. Sa iyong palagay bakit kaya nawala sa isipan ng bata ang Computer Games?
Dahil___________________.
a. may bago na siyang laruang robot.
b. napagod na siya sa kakalaro ng computer games.
c. mas masaya parin maglaro sa labas ng bahay ng mga Larong Pinoy.
Basahin ang talata at bigyan ng angkop na wakas ang kuwento.
_____11. Matapat na bata si Evelyn. Minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan
niya. Mabuti na lang at kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ano kaya ang gagawin niya?
a. Isasauli sa may-ari ang pitaka.
b. Itatago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.
c. Kukuha ng pera sa pitaka at itatapon niya sa kalsada.
_____12. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya. Palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate
ng kaniyang Tatay tuwing galing siya sa trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag
marami ang kaniyang kakainin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang
Tatay na may dalang maraming tsokolate. Dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito.
Ano kaya ang puwedeng mangyari sa kaniya?
a. Masaya si Aliya.
b. Mahimbing ang kaniyang tulog.
c. Di-nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
_____13. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia. Agad silang
kumuha ng walis tingting at nagwalis sa kanilang bakuran.
a. Nagalit ang kanilang ina.
b. Pinaalis sila ng kanilang ina.
c. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.
_____14. Nagluluto si Nanay ng adobong manok sa kusina. Napansin niyang kulang pala
ang kaniyang sangkap sa pagluluto. Tinawag niya si Arnel upang bumili ng toyo at paminta.
Papunta na ng tindahan si Arnel nang bigla siyang tinawag ng kaniyang kaibigan upang
maglaro ng bisikleta. Masayang naglalaro si Arnel ng bisikleta.
a. Masaya ang kaniyang inay dahil hindi nakabili si Arnel.
b. Nagluto si Inay ng adobo.
c. Nakalimutan na niya ang inutos nito. Pag-uwi niya pinagalitan siya ng kaniyang inay.
_____15. Biyernes ng gabi, naglalaro si Alexis ng Mobile Legends. Nakalimutan na niyang
kumain dahil sa nasisiyahan na siya sa paglalaro hanggang sa siya ay nakatulog.
a. Masaya siya dahil hindi siya nakakain kagabi.
b. Pinagalitan siya ng kaniyang inay.
c. Kinaumagahan ay biglang sumakit ang kaniyang tiyan.
Sa Bukirin
Raquel A. Tangga-an
Napakaganda ng bukirin. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin. Makikita rito ang
iba’t ibang luntiang pananim na nagpagaganda ng tanawin. Preskong gulay at prutas ay
iyong makakain. Malayo sa polusyon at ingay ng mga sasakyan ang lungsod natin
_____16. Saan inihambing ang bukirin?
a. sa dagat b. sa siyudad c. sa lungsod
_____17. Anong hangin mayroon ang bukirin?
a. malamig at presko b. mainit c. maalikabok
_____18. Kung ang bukirin ay may magandang tanawin, ano naman ang mayroon sa
siyudad?
a. ingay nang maraming sasakyan
b. tahimik na paligid
c. mga bundok
_____19. Sa bukirin ay malamig at presko ang hangin samantalang sa lungsod ay –
a. may polusyon ang hangin
b. may magandang tanawin
c. may pareho silang pangalan ng lugar
_____20. Ano ang pagkakapareho ng lungsod at bukirin?
a. pareho itong tahimik na lugar
b. pareho itong presko ang hangin
c. pareho itong lugar na puwedeng tirahan ng mga tao
Piliin ang kasingkahulugan ng mga nasalungguhitang salita. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa sagutang papel.
_____21. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?
A. alagaan C. makapaglibang
B. makakamay D. mapuntahan
_____22. Ang talino ay nakukuha mo kung ito’y iyong pagsisikapan.
a. kahirapan b. kagandahan c. karunungan
_____23. Maaliwalas ang kapaligiran dahil wala kang nakikitang basura sa paligid.
a. malungkot b. maganda c. masaya
_____24. Maligaya si inay nang makatanggap siya ng regalo galing sa akin.
a. malungkot b. maligalig c. masaya
_____25. Si Lita ay may matibay na paninindigan sa buhay.
a. mahusay b. matatag c. mabuti
_____26. Mahirap ang aming pamilya ngunit masaya.
a. malaki b. magulo c. dukha
Piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
_____27. Uminom ng mainit na tubig ang matanda.
a. maliit b. magulo c. malamig
_____28. Kumuha ng maliit na upuan si Maria.
a. malaki b. magulo c.malamig
_____29. Nakabili ng mamahaling gamit si Tess maykaya ang kaniyang pamilya. a.
magalang b. mabait c. mahirap
_____30. Matulin tumakbo ang kuneho.
a. matapat b. mabagal c. malamig
_____31. Maligaya kaming nagdiriwang ng aming Pista.
a. maganda b. marumi c. malungkot
_____32. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa
paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan
_____33. Alin sa sumusunod ang salitang magkatugma?
A. liwasan-labasan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan
_____34. Alin sa sumusunod ang salitang magkatugma?
a. masaya- malungkot c. Takot-hakot
B. Bukas-ngayon D. maingay-tahimik
_____35. Nahuli sa klase si Lando dahil nasira ang kaniyang bisikleta sa daan. Paano niya
ito ipapaliwanag sa kaniyang guro?
a. Wala kayong pakialam kung mahuli man ako sa klase.
b. Patawad po ma’am, nasiraan po kasi ako ng bisikleta sa daan.
c. Nahuli ako dahil nasiraan ako ng bisikleta.
_____36. Nabangga mo ang isang matanda sa iyong pagmamadali. Ano ang iyong
sasabihin?
a. Kasalanan mo! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!
b. Huwag kang nakaharang
c. Pasensiya na po nay. Nagmamadali po kasi ako.
_____37. Tinanong ka ng iyong tatay kung bakit gising ka pa na napakalalim na ng gabi.
Ano ang sasabihin mo?
a. Nag-aaral pa po kasi ako sa aking mga aralin tay.
b. Hindi ako makatulog!
c. Wala kayong pakialam sa akin.
_____38. Ito ay anomang detalye ukol sa tao, sitwasyon, pangyayari, lugar, o bagay.
a. empormasyon b. inpormasyon c. impormasyon
_____39. Karaniwang bata o kabataan na pumapasok sa paaralan.
a. istudyante b. estudyante c. estodyante
_____40. Tawag sa lalaking guro.
a. maistro b. maestro c. maestru

You might also like