You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALANG BANGKAL

Gen. Malvar cor Apolinario Sts. Bangkal, Makati City


FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN

PANGALAN_________________________________________ ISKOR______________
GRADO/PANGKAT___________________________________
I.PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Kung ang sanaysay ay matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa, ano naman ang
tawag sa kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
a. editoryal b. lathalain c. pitak d. talumpati
2. Isang akdang tuluyan na maraming tauhan at pangyayaring totoo o likhang isip lamang.
a. dula b. nobela c. maikling kuwento d. alamat
3. “Hindi ako titigil hangga’t may Brazilian na walang pagkain sa hapag, hangga’t may desperadong
pamilya sa lansangan, hangga’t may mahirap na mga bata na pinabayaan ng kanilang sariling pamilya.”
Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay_____
a. mapagmalasakit b. may determinasyon c. mapagmahal d. malakas ang loob
4. “Huwag kayong makilahok sa anumang pagkilos laban sa ating mamamayan, manapa’y makabilang sa
mga kamay na magtatag ng bagong lipunan.” Nais sabihin ng huling bahagi ng pahayag ang panawagan
sa________
a. pagbuo ng bagong bansa b. paglikha ng pagbabago
c. pagkakaroon ng matatag na bansa d. paghubog ng bagong mamamayan
5. Ang sumusunod ay katangian ng dagli liban sa
a. gahol sa banghay c. sentimental na pagsasalaysay
c. walang aksyong umuunlad d. mga paglalarawan lamang
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko ng umaga.
Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na
banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain kop o iyon sa pamilyang
pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo
ng sinturong kwero.
6. Ginamit ang mga salitang ngayong pong araw na ito, pagkatapos po upang______
a. magsalaysay b. maglahad c. maglarawan d. mangatwiran
7. Ikaw na bumabasa ng mga pangyayari ay makadarama ng_______
a. pagkahabag c. pagtataka b. panlulumo d. pagkaasar
Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating bansa. Nais ng pamahalaan
na tulungan ang mga mamamayan bagaman ito’y nangangailangan ng masusing pag-aaral. Tayong mga
mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan. Libo-libong mamamayan ang
nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan kaya’t hindi natin dapat balisahin ang namumu no
nito. Buksan natin ang ating isipan sa mga bagay na makabuluhan sa atin.
8. Ang tekstong binasa ay may layuning_____
a. mangaral b. manghikayat c. manuligsa d. magbigay impormasyon
9. Tayong mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan. Ibig ipahiwatig ng pahayag
na___________
a. nakadepende ang kinabukasan ng bayan sa kanyang pamahalaan.
b. kailangang mag-isip, kumilos at makisangkot ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan.
c. dapat magkaisa ang namumuno at ang pinamumunuan upang umunlad ang bayan.
d. kailangang tumulong ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela. Mabisa
sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi
ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo-libong Julio at Ligayan ipinapadpad ng
kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na
hindi nila akalain na mas magiging mas mahirap pa.
Mula sa suring basa “Sa mga Kuko ng Liwanag”

10. Ano ang layunin ng panunuring pampanitikan batay sa bahaging nabasa?


a. Mabigyan ng puna ang kabuuan ng akda.
b. mailahad ang mga kainaman o kahinaan ng akda.
c. Mabigyan ng pokus ang mga elementong ginamit sa akda.
d. Makita ang kaanyuang nilikha ng may akda sa kanyang obra.
11. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng pahayag na nagbibigay ng opinion
o reaksyon mula sa suring-basa?
a. tunay na b. sa makatotohanan c. bagkus d. totoo
12. Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulit-ulit na ninanais ni
Santiago?
a. Sana siya ay bata pa.
b. Sana ang lahat ng mangingisda na nag-aalipusta sa kanya ay naroon para maging saksi sa kanyang
tagumpay.
c. Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.
d. Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.
13. Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang
anumang dumating.” Itinutukoy dito na ang matanda ay may isipang.
a. negatibo b. kolonyal c. positibo d. alipin
Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kanyang mga kamay sa tubig-alat at sinikap
nalinawin ang kanyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng
matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang isda
para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating.
Mula sa “Ang Matanda at ang Dagat”

14. Ang binasang akda ay nasa uri ng teorya na___________


a. realismo b. naturalismo c. humanismo d. eksistensyalismo
15. Ang mga pahayag ay nasa pananaw realism maliban sa________
a. nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan.
b. inilalarawan ang ugali at gawi ng tao at ng kanyang kapaligiran.
c. mas higit na binibigyang pansin ay ang tauhan hindi ang banghay.
d. ang kapalaran ng tauhan ay bunga ng kultura hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling pagpili.
II. PANUTO: Tukuyin ang isinasaad ng pahayag. Piliin sa Hanay B ang wastong sagot.
A B
___16. Paksang-diwang binibigyang diin sa nobela A. tema
___17. Lugar at panahon ng mga pinangyarihan B. tagpuan
___18. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari C. tauhan
___19. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela D. pananalita
___20. Diyalogong ginagamit E. banghay

You might also like