You are on page 1of 5

PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Taong Akademiko 2017-2018

Pangalan:_________________________________ Petsa: __________________

Baitang at Seksyon: ________________________ Iskor: __________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

I. Tukuyin ang mga impormasyong hinihingi sa talata at mga aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Ang (1.) _________ na nangangahulugang "The Reign of Greed" sa Ingles at "Ang Paghahari ng Kasakiman" sa Tagalog ay
ang karugtong ng nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay nailimbag sa (2.) _________ noong (3.)
_________ sa tulong ng kaniyang kaibigang si (4.) _________. Ang akdang ito ay buong pusong inialay ni Rizal sa/kay (5.)
_________.

1. A. El Felibusterismo B. El Filibusterismo C. El Felebusterismo D. El Filebusterismo

2. A. Madrid, Spain B. Manila, Philippines C. Ghent, Belgium D. Tokyo, Japan

3. A. Setyembre 18, 1891 B. Setyembre 21, 1891 C. Setyembre 18, 1892 D. Setyembre 22, 1891

4. A. Valentin Ventura B. Jose Maria Basa C. Maximo Viola D. Ferdinand Blumentritt

5. A. Pilipinas B. Leonor Rivera C. mga prayle D. GomBurZa

____6. Si Dr. Jose Rizal ay maituturing na isang polyglot. Ano ang ibig sabihin nito?

A. Si Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. C. Si Rizal ay mahusay sa matematika.

B. Si Rizal ay bihasa sa iba't ibang wika. D. Si Rizal ay nagtataglay ng kagalingan sa iba't ibang
larangan.
____7. Si Dr. Jose Rizal din ay sinasabing isang polymath. Ano naman ang ibig sabihin nito?

A. Si Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. C. Si Rizal ay mahusay sa matematika.

B. Si Rizal ay bihasa sa iba't ibang wika. D. Si Rizal ay nagtataglay ng kagalingan sa iba't ibang
larangan.
____8. Ang ating pambansang bayani ay namatay sa edad na ___.

A. 30 B. 32 C. 34 D. 35

II. Tukuyin ang mga tauhang binabanggit sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____9. Siya ang dating bata na namatayan ng kapatid at ina ngunit nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling
pagsisikap.

A. Basilio B. Isagani C. Simoun D. Placido Penitente

____10. Ang dating Crisostomo Ibarra na nagbabalatkayong mag-aalahas sa ilalim ng kulay bughaw na salamin.

A. Makaraig B. Sandoval C. Simoun D. Basilio

____11. Larawan siya ng isang dalagang Pilipina ngunit napilitang manilbihan upang matubos ang kaniyang ama.

A. Maria Clara B. Huli C. Lucia D.Paulita Gomez

____12. Isang makatang mag-aaral sa Ateneo na may paninindigan at natatanging pagpapahalaga sa edukasyon

A. Basilio B. Pecson C. Juanito Pelaez D. Isagani

____13. Matiyagang sinaka niya at ng kaniyang pamilya ang isang lupaing walang nagmamay-ari ngunit ito ay
inagaw sa kanila ng korporasyon ng mga prayle.

A. Tandang Selo B. Kabesang Tales C. Kapitan Tiago D.Camaroncocido

____14. Kilala siya sa tawag na Buena Tinta na nagpapalagay sa kaniyang sarili na siya lamang ang nag-iisip sa
buong Pilipinas at titigil sa pag-ikot ang mundo kung hindi siya kikilos.

A. G. Pasta B. Padre Fernandez C. Don Custodio D. Kapitan Heneral


____15. Siya ang kasuklam-suklam na tiyahin ni Paulita Gomez na ikinahihiya ang kaniyang lahi at nagpapanggap
na isang Europea.

A. Donya Victorina B. Hermana Penchang C. Kabesang Andang D. Kapitana Loleng

III. Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa Kolum A. Hanapin mula sa Kolum B ang sagot
at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

KOLUM A KOLUM B

____16. agam-agam A. tagausig

____17. artilyero B. kanyonero

____18. katedratiko C. lalagyan ng damit

____19. laket D. alinlangan

____20. tampipi E. agnos

____21. prokurador F. babasahin

____22. polyeto G. paring propesor

IV. Kilalanin kung sino ang nagsabi ng mga sumusunod na mahahalagang pahayag. Piliin sa kahon sa ibaba
ang titik ng tamang sagot.

____23. “Ang tubig ay nakapapatay ng apoy. Ang tubig ay maaaring makapuksa ng sangkatauhan o lumunod ng
mundo kapag naging dagat.”

____24. “Bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay niya ang kalayaan.
Ang wika ay pag-iisip ng bayan.”

____25. “Isipin mo na lamang na ang halagang iyon ay naipatalo mo sa sugal o nahulog sa tubig na sinagpang ng
buwaya.”

____26. “May hihigit pa bang karamdaman sa naghihingalong lipunan?”

____27. “Kung alalahanin ko ang aking buhay na walang ginawa kundi ang para lamang sa aking sarili, walang
ginawa alang-alang sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat, o maski para sa mga mamamayang nagpalago ng aking
kabuhayan, ang bawat uban sa ulo ko ay magiging tinik at hindi ko ipagmamalaki bagkus ay aking ikahihiya nang
labis.”

A. Simoun B. Basilio C. Isagani D. Tandang Selo E. Kabesang Tales

V. Suriin ang ipinahihiwatig ng matatalinhagang pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____28. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid.”

A. Mahilig manakot ang pamahalaan. C. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan.

B. Makapangyarihan ang pamahalaan. D. Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan.

____29. “Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayon sa iba, Tsino, ang iba naman, Indiyo.”

A. Hindi mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba. C. Hindi alam kung kailan darating ang magnanakaw.

B. Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw. D. Sila lang ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi.

____30. “Walang lihim ang hindi nabubunyag.”

A. Kahit anong tago ng sikreto, ito ay lalabas din sa tamang panahon.

B. Walang maaaring magtago ng kaniyang lihim.

C. Lahat tayo ay may pagkakaiba sa pagtatago ng sikreto.

D. Mas mabuting magtiwala sa taong karapat-dapat na pagkatiwalaan.


____31. “Ngayong pudpod na ang parang, lilipat sa iba ang baling.”

A. Malinis na ang paligid kaya iba naman ang lilinisin.

B. Dahil mahirap na ang buhay, kailangan nang sumuko.

C. Kapag wala nang makuha, sa iba naman magtutungo.

D. Ngayong ubos na ang likas na yaman, kailangan nang magtanim.

____32. “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.”

A. Pagbawalan ang ibang tao na alipinin tayo.

B. Walang magtatangkang mang-api sa mga taong marunong lumaban.

C. Hindi tayo magiging alipin kung magtatago tayo sa kanila.

D. Mang-alipin sa mga taong nang-aalipin.

VI. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-F sa patlang ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
ito.

_____33. Ikapito ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga panauhin sa kasal.

_____34. Samantala, malungkot si Isaganing nanonood sa nagaganap na kasiyahan.

_____35. Dumating din si Simoun sa piging dala ang lamparang regalo sa ikinasal.

_____36. Nakita ni Basilio si Isagani at ipinagtapat niya rito na may magaganap na pagsabog.

_____37.Biglang may isang di-kilalang lalaki ang biglang sumulpot at kinuha ang lampara at inihagis ito sa ilog.

_____38. Sa loob ng bahay, isang sulat ng mga babala ang nagpasalin-salin sa kamay ng mga panauhing nagbigay-
takot sa kanila.

VII. Suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____39. Nang makita ni Simoun si Basilio ay tinangka nitong barilin sapagkat:

A. Nakilala siya nito. C. Natuklasan nito ang lihim niya.

B. Baka siya isuplong sa may kapangyarihan. D. Nagalit siya kay Basilio.

_____40. Ano ang nais patunayan kung bakit hindi agad makapagsimula ang palabas gayong puno na naman ang
teatro?

A. Maiingay pa ang mga tao at hinihintay lamang na tumahimik ang lahat.

B. Makapangyarihan ang Kapitan-Heneral at kailangang hintayin siya bago magsimula.

C. Hinihintay ang takdang oras ng pagsisimula.

D. Wala pa silang gana para magsimula.

_____41. Bakit ayaw ni Huli na lumapit kay Padre Camorra?

A. Baka alilain siya ng pari. C. Makapangyarihan ang kura.

B. Batid niyang may masamang tangka ito sa kaniya. D. Nambubugbog si Padre Camorra.

_____42. Ipinaglalaban nina Isagani ang Akademya ng Wikang Kastila dahil uhaw sila sa karunungan.
Nangangahulugan na sila ay ____________.

A. Nag-aalinlangan C. Nakapagpapahayag ng saloobin

B. Nasasabik matuto D. Napapahamak sa kanilang pasya

_____43. Sino ang mga nakasakay sa ibabaw ng kubyerta?

A. Ang kapitan ng bapor at Kapitan Heneral

B. Mga Instik at mga Indiyo


C. Mga nanggaling sa bakasyon at mga dadalo sa piging

D. Mga prayle at matataas na tao sa lipunan.

_____44. Anong pinag-usapan nina Kapitan Basilio, Basilio at Isagani sa ilalim ng kubyerta?

A. Kalagayan ni Kapitan Tiago at Akademya ng Wikang Kastila

B. Tungkol sa mga alamat ng ilog Pasig

C. Pagkahilig ni Simoun sa serbesa

D. Sitwasyon ni Paulita at Isagani

_____45. Bakit nagdadala ng armas si Kabesang Tales sa kaniyang lupain?

A. Upang magpakitang-gilas sa mga daraan doon

B. Upang hindi siya mabagot sa pamamalagi roon

C. Upang katakutan siya ng lahat

D. Upang bantayan ang kaniyang lupain

_____46. Bakit si Juanito ang piniling pakasalan ni Paulita kahit na si Isagani ang kaniyang naging kasintahan?

A. Si Juanito ay mas matipuno at malakas ang dating kaysa kay Isagani

B. SI Juanito ay mayaman at maimpluwensiya samantalang si Isagani ay inilalagay ang sarili sa panganib

C. Napilitan lamang siya dahil ng kaniyang tiyahin.

D. Upang maregaluhan ng mag-aalahas na si Simoun

_____47. Ano ang dahilan kung bakit hindi napakiling ng mga mag-aaral si Ginoong Pasta na umayon sa kanilang
pagtataguyod ng Akademya ng Wikang Kastila?

A. Masyadong maraming dapat asikasuhin ang ginoo para sa iba pang bagay

B. Dahil wala siyang mapapala kung tutulungan niya ang mga mag-aaral

C. Masyadong mapanganib ang kanilang nais at mas mabuting ipaubaya na lamang sa pamahalaan ang usapin

D. Dahil baka lumaki ang ulo ni Isagani gayong alam niyang dati niyang kamag-aral ang amain nito

_____48. Bakit naudlot ang pagsabog ng lampara?

A. Walang gustong magtaas ng mitsa dahil sa takot

B. Abala ang lahat sa masasarap na handa sa piging

C. May nagnakaw ng lampara at inihagis ito sa ilog

D. Dahil nasindak ang lahat sa sulat na may lagda ni Ibarra

_____49. Kanino nangumpisal si Simoun bago namatay?

A. Padre Camorra B. Padre Florentino C. Padre Fernandez D. Padre Salvi

_____50. Bakit naglason si Simoun?

A. Naduduwag siya sa kahihinatnan niya

B. Dahil alam niyang wala nang gagamot sa kaniya

C. Dahil malapit na siyang tugisin

D. Ayaw niyang mapasakamay ng kaniyang mga kalaban


SUSING SAGOT:

1. B 11. B 21. A 31. C 41. B

2. C 12. D 22. F 32. B 42. B

3. A 13. B 23. C 33. A 43. D

4. A 14. C 24. A 34. C 44. A

5. D 15. A 25. D 35. B 45. D

6. A 16. D 26. A 36. D 46. B

7. D 17. B 27. C 37. F 47. C

8. D 18. G 28. B 38. E 48. C

9. A 19. E 29. B 39. C 49. B

10. C 20. C 30. A 40. B 50. D

TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG NG KINALALAGYA


MGA AYTEM N NG MGA
AYTEM

Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyong pumapatungkol sa 8 1-8


kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

Natutukoy ang mga tauhang binanggit sa mga aralin. 7 9-15

Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda. 7 16-22

Nakikilala ang mga tauhang nagsabi ng mahahalagang pahayag. 5 23-27

Nasusuri ang ipinahihiwatig ng matatalinhagang pahayag. 5 28-32

Napagsusunod-sunod ang mahahalagang pangyayari sa mga natalakay 6 33-38


na aralin.

Nasusuri ang nilalaman ng mga tinalakay na aralin. 12 39-50

INIHANDA NI:

JOHN JARREM PASOL

Gurong Nagsasanay

You might also like