You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Bay Sub-Office
MAITIM ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5 Score


S.Y. 2022-2023

Pangalan _______________________________________ Petsa ___________________________


Baitang at Pangkat ________________________ Lagda ng Magulang _____________________

A. Basahin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Umalis ang iyong guro upang magtungo sa tanggapan ng punongguro, nag-iwan siya ng gawain at
nagbilin na manatili sa sariling upuan at tumahimik. Ano ang iyong gagawin?
a. Makikitulad ako ng gawain sa aking katabi habang nakikipagkwentuhan.
b. Sasamantalahin ang kanyang pag-alis upang makipaglaro sa kaklase.
c. Gagawin ang iniwang gawain ng tahimik
d. Lalabas ako ng silid aralan at bibili ng pagkain sa kantina

_____2. Papasok ka sa paaralan. Sumakay ka sa serbis mong traysikel. Nang magbabayad ka na, nalaman
mong wala kang dalang pera. Ano ang iyong gagawin?
a. Bababa at tatakbo ng mabilis.
b. Sasabihin sa drayber nang pagalit na wala kang dalang pera at babayaran siya pag-uwi.
c. Manghihingi ng paumanhin at sasabihin babayaran na lamang siya pag-uwi.
d. Iiyak na lamang ng malakas

_____3. Oras ng reses, gutom ka na at nais mong bumili agad ng pagkain sa kantina. Nakita mo ang isang
gurong maraming bitbit na kagamitan sa pagtuturo. Ano ang iyong gagawin?
a. Tutulungan muna ang guro bago bumili ng pagkain sa kantina.
b. Babalik muna sa silid at hihintayin na lumampas ang guro.
c. Magtatago saisang lugar upang hindi makita ng guro.
d. Hindi papansinin ang guro at magpapatuloy pumunta sa kantina.

_____4. Araw ng pagsusulit kinabukasan ngunit inimbitahan ka para sa isang salo-salo ng hapunan. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hihingi ng paumanhin na hindi makakadalo dahil kailangan mong mag-aral.
b. Dadalo at kinabukasan na lamang uuwi.
c. Liliban sa klase kinabukasan.
d. Dadalo sa salo-salo at kokopya na lamang ng sagot sa kaklase kinabukasan.

B. Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____5. Ang mga bata ay natutulog sa bahay.Anong uri ng pangngalan ang bata?
a. pambalana b. pantangi c. pambabae d. wala

_____6. Ang mga guro ng Maitim Elementary School ay masipag magturo.Anong uri ng pangngalan ang may
salungguhit?
a. pambalana b. pantangi c. pambabae d. wala

_____7. Sina Ramon at Dina ay magkakapatid. _________ ay tumutulong sa kanilang mga magulang. Anong
panghalip ang kukumpleto sa pangungusap
a. ikaw b. tayo c. sila d. wala

_____8. Ang ikaw, siya, tayo, ako ay mga halimbawa ng anong panghalip?
a. pamatlig b. paari c. panaklaw d. panao

_____9. Uri ng panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari?


a. pamatlig b. paari c. panaklaw d. panao

_____10. Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat. Binubuo ito ng saknong at taludtod.
a. tula b.talambuhay c. kwento d. tugma
_____11. Sinasabing ang tula ay may ________ kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod
ay magkakasintunog.
a. tula b.talambuhay c. kwento d. tugma

_____12. Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.
a. tula b.saknong c. sukat d. tugma

_____13.Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.


a. tula b.saknong c. sukat d. tugma

_____14. Ang _______ ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
a. talambuhay b.saknong c. sukat d. tugma

Si Melba at Ang Kanyang Nanay

Maagang gumising si Melba. Tinulungan siyang magbihis ng kanyang ina. Inayos nito ang kanyang
uniporme. Iniabot nito ang pares ng malinis na medyas saka lumabas ng silid upang maghanda ng
almusal.
Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang Nanay ng baon. Binalot sa plastic at
inilagay sa kanyang bag.
Mayamaya handa na si Melba. Humalik siya sa kamay ng kanyang ina at nagpaalam na.
“Nagdidilim ang langit, Melba. Dalhin mo ang iyong payong,”ang sabi ng Nanay.

_____15. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?


a. Si Melba c. Si Melbang Maagang Gumising
b. Ang Nanay ni Melba d. Si Melba at Ang Kanyang Nanay

_____16. Saan pupunta si Melba?


a. sa paaralan b. sa simbahan c. sa isang salu-salo d. sa parke

_____17. Anong uri ng ina ang Nanay ni Melba?


a. pakialamera b.masungit c. mapagmahal d. maarte

_____18. Bakit pinagdadala ng payong si Melba ng kanyang ina?


a. Madilim ang kalangitan nagbabadya ng pag-ulan. c. Nais lamang ng kanyang ina.
b. Para bumigat ang dala ni Melba. d. Matarik ang sikat ng araw.

_____19. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa kuwento. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong
pagkasunod-sunod.

1. Tinulungan siya ng kanyang nanay na magsuot ng kanyang uniporme.


2. Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang nanay ng babaunin sa pagpasok.
3. Maagang gumising si Melba.
4. Ipinadala ng kanyang nanay ang payong dahil parang uulan.
5. Handa na si Melba sa pagpasok at nagpaalam na sa kanyang nanay.

a. 3-1-5-4-2 b. 3-4-1-5-2 c. 3-2-5-1-4 d. 3-1-2-5-4

C. Basahin at piliin ang tamang reaksiyon o opinion sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____20. Kinausap ng guro si Beth dahil hindi ito nakapagpása ng kaniyang proyekto. Ibinigay niya ito tatlong
araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng pagpapása.
a. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Beth.
b. Dapat hinayaan na lamang ng guro si Beth dahil nakapagpása pa rin naman.
c. Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Beth sa klase.
d.Tama man o mali ay wala akong pakialam.

_____21. Oras ng rises, pinasingit sa pila ni Miko ang kaniyang matalik na kaibigang si Sid na hulíng dumating.
a. Maganda ang ipinakitang pagkakaibigan ng dalawa.
b. Sa aking palagay, dapat pumila si Sid nang maayos.
c. Sang-ayon ako sa ipinakita nina Miko at Sid.
d. Tama lang na pasingitin ni Miko si Sid dahil kaibigan niya ito.
_____22. Si Neth ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba’t ibang paligsahang pampaaralan at
pambarangay.
a. Nagpapakita si Neth ng kayabangan
b. Nakatutuwa na ipinakikita niya ang kaniyang talento.
c. Hindi siya lumalahok sa barangay kung wala itong grado sa klase na kapalit
d. Hindi siya dapat lumalahok sa mga paligsahan.

_____23. Ipinagbabawal sa klase ni Bb. Narciso ang paglalaro ng cellphone sa oras ng klase.
a. Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit lalo na sa paglalaro.
b. Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral lalo’t may pagsusulit.
c. Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig.
d. Kung ako ang tatanungin, si Bb. Narciso ang dapat pagbawalan ng paglalaro ng cellphone.

_____24. Gustong-gusto na ni Karl na maglaro sa labas. Ipinagbabawal pa ito sa kasalukuyan kaya


nanatili na lang siya sa loob ng bahay.
a. Sumasang-ayon ako na sumunod si Karl dahil iyon ang makabubuti.
b. Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.
c. Tatakas na lamang siya dahil nakakainip sa bahay.
d. Sa opinyon ko ay maaari nang lumabas kahit ipinagbabawal.

D. Basahing mabuti ang teksto. Pumili ng akmang sagot sa mga sumusunod na katanungan.

Si Dilis at Si Pating

Sa dagat nakatira si Dilis. Kalaro niya ang mga maliliit na isda. Sila ay masaya. Nasa dagat din si
Pating. Malaki at mabangis ito. Takot si Dilis at ang mga kalaro niyang isda kay Pating. Minsan, hindi
kaagad nakita ni Dilis si Pating. Gutom na gutom na si Pating. Mabilis si Dilis. Nagtago siya sa ilalim ng
korales. Hindi siya nakain ni Pating. Matalino talaga si Dilis. Dapat maging matalino para matulungan ang
sarili.

_____25. Saan nakatira si Dilis?


a. sa dagat b. sa ilog c. sa sapa d. sa tulay

_____26. Ano ang sama-samang ginagawa nina Dilis at ang maliliit na isda?
a. namasyal b. nagtago c. naglaro d. nagluto

_____27. Bakit takot si Dilis kay Pating


a. baka awayin siya ni pating c. Baka agawan siya ni Pating ng pagkain
b. maaari siyang kainin ni pating d. yayain ni Pating si Dilis na maglaro

_____28. Paano ipinakita ni Dilis ang pagiging matalino?


a. Mabilis siyang nakapagtago sa korales. c. Hindi siya nakikipaglaro kay Pating.
b. Tinutulungan niya ang mga maliliit na isda. d. May hawak siyang lapis at libro.

_____29. Ano ang magandang katangian na ipinakita ni Dilis?


a. masipag b. matapat c. matalino d. masunurin

Gng. Guiritan: (Kring..Kring..) Hello Maricris, Mama ito.


Maricris: Hello Mama, bakit po kayo napatawag?
Gng. Guiritan: Nakalimutan ko kasi nakasaksak ang telebisyon sa kuwarto namin ng Papa mo.
Pakitingnan mo nga anak.
Maricris: Sige po, Ma. Pahintay lang po. (Pumunta sa kuwarto) Hello Ma, tinanggal ko na po
sa pagkasaksak.
Gng. Guiritan: Salamat anak. Kamusta naman kayo ng kapatid mo?
Maricris: Mabuti naman po. Naglalaro po kami ng patintero sa bakuran.
Gng. Guiritan: Oh sige, mag-iingat kayo palagi. Ang mga bilin ko sa inyo huwag mong kalimutan.
Mahuhuli nga rin pala kami ng Papa mo dahil may miting pa kami. Ikaw na muna
bahala sa kapatid mo.
Maricris: Opo Ma. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi mamaya.

Matapos mag-usap ng mag-ina, nagpatuloy sa paglalaro si Maricris.

____30. Tumawag si Gng. Guiritan sa kanilang ______________.


a. tahanan b. simbahan c. paaralan d. opisina

____31. Pinatanggal niya ang saksak ng __________________ sa kanilang kuwarto.


a. plantsa b. bentilador c. telebisyon d. radio

____32. Sinabi rin niya na huwag kalimutan ang kanyang mga ________________.
a. pagkain b. kapatid c. hardin d. bilin
____33. Mahuhuli sila sa pag-uwi dahil mayroon silang ________________.
a. miting b. swimming c. inuman d. gala

____34. Bumalik sa ______________ si Maricris pagkatapos nilang mag-usap.


a. paglalaba b. panonood c. paglalaro d. pagkain

E. Ibigay ang paksa ng bawat talata. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____35. Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay
gingawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulongdin siya sa ga waing bahay
kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait
at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.

a. Ang magagandang ugali ni Leslie. c. Ang paglalro ni Leslie


b. Ang pag- aaral ni Leslie. d. Ang takdang aralin ni Leslie

____36. Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang aralin ni Mary Rose ay pumupunta sa palaruan.
Nakikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan. Doon ay marami na silang nakikitang naglalaro at
iba’t iba ang mga ginagawa. Abala ang lahat at halos walang maupuan. Libangan na niyang
pumunta sa palaruan.

a. Ang pinupuntahan ni Mary Rose c. Ang paglalaro ni Mary Rose


b. Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang-aralin d. Ang Takdang-aralin ni Mary Rose

____37. Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon
ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay
dumarayo pa upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang
maging masaya ang Kapistahan.

a. Pinakaaabangan ng mga Pilipino c. Mga palaro tuwing Pista


b. Handaan tuwing Pista d. Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista

____38. Maaga pa ay gising na ang lahat ng tao sa bahay nila Mang Edgar. Abalang-abala ang lahat sa
pag-aayos at paghahanda. Lahat ay masaya at nakabihis ng magagandang damit. Naghahanda
na sila papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang damit na kulay puti si Maricar. Ito ang
araw na pinakahihintay ni Maricar ang kanyang kasal.

a. Paggising ng Pamilya ni Mang Edgar c. Araw ng pinakahihintay na kasal


b. Pag-aayos ng Pamilya ni Maricar d. Ang pamilya ni Mang Edgar

F. Basahing mabuti ang mga pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

____39. Ipinagbunyi ng mga tauhan ng bagong pangulo ang kanyang pagkapanalo.


a. namatayan b. nawalan ng pag-asa c. nalungkot d. nagdiwang

____40. Ang nilutong sinigang ni Maria ay malabnaw.


a. makulay b. hindi malapot c. masarap d. hindi malutong

____41. Nakalimutan ni Lina ang isang linya ng tula. Ano ang kasalungat ng nakalimutan?
a. nakita b. naiwan c. nadala d. naalala

____42. Mayabong ang puno ng narra sa labas. Ano ang kasalungat ng mayabong?
a. buhay b. namatay c. dumadami d. malilim

____43. Si Marian Rivera ay isang marikit na babe. Ano ang kasingkahulugan ng marikit?
a. pangit b. mataray c. maganda d. mabait

____44. Ang Pilipinas ay isang mapayapang bansa. Ano ang kasingkahulugan ng mapayapa?
a. magulo b. napakarami c. maayos d. mabaho
G. Gamit ang mga graph, sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Budget ng mga pangangailangan ng Pamilya ni Mang Tomas


tubig at kuryente, 5% tirahan; 10%

pananamit; 10%

pag-iimpok; 10%
pagkain, 45%

pag-aaral; 20%

_____45. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa edukasyon?


a. 45% b. 5% c. 20% d. 10%

_____46. Aling pangangailangan ang may maliit na bahagdan?


a. pag-aaral b. tubig at kuryente c. pagkain d. pag-iimpok

_____47. Aling pangangailangan ang may malaking bahagdan?


a. pag-aaral b. tubig at kuryente c. pagkain d. pag-iimpok

Normal na Timbang ng mga Bata


40
35
30
25 Timbang
20
15
10
5
0
Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre

_____48. Ilang bata ang may normal na timbang noong Hulyo?


a. 25 b. 30 c. 35 d. 40

_____49. Anong mga buwan ang may pantay na bilang ng mga batang normal ang timbang?
a. Oktubre at Hulyo c. Setyembre at Oktubre
b. Agosto, Setyembre at Nobyembre d. Oktubre at Nobyembre

Buwanang Konsumo ng Tubig ng Pamilya ni Aling Marisa sa Taong 2000


0.12
0.1
0.08 Series1
Series2
0.06
0.04
0.02
0

_____50. Tungkol saan ang graph sa itaas?


a. Buwanang konsumo sa kuryente ng pamilya Aling Marisa sa taong 2000
b. Buwanang konsumo sa tubig ng pamilya Aling Marisa sa taong 2000
c. Buwanang konsumo sa kuryente ng pamilya Aling Martha sa taong 2000
d. Buwanang konsumo sa tubig ng pamilya Aling Marisa sa taong 20016
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Bay Sub-Office
MAITIM ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


TABLE OF SPECIFICATIONS
S.Y. 2022-2023

NUMBER % Number of
LEARNING COMPETENCY Item Placement
OF DAYS Items
Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto 3 7.50% 3.75 1, 2, 3, 4

Nagagamit ng wasto ang mga


pangangalan at panghalip sa pagtalakay
tungkol sa sariling, sa mga tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid; sa 4 10.00% 5 5, 6, 7, 8, 9
usapan; at sa paglalahad tungkol sa
sariling karanasan

Nasasagot ang mga tanong sa


binasa/napakinggang kuwento at tekstong
4 10.00% 5
pangimpormasyon
15, 16, 17, 18, 19
Natutukoy ang elemento at ang sukat sa
paggawa ng tula 4 10.00% 5 10, 11, 12, 13, 14

Naipapahayag ang sariling opinyon o


reaksion sa isang napakinggang balita, 4 10.00% 5 20, 21, 22, 23, 24
isyu o usapan
Naisasalaysay muli ang napakinggang
teksto gamit ang sariling salita. 4 10.00% 5 25, 26, 27, 28, 29
Naisasalaysay muli ang napakinggang
teksto sa tulong ng mga pangungusap 4 10.00% 5 30, 31, 32, 33, 34
Naibibigay ang paksa ng napakinggang
kwento/usapan 3 7.50% 3.75 35, 36, 37, 38

Naibibigay ang kahulugan ng salitang


pamilyar at di pamilyar na mga salita sa
pamamagitan ng tono o damdamin,
paglalarawan, kayarian ng mga salitang 5 12.50% 6.25 39, 40, 41, 42, 43, 44
iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin
at tambalang salita

Nabibigyang-kahulugan ang bar graph,


pie, talahanayan at iba pa. 5 12.50% 6.25 45, 46, 47, 48, 49, 50

  40 100.00% 50  

Susi sa Pagwawasto

1.c 11.d 21.b 31.c 41.d


2.c 12.b 22.b 32.d 42.b
3.a 13.c 23.c 33.a 43.c
4.a 14.a 24.a 34.c 44.c
5.a 15.d 25.a 35.a 45.c
6.b 16.a 26.c 36.a 46.b
7.c 17.c 27.b 37.d 47.c
8.d 18.a 28.a 38.c 48.a
9.b 19.d 29.c 39.d 49.b
10.a 20.a 30.a 40.b 50.b

You might also like