You are on page 1of 3

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Tiaong, Quezon
TALISAY INTEGRATED SCHOOL
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN
Pangalan ______________________________ Petsa _____________
Taon at Seksyon ________________________ Iskor _____________
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat sa PATLANG ANG TITIK NG
TAMANG SAGOT.
_____1. Ang _____________ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay
ng isang tao. Ang bawat pangyayari ay nagbibigay kahulugan at ideyang nais ipadama.
a. Dagli b. Anekdota c. Tula d. Sanaysay
_____2. Siya ang may-akda ng “Akasya o Kalabasa.”
a. Consolacion P. Conde b. Roderic Urgelles c. Roselyn Salum d. Alejandro Abadilla
_____3. Siya ang may-akdang “Mula sa mga Anekdota ni Saadi.”
a. Consolacion P. Conde b. Roderic Urgelles c. Roselyn Salum d. Alejandro Abadilla
_____4. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nakasulat ng pahilig?
a. lumisan b. nalito c. napahiya d. naimbitahan
_____5. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang nakasulat ng pahilig?
a. lumisan b. napahiya c. sayangin d. naimbitahan
_____6. Sa akdang LIONGO, siya ang namamahala ng kababaihan
a. Ozi b. Matrilinear c. Faza d. Patrilinear
_____7. Siya naman ang namamahala sa kalalakihan.
a. Ozi b. Matrilinear c. Faza d. Patrilinear
_____8. Ito ang lugar kung saan ang namumuno ay si Liongo.
a. Ozi b. Matrilinear c. Faza d. Patrilinear
_____9. Sa bansang ito nagmula ang akdang Liongo.
a. Iran b. Kenya c. Persia d. Greece
_____10. Batay sa pagsasaling-wika, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin?
a. Basahin nang paulit-ulit. c. Ikumpara ang ginawang salin.
b. Suriin ang bawat salita sa isinalin. d. May sapat kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
_____11. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang “A negative mind will never give you a positive
life.”
a. “Ang isip ng negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang-pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”
_____12. Siya ang may akda ng tulang “Nakapupungaw ang Pagkabata.”
a. Jaymark A. Monforte b. Roderic Urgelles c. Roselyn Salum d. Alejandro Abadilla
_____13. Sa kabuoan ng tulang “Nakapupungaw ang Pagkabata.” paano pinagkompara ang buhay ng
pagkabata-patanda?
a. sa pamamagitan ng laro c.. sa pamamagitan ng suliraning pambata
b. sa pamamagitan ng karanasan ng matanda d. sa pamamagitan ng mga awiting-pambata
_____14, Anong laro iniuugnay ang pagdanas ng kahirapan?
a. futbol b. siyato c. tumbang preso d. kapintero
_____15. Paano nagkakaiba ang bata sa larong bahay-bahayan sa kasalukuyang bata?
a. nakararanas ng magandang buhay ang bata sa bahay-bahayan samantalang batang lansangan
ang ilang mga bata sa kasalukuyan
b. nakakakain nang tatlong beses ang bata sa bahay-bahayan samantalang walang makain ang
bata sa kasalukuyan
c. may damit na maayos ang bata sa bahay-bahayan samantalang wala ang bata sa kasalukuyan
d. may kinikilalang magulang ang bata sa bahay-bahayan samantalang inabandona ang ilan sa
mga bata sa kasalukuyan
______16. _________mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula. Tukuyin ang nawawalang
salita sa pangungusap,

R.U.A 2021-2022
a. Sadya b. tunay c. Totoong d. Ngunit
______17. Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena,________nagpakita pa rin siya ng kahusayan sa
pagganap.
a. tunay b. sadya c. Totoong d. Ngunit
______18. _________malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa.
a. Totoo b. Sadyang c. datapwat d. totoong
______19. Ang ________ ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin. Mababasa dito ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at
kadakilaan
a. maikling kuwento b. tula c. dula d. nobela
______20. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng damdamin ng tao ayon sa iba’t ibang sitwasyon,
maliban sa isa.
a. nagluksa b. nagpipigil ng hikbi c. nagalit d. nagsalita

II. Panuto: Piliin sa kahon ang tinutukoy ng mga sumusunod. Ilagay sa patlang ang titik ng iyong sagot.
a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Kariktan e. Tayutay
______1. Ito ay elemento ng tula na ang tinutukoy ay tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
______2. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito an gang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng mga
akda.
______3. Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
______4. Ang _________ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita kung kaya’t magiging
malalim ang at piling-pili ang mga salita nito.
______5. Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.

III. Panuto: Magbigay ng limang salitang may kaugnayan sa salitang SANAYSAY.


1.
2.
3.
4.
5.
IV. Panuto: Basahin ang sumusunod na mensahe. Tukuyin kung ang ginamit sa mensahe ay TUWIRAN O
‘DI TUWIRANG PAHAYAG. ISULAT SA PATLANG ANG IYONG KASAGUTAN. (2 puntos)
____________________1. Sabi ng aking guro sa aming group chat, ngayon na ang pasahan ng mga
sinagutang modyul.
____________________2. “Mag-ingat ang lahat, dahil hindi natin alam kung sino ang dadapuan ng sakit na
kumakalat sa bansa.”
____________________3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of
Information sa Senado.
____________________4. Ayon sa Gobernador, handa na ang probinsya ng Quezon sa bakuna kontra
Covid.
____________________5. “Ang taong nagmamataas ay ibinababa at ang taong nagpapakumbaba ay
itinataas.”
Inihanda ni:

BB. RICA U. ALQUISOLA


Guro Sa Filipino

Iwinasto nina:

BB. KATHERINE U. CATBAGAN BB. MARY GRACE R. LANDICHO


LR Coordinator CID Coordinator

Ipinagtibay ni:

GNG. LEA L. LOPEZ


Punongguro I
R.U.A 2021-2022
R.U.A 2021-2022

You might also like