You are on page 1of 2

ESP

Ikatlong Markahan 5
Pangalan: ______________________________ Iskor: _____________
Baitang/Pangkat: _________________ Guro: Gng.Lea Dequina
Ikatlong Sumatibong Pagsusulit

A. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paggalang sa


karapatang pantao, opinyon, at ideya ng iba at MALI naman kung hindi.

_______1. Binalewala ng tatay ni Sandie ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa sa


gagawing programa sa mga nakikipag-away sa kanilang lugar..

_______2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Glenda na magbantay sa


checkpoint para pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa kalapit na lugar.

_______3. Nakita ni Jean na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid at


hinayaan niya lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa
kaniya.

_______4. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan ang
ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.

_______5. Hinikayat ni Gng. Santos ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at
opinyon ng kanilang kapwa.

_______6. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas ng kamay at


nagbigay ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay Assembly.

_______7. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng kaniyang mga


kagawad tungkol sa nalalapit na kapistahan.

_______8. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Brenda sa kaniyang kapitbahay tungkol sa


mga tuyong dahon sa kaniyang bakuran.

_______9. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo Narding na
umalis ng gabi.

_______10. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang karapatan ng
iba..

B. Lagyan ng tsek ( ) kung ang pahayag ay tumutukoy sa pakikilahok sa pagpapatupad


ng mga batas at ekis ( ) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
_______11. Si Trina ay pumupunta sa Health Center buwan-buwan para ipa-check-up ang
kaniyang
ipinagbubuntis upang makasiguradong malusog ito.

_______12. Kung saan-saan lamang nagtatapon ng basura si Chito kapag naglalakad sa labas ng
bahay.

_______13. Ang mga tanod sa barangay ay may kani-kaniyang oras ng pagroronda tuwing gabi
upang maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari.

_______14. Si JL ay nagtatanim ng namumungang puno tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan.

_______15. Ang mga batang may edad labingwalo pababa ay hindi lumalabas ng tahanan kapag
sumapit na ang Curfew Hour.

_______16. Sumusunod ang mga tagabarangay sa ipinatutupad na No Segregation, No


Collection
Policy ng munisipyo.

_______17. May mga libreng bakuna na natatanggap ang mga bagong panganak sa health
center.

_______18. Inaasahan ang mga mamamayan na makilahok sa programa ng barangay na


“Gulayan
sa Tahanan”.

_______19. Hinahayaan ng bawat isa ang pagtatapon ng basura sa kanal.

_______20. Nakikilahok ang mga tao sa kampanyang pangkaligtasan ng barangay para maging
handa sa oras ng sakuna.

You might also like