You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Bay Sub-Office
MAITIM ELEMENTARY SCHOOL
Score
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5
S.Y. 2022-2023

Pangalan _______________________________________ Petsa ___________________________


Baitang at Pangkat ________________________ Lagda ng Magulang _____________________

A. Pakinggang mabuti ang kwento na babasahin ng guro at pagsunud-sunurin ang mga


pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng paglalagay ng mga titik A-F sa patlang.

______ 1. Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.


______ 2. Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.
______ 3. May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang mga puno, maging ang
mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan.
______ 4. Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni Tipaklong.
______ 5. Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
______ 6. Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak.
Nahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman.

B. Isulat sa patlang ang uri ng pang-abay na may salunguhit sa bawat pangungusap:


(pamaraan, pamanahon o panlunan)

________________7. Maingat na umakyat sa puno si Pang.


________________8. Si Alden ay kanina pa naghihintay kay Maine.
________________9. Mahinahong nag-uusap sinaPang at Abay sa may daan.
________________10. Sa kalsada naglaro ang mga bata kaya sila pinagalitan.
________________11. Maingay na pumasok sina Pang at Abay sa kanilang silid-aralan.
________________12. Sa darating na Sabado pupunta kami sa Batangas para magsimba.

C. Isulat ang O kung ang pahayag ay isang opinyon at K kung ang pahayag ay katotohanan.

_____ 13. Ang isang bansa ay may kinikilalang pinuno o lider.


_____ 14. Maaaring hindi nagkakaunawaan ang mga tao dahil sadyang ayaw nila.
_____ 15. Ang Pilipinas ay kabilang sa rehiyong Timog-Silangang Asya.
_____ 16. Baka mas maunlad na ang Korea kaysa bansang Japan.
_____ 17. Ang Amerika ang pinkamakapangyarihang bansa sa daigdig.
_____ 18. Ang mundo ay bilog.

D. Basahing mabuti ang teksto sa kahon at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

Ang Pabasa

Noong Mahal na Araw, sa lalawigan ng mga lolo ako nagpunta. Napanood ako roon ng
pabasa. Ayon sa Lolo Roger, isa raw itong matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng mga
Espanyol. Ang Pabasa ay paawit na pabasa ng buhay ni Jesus mula nang ipinaglihi Siya
hanggang siya’y namatay sa Krus. Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na tinatawag na
pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes
Santo.Nag-aanyaya ng mga babasa ang may pabasa hanggang matapos ang buong pasyon.
Iba-iba rin ang estilo o punto ng pagbasa.
_____ 19. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?
a. Ang Pagbabasa c. Ang Pagbasa
b. Ang Pabasa d. Ang Paasa

_____ 20. Tuwing kailan ginaganap ang Pabasa?


a. Tuwing may minamahal c. Tuwing Mahal na Araw
b. Tuwing may klase d. Tuwing sumisikat ang araw

_____ 21. Ano ang ibig sabihin ng Pabasa?


a. Ito ay ang pagbasa ng paawit mula sa aklat na tinatawag na pasyon.
b. Ito ay ang pagbasa ng aklat sa loob ng paaralan
c. Ito ay ang pagbabasa ng mga aklat sa silid aklatan.
d. Ito ay ang pagbasa ng pasigaw upang marinig ng buong pamayanan.

_____ 22. Sino ang nagsabi na ang pabasa ay isang matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng
mga Espanyol?
a. Lolo Rogel c. Lolo Roger
b. Tito Roger d. Tito Rogel

_____ 23. May iba’t ibang istilo o punto ang pagbasa?


a. Oo b. Wala c. Siguro d. Marahil

_____ 24. Ano ang tawag sa aklat na ginagamit sa Pabasa?


a. Pasyan b. Pasyon c. Basyon d. Basyan

E. Lagyan ng tamang pang-angkop ang bawat sumusunod na pares ng mga salita sa bawat
bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

25. malinis_____ tubig 26. lalaki_____ makisig 27. dahon_____ lagas

F. Ibigay ang magkakasalungat / kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba

Salita Magkasingkahulugan Magkasalungat

marikit 28. ___________________ 29. ______________________

G. Isulat sa patlang ang BS kung ang may salungguhit sa pangungusap ay Buong Simuno at
BP kung ito naman ay Buong Panaguri.

_____ 30. Magaling at mabait na guro si Bb. Loida G. Cruz.


_____ 31. Si Pedro ay isang matulunging mag-aaral.
_____ 32. Ang bayan ng Bae ay kilala sa mga produktong Bougainvilla at Monay.

H. Basahin at bigyan ng angkop na pamagat ang talata. Isulat ang titik sa patlang.

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa
ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.

Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Bayanihan ay ang


pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong
sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
33. Ang angkop na paamagat ng talata ay ______________________________________
a. Ang kapistahan c. Ang tradisyon ng mga Pilipino

b. Ang bayanihan d. Ang patron

Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng


pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may
hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng
kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng
pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.

34. Ang angkop na paamagat ng talata ay ______________________________________


a. Ang pagbabayad ng buwis c. Ang pondo ng mamamayan

b. Ang Kawanihan ng Rentas Internas d. Ang pangongolekta ng buwis

I. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____ 35. Diksiyonaryo a. Kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita

_____ 36. Tesawro b. Mga mapa at impormasyon tungkol sa isang lugar, gaya ng
lawak, layo, populasyon,
anyong-lupa at anyong-tubig
_____ 37. Atlas
c. Kahulugan, baybay, pagpapantig, at pinagmulan ng mga
salita. Malalaman din kung sa aling bahagi ng pananalita
kabilang
ang salita. Nakaayos ito ng paalpabeto.
_____ 38. Almanac
d. Taunang talaan o kalendaryo ng mga mahahalagang petsa
at datos ng impormasyon na nagyari sa aktuwal na
pagkakataon
_____ 39. Peryodiko
e. Ginagamit bilang sanggunian sa paghahanap ng kaalaman
tungkol sa iba’t ibang larangan. Ito ay naglalaman ng malawak
at komprehensibong artikulo tungkol sa isang paksa.
_____ 40. Ensiklopedia
f. Balita, impormasyon, o patalastas tungkol sa isang luagr o
espesyal na paksa. Maaaring maglabas ng bagong isyu sa
bawat araw, linggo, buwan o taon.

J. Punan ng angkop na impormasyon ang polmunaryo.

(41) Pangalan:

(42) Kaarawan: (43) Edad:

(44) Tirahan:

(45) Pangalan ng Ina:

(46) Pangalan ng Ama:


J. Isulat sa tamang pagkakaayos ang sumusunod na e-mail. Kopyahin sa template ng e-mail na
makikita sa ibaba.(5 puntos)

Nais ko pong imungkahi na magkaroon ng patimpalak sa paggawa ng islogan sa darating na


programang isasagawa sa ating paaralan. Marami po sa aking mga kamag-aral ang nagnanais na
sumali sa paggawa ng islogan. Sana po ay iyong mabigyang pansin ang aking mungkahi.

Mahal na Ginang:

Jaycel Santos
Mag-aaral sa Ikalimang Baitang

Sumasainyo,

mariasantiago@gmail.com

Mungkahing Patimpalak para sa Programa sa Paaralan


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Bay Sub-Office
MAITIM ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


TABLE OF SPECIFICATIONS
S.Y. 2022-2023

Mga Kasanayan Bilang Bilang


ng Bahagdan ng
Araw ng Panahon Aytem Kinalalagyan
Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa
5 11.11 % 6
paglalarawan. (F5WG-IIId-e-9) 7,8,9,10,11,12
Napagsusunodsunod ang mga
pangyayari sa tekstong napakinggan
5 11.11 % 6
(kronolohikal na pagsusunodsunod )
F5PN-IIIb-8.4 1,2,3,4,5,6
Naibabahagi ang isang pangyayaring
5 11.11 % 6
nasaksihan (F5PS-III-e-3.1) 19,20,21,22,23,24
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon
5 11.11 % 6
o katotohanan. F5PB-IIIf-h-19 13,14,15,16,17,18
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop
3 6.66 % 3
sa pakikipagtalastasan (F5WG-IIIf-g-10) 25,26,27
Naibibigay ang mga salitang
magkakasalungat at 2 4.44% 2
magkakasingkahulugan (F5PT-IIIc-h-10) 28,29
Nasasabi ang simuno at panag-uri sa
3 6.66 % 3
pangungusap. F5WG-IIIi-j-8 30,31,32
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat
sa tekstong napakinggan 2 4.44% 2
F5PN-IIIi-j-17 33,34
Nakasusulat ng isang sulating pormal, di
pormal (email) at liham na nagbibigay ng 5 11.11 % 5
mungkahi. F5PU-IIh-2.9 F5PU-IIj-2.3 46,47,48,49,50
Nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa 5 11.11 % 6
isang isyu (F5EP-IIIb-6) 35,36,37,38,39,40
Naibibigay ang datos na hinihingi ng
isang form (F5PU-Ii-16) 5 11.11 % 5
41,42,43,45,45
Kabuuan 45 100% 50 50

Susi sa Pagwawasto

1.A 11.pamaraan 21.A 31.BS 41.


2.F 12.pamanahon 22. C 32.BS 42.
3.B 13.K 23.A 33.C 43. Ayon
4.E 14.O 24.B 34.B 44. sa
5.C 15.K 25.na 35.C 45.
6.D 16.O 26.ng 36.A 46.
pasya
7.pamaraan 17.K 27. g 37.B 47. ng
8.pamanahon 18.K 28. maganda 38.D 48. guro
9.pamaraan 19.B 29.mapangit 39.F 49.
10.panlunan 20.C 30.BP 40.E 50.
Si Tipaklong at ang Paruparu

Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng pangangailangan.

Kay lakas ng ulan! Kay lakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon. Nagsasayawan
ang mga puno maging ang mga halaman at bulaklak. “Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong
kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi ako sa aking pinagtataguang kahoy”. “Tiyak na giginawin ka rin
kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang bumabalot sa katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang
paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo. “Hindi nga ako
mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong. “Hindi mo naman makikita
ang ganda ng paligid kung hindi ka lalabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo
madarama. Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga
dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo. “Oo nga, ano?” ang sagot ni
Tipaklong na may pagsang-ayon. “Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi
ni Paruparo. “Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong. “Ang katawan mo ay mahaba,
matibay pa. Bakit giniginaw ka pa? Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag
nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang
pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo. “Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may
kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga
pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang mga
pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.” “Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay?
Paano na ako makalalapit kay

Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot na tanong ni Paruparo. “Kung
sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man ay natatakot na kapag hindi tumigil
ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw
huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong. “Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang
mabuti nating gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo. “Alam ko na, may
paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni Paruparo. “Sa ilalim ka ng mga
bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong. “At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang bulaklak na
pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni Tipaklong. At sabay na kumapit sa bulaklak ang
magkaibigang si Paruparo at si Tipaklong.

You might also like