You are on page 1of 3

LIM – AO NATIONAL HIGH SCHOOL

Kananga, Leyte

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: _____________________________ Taon at Pangkat: ______ Marka: _____ Petsa: ________

I. Piliin at isulat sa patlang ng sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

____1. Pabalik na si Basilio sa bayan nang marinig ang:


a. Aninong palapit sa kanya c. Yabag ng mga paa
b. Kaluskos ng mga dahon d. Takbuhan ng mga hayop
____2. Nagulat si Basilio nang makilala ang mukha sa tama ng liwanag ng lente, ito ay si:
a. Simoun, ang mag-aalahas c. Simoun na nakatatakot ang mukha
b. Simoun, ang tumulong sa paglilibing d. Simoun na naghuhukay
sa kanyang ina
____3. Nang makita ni Simoun si Basilio ay tinangka nitong barilin sapagkat:
a. Nakilala siya nito c. Natuklasan ang lihim niya
b. Baka siya isuplong sa may kapangyarihan d. Nagalit siya kay Basilio
____4. Naitago ni Simoun ang tunay niyang anyo sa kaniyang:
a. Malaki at bughaw na salamin c. Ayos at pananalita
b. Mahabang balbas d. Matikas na tindig
____5. Nagbalik sa kapuluan si Simoun kasama ang:
a. Kura b. Kastila c. Tagalog d. Artilyero
____6. Ang wikang nakikituloy lamang sa bansa at hindi maaaring maging sarili ay ang wikang:
a. Ingles b. Kastila c. Tagalog d. Bisayas
____7. Ayon kay Simoun ang lahat na sinabi ni Basilio ay nagaganap lamang sa:
a. pangarap b. paaralan c. simbahan d. pamahalaan
____8. Ang paaralan ay nagkakait na magkaroon ang mga kabataan ng:
a. kinatawan sa paaralan c. kinatawan sa akademiya
b. kinatawan sa mga kapulungan d. kinatawan sa simbahan
____9. Ang nagsabing ang karunungan ay hindi hantungan ng tao.
a. Kabesang Tales b. Basilio c. Simoun d. Sinong
____10. Si Simoun ay maaaring matagpuan sa bahay nito sa:
a. Ongpin b. Escolta c. San Diego d. San Juaquin
____11. Ang araw na pinananabikan ng lahat ay:
a. ang paligsahan ng heneral c. ang pagdaraos ng piging
b. ang pagsapit nga kasal d. ang pagbibinyag
____12. Ayon sa mga Indiyo, ang demonyong ayaw hiwalayan ni Simoun ay:
a. ang mga taong bayan c. ang Kapitan-Heneral
b. ang mayayamang mangangalakal d. si Basilio
____13. Ayaw magpaiwan ni Simoun dahil sa:
a. baka siya mapaghigantihan c. baka siya usigin ng magiging kapalit ng Heneral
b. baka siya malugi sa pangangalakal d. baka wala siyang makasama
____14. Inaasahan ni Simoun ang pagdating ni Basilio dahil sa:
a. ito ay nakatakas sa bilangguan c. napawalan ng bisa ang paratang sa kaniya
b. natulungan niya ito upang makalaya d. gusto na nitong makipagsabwatan
____15. Handa nang maghimagsik si Basilio dahil sa:
a. wala nang halaga ang kaniyang buhay c. hinihimok siya ni Simoun na maghimagsik
b. ito na lamang ang nalalaman niyang paraan d. nagbagong anyo na siya
____16. Ang unang pag-aalsa ay hindi nagtagumpay dahil sa:
a. nakita nila na wala silang laban c. nakita nila si Simoun na nag-atubili
b. kakaunti ang nakuha niyang tauhan d. Hindi pa handa sa pakikipaglaban si Simoun
____17. Ayon kay Simoun, ang isa pang dahilan ng kanilang kabiguan ay sapagkat ang mga tunay na lalaki
ay:
a. nagpakita ng takot at kahinaan ng loob c. naroroon sa mga bundok at yungib
b. naging gahaman at sakim d. pinanghihinaan ng loob
____18. Ayon kay Simoun ang laman ng lamparang sasabog ay:
a. mga asero at dinamita c. luhang tinipon at poot na tinimpi
b. likido at nitrogliserina d. sama ng loob at paghihiganti
____19. Idinugtong pa ni Simoun na ang lamparang iyon ay:
a. magwawakas sa mga kasalanan c. sandatang papatay sa lahat ng ganid
b. huling sandata ng mga mahihirap d. gigimbal sa buong bansa
____20. Ang lamparang iyon ay puputok at sasabog kapag:
a. umabot ang dalawampung sandali c. itinaas ang mitsa
b. lumamlam na ang liwanag d. inalis ang takip ng lampara
____21. Nagdalamhati si Huli nang malaman niya ang nangyari kay Basilio dahil:
a. maaaring siya ay nalulong nang matagal c. hindi na sila magkikita pa
b. hindi na nito matutupad ang kaniyang pangarap d. Patay na si Kabesang Tales
____22. Ang hukom Pamayapa ay nagpayo kay Huli na ang lapitan nila ay si Padre Camorra dahil alam niyang
ito ay:
a. malakas ang impluwensiya c. mahilig sa magagandang babae
b. tumutulong sa mga naaapi d. may takot sa Diyos
____23.Naniniwala ang marami na ang nangyari kay Basilio ay:
a. paglaban nila sa mga paring Kastila c. makatarungan para sa mga estudyante
b. paghihiganti ng mga Prayle d. dahil na rin ay Kapitan Tiyago
____24. Ang Agua Bendita ayon kay Hermana Penchang ay mabisang gamot kung:
a. ipaliligo ito c. maniniwala ka dito
b. iinumin nang dahan-dahan d. ihahaplos sa bahaging masasakit
____25.“Malapit na ang araw, at sa pagbubukang liwayway ay ako na rin ang magbabalita sa inyo.” Sa
pahayag na ito, nakikinita ni Simoun na ______________.
a. magiging malaya ang bansa c. tutulungan niya si Basilio
b. mamatay na siya d. magbabago siya ng pasya

II. Ayusin at isulat ang A-E ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pahayag.

____26. Ikapito ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga panauhin sa kasal.
____27. Samantala, malungkot si Isaganing nanonood sa nagaganap na kasiyahan.
____28. Dumating din si Simoun sa piging dala ang lamparang regalo sa ikinasal.
____29. Biglang may isang di-kilalang lalaki ang biglang sumulpot at kinuha ang lampara at inihagis ito sa
ilog.
____30. Sa loob ng bahay, isang sulat ng mga babala ang nagpasalin-salin sa kamay ng mga panauhing
nagbigay-takot sa kanila.

III. Pag-akma-akmain ang nasa hanay A at hanay B. Isulat ang letra sa patlang.

Hanay A Hanay B
____31. Ipinalit sa rebolber ni Simoun a. Kapitan Basilio
____32. Kinuha ng mga Guardia Civil b. Simoun
____33. Kaibigang matalik ni Maria Clara c. Kapitana Penchang
____34. May suot ng “locket” noong pista sa san Diego d. Sinang
____35. Nakituloy sa bahay ni kabesang Tales e. Kapitana Tika
____36. Panginoon ni Huli f. “Locket”
____37. Sumama sa mga tulisan g. Maria Clara
____38. Bumli ng kairel para sa alperes h. Pari Salvi
____39. Pumupuri kay Maria Clara i. Kabesang Tales
____40. Bumubili ng relikaryo j. Tandang Selo
k. Bagong kasama ng pari

IV. Sagutin nang kung WASTO o HINDI.

________41. Si Don Custodio ang pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay.


________42. Labing isang buwan siyang nagtira sa Madrid saka bumalik dito sa Pilipinas.
________43. Pinagpayuhan siyang umuwi sa Espanya upang magpagamot ng sakit sa baga.
________44. Si Padre Irene ay binigyan ng bansag na Buena Tinta.
________45. Maraming nanghihiram ng kuwalta kay Don Custodio sa Madrid at pinahihiram niya.
________46. Hindi niya naibigan ang mga conservador sa Madrid kaya siya’y lumipat sa liberal.
________47. Lubhang maraming tungkuling hinahawakan si Don Custodio.
________48. Si Don Custodio ay isang Kastila na nakapag-asawa sa isang mayamang Pilipino.
________49. Lubos na pinagpitaganan siya sa Madrid dahil sa kanyang mga brilyante.
________50. Sa mga pulong na dinadaluhan ni Don Custodio ay natutulog lamang siya.

V. Punan ng wastong salita ang bawat puwang.

51. Ayaw ni Simoun na madadag pa ang wikang _________ sa may apat napu ng ginagamit dito.
52. Sa __________ nagtitira si Simoun.
53. Natuklasan ni __________ ang lihim ni Simoun na siya ay si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere.
54. May ____ taon nang mamatay ang ina ni Basilio.
55. Si Basilio ay nakakita ng isang _______ sa siwang ng dalawang ugat ng baliti.
56. Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa _________.
57. Si _______ na anak ni Kabesang Tales ay nakiki-usap na palayain ang kanyang nuno.
58. Kauniti nang magsuntukan sa bapor si Isagani at si P. ________.
59. Ang mga nagsipangaso ay may kasama pang banda ng _________.
60. Pinupuri si ________ ng mga pari at ng kondesa.

********************GOD BLESS********************

Inihanda ni:

DIANA A. CULILE
Guro

You might also like