You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
CADOLDOLAN INTEGRATED SCHOOL
MIAGAO ILOILO
_________________________________________________________________________________________________

IKALAWANG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN 7

( KASAYSAYAN NG ASYA 7)

Pangalan____________________________________________________________________Baitang/Pangkat_________

I.A Panuto:Basahin Mabuti at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Dalit Diyona Sambotani

Kundiman Oyayi

___________________1. Ito ay awiting-bayan na inaawit kapag nagtatagumpay ang isang tao o

pangkat.

___________________2. Madalas itong inaawit bilang panghele o pampatulog ng bata. Ito ay

katumbas ng lullaby sa Ingles.

___________________3. Ito ang mga awit ng pag-ibig o awit ng panghaharana ng binata sa

kanyang nililiyag.

___________________4. Awit na nagpapakita ng pagdakila sa Maykapal.

___________________5. Ito ay karaniwang inaawit kapag may ikinakasal o pamamanhikan.

B.

Alamat Epiko Pabula

Kwentong Bayan Maikling Kwento

___________________6. Ito ay isang panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita na

parang tao.

___________________7. Nilalaman ng akdang ito ang tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at maging ng
mga pook.

___________________8. Ito ay akda na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.

___________________9. Pinapaksa nito ang tungkol sa hindi pangkaraniwang pangyayari at sa mga

nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng diwata, siokoy,enkantada, at iba pa.

__________________10. Ito ay mga akda na nagsasalaysay sa paraang maikli, madali at masining.

B.Panuto: Punan ng salita ang bawat puwang upang mabuo ang kaisipang inilalahad sa talata. Piliin ang mga salita sa
loob ng kahon.

tatak tradisyon yaman kabataan lahi

maglaho pamana kultura papel dayuhan

Makukulay ang kaugalian at (11)________________ ng mga taga-Visayas .Maututuring itong (12) _____________ ng

lahing Pilipino na dapat ipagmalaki at tangkilikin. Subalit kapansin-pansin na iilan na lamang sa mga (13)______________

ang nagpapahalaga nito tulad ng mga awiting-bayan at bulong na iilang kabataan na lang ang nakikinig o nakikisabay
nito. Maaari itong (14) _________________ kung hindi maaagapan.Bilang kabataang Pilipino,

malaki ang (15) _________________ na iyong ginagampanan upang mananatiling buhay ang maningning na

(16) __________________ng ating mga ninuno na siyang (17) ________________ng pagka-Pilipno. Sa iyo magsimula ang

pagpapahalaga sa ating mga katutubong panitikan tulad ng awiting-bayan at bulong na siyang

sumasalamin sa ating natatanging (18) __________________at tradisyon. Ipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa yaman

ng ating (19) _________________. Huwag mong hayaang tuluyang matabunan ng malakas na puwersa mula sa mga

(20) __________________ ang pinag-ingatang yaman. Matuto kang tumanggap ng makabago subalit huwag

kalimutan ang sariling atin.

II.A. Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________21.Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa kanilang pagsusulat.
Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga salitang nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.

a.Karaniwan b.Kolokyal c. Balbal d. Pampanitikan

_________22.Alin ang pangungusap na nagpapakita ng antas ng wika na nasa anyong balbal?

a.Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas minsan nasa baba.

b.Dapat ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa life.

c.Ang mga taong may paniniwala sa Panginoon ay matatag sa buhay.

d.Wala sa nabangit

B.Para sa bilang 23-25.Tukuyin ang antas ng wikang binabanggit sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
Piliin ang titik at isulat ang tamang sagot.

a.Balbal b.Kolokyal c. Lalawiganin d. Pambansa e. Pampanitikan

_______23. Mainit ang panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman nauuso ang mga iba’t ibang uri ng sakit.

_______24. Dinedma si Ruel ng kaniyang kasintahan dahil sa naging away nila kagabi.

_______25. Wapakels siya kung pag-usapan man siya ng ibang tao. Siya ay may sariling diskarte sa buhay.

_______26. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o kaya’y partikular na pook kung saan
nagmula o kilala ang wika.

a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

________27. Ito ay mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan

ng mga nakapag-aaral sa wika.

a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

________28. Ito ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye. Hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsusulat.

a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

________29. Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.Madalas na ginagamitan ng


pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.

a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

________30. Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang yosi. Ang yosi ay nasa anong antas ng wika ?

a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

________31.Ito ang ideya o konsepto na nais iparating nang manunulat sa mambabasa.

a.kaisipan b.mensahe c.salita d.panawagan

_________32. . Ito ang aral na natutunan mula sa akda .

a.kaisipan b.mensahe c.salita d.panawagan


33. Kilala ito sa tawag na kantahang bayan.

a.awiting bayan b.tula c.haiku d.tanka

_________34. Ito ay tinatawag ding orasyon at ginagamitan ng ating mga ninuno noon at pahanggang ngayon lalo na sa
maraming kababayan.

a.alamat b.bulong c.awiting bayan d.pabula

_________35.Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa :

a.Materyal na kayamanan ng isang bayan

b.Pagdurusang dinanas ng isang bayan

c.kultura’t kaugalian ng isang bayan

d.Politika sa isang bayan

________36. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay tuing sa pangngalan o panghalip.

a. Pandiwa b.Pang-uri c. Panghalip d. Pang-abay

________37. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-uri?

a.Sumasayaw ang aking kapatid. c.Ang magkakaibigan ay naghahanda para sa kanilang outing.

b.Umalis siya ng bahay kahapon. d.Napakabango ng ibinigay niya sa aking bulaklak

_______38 Tukuyin ang pangungusap na nasa anyong Pahambing.

a.Kulay itim ang iniregalo niya sa aking bag. c. Magkasimputi ng balat si Dahyun at Suga.

b. Matalino ang kaibigan kong si Lisa. d. Si Kai ang pinakamagaling maglaro ng basketbol sa kanilang Barangay.

B.Panuto: Tukuyin ang tamang pang-uri na pupuno sa diwa ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

______39.Sa magkakaibigan si Regine ang (tahimik) sa lahat.

a. mas tahimik b. lalong tahimik c. pinakatahimik d. magkasintahimik

______40. Ang pagiging (galang) na anak ay nagpapakita ng respeto at pagmamahal sa mga magulang.
a. pinakamagalang b.magalang c.igagalang d.ginagalang

III.Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga linya: 1 para sa pinakamababaw at 3 sa pinakamatindi ang digri o
intensidad. Gawing gabay ang pangungusap kung saan nagamit ang salitang nakahilig.

41.____ Humagulgol siya dahil pumanaw ang kaniyang Lola.


____ Lumuluha siya dahil sa malungkot na awting pinapakinggan niya.
____ Umiiyak siya dahil namatay ang bida sa pelikulang pinapanood niya.

42.____ Makitid ang daan, hindi magkakasya ang dalawang tao rito.
____ Maliit ang daan, hindi magkakasya ang sasakyan ko rito.
____ Makipot ang daan, hindi ako magkakasya rito.

43.____ Masaya ako sa inyong pagbisita sa akin.


____ Natutuwa ako sa inyong pagdalo at pagbibigay ng regalo.
____ Nagagalak ako sa lahat ng mga dumalo, bumati at sa ibinigay na mga regalo.

44.____ Mabanas ang panahon pagdating ng Abril.


____ Mainit ang panahon pagdating ng Marso.
____ Maalinsangan ang panahon pagdating ng Mayo hanggang Hunyo.
45.____ Marupok ang mga material na ginamit sa pagtayo ng gusali.
____ Mahina ang isipan niya pagdating sa pagsasaulo.
____ Malambot ang biniling damit ng nanay ko.

IV.Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay suriin ang kaantasan nito at isulat
sa patlang kung ito ay LANTAY, PAHAMBING o PASUKDOL.

___________46. Ang batang masipag mag-aral ay siguradong matutupad ang mga pangarap.

___________47. Mas makabubuti sa mga tao ngayon ang manatili sa loob ng bahay kaysa lumabas.

___________48. Labis akong nalulungkot sa pagkawala ng aking alagang aso.

___________49. Mahilig mag-Tiktok ang kaibigan kong si Angel.

___________50. Pinakamahirap na problemang kinahaharap ng mga tao ngayon ay ang pandemya dahil sa COVID 19.

B.Para sa bilang 51-60. Piliin ang tamang sagot at ilagay sa kanyang nakaayon na kahon.

Biag ni Lam-ang Maragtas Labaw Donggon

Darangan Hudhud Humadapnon Bantugan

Ullalim Hinilawod Ulod

Epiko ng Luzon Epiko ng Visayas Epiko ng Mindanao

51. 54. 58.

52. 55. 59.

53. 56. 60.

57.

V.Isaayos ang letra ayon sa nabuong salita.

_____________61.KATSU -Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

_____________62.NOSAKNG – Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya

_____________63.GMTUA- Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan

_____________64.TAALINHGA- Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

_____________65.GMATUANG ANAGP ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa gayon ay


mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng tula.

ANGELICA N.FALING
Guro ng Filipino 7

You might also like