You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Sta Rosa, Nueva Ecija

Ikaapat na Panahunang Pagsusulit


Filipino 10

I. Multiple Choice
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na kumakatawan sa bawat tanong.
1. Kanino inialay ni Jose Rizal ang librong El Filibusterismo?
a. Kanyang ina c. Valentin Ventura
b. Gomburza d. Trinidad
2. Anong taon sinimulan ni Jose Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?
a. 1887 b. 1897 c. 1987 d. 1888
3. Isa siya sa nakaalam ng balak ni Jose Rizal na pagsulat ng El Filibusterismo.
a. Gomburza b. Teodora Alonzo c. Valentin Ventura d. Ferdinand Blumentrit
4. Siya ang nagpahiram ky Rizal ng perang pampalimbag ng El Filibusterismo.
a. Kanyang ina c. Valentin Ventura
b. Gomburza d. Trinidad
5. Ano ang buong pangalan ni Rizal?
a. Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo
b. Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonte
c. Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Malonzo
d. Wala sa nabanggit
6. Kailan namatay si Jose Rizal?
a. Disyembre 30, 1897 c. Disyembre 29, 1896
b. Disyembre 30, 1896 d. Disyembre 29, 1897
7. Siya ang nagturo kay Rizal ng wikang Latin sa edad na apat.
a. Teodora Alonzo c. Valentin Ventura
b. Leon Monroy d. Wala sa nabanggit
8. Tinaguriang unang pag-ibig ni Rizal.
a. Julia b. Segunda Katigbak c. Leonor Valenzuela d. Leonor Rivera
9. Nagsilbing unang guro ni Jose Rizal?
a. Teodora Alonzo c. Valentin Ventura
b. Leon Monroy d. Gomburza
10. Siya ay kilala din bilang Juan Crisostomo Ibarra.
a. Padre Irene c. Kabesang Tales
b. Ben Zayb d. Simoun
11. Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez.
a. Isagani c. Simoun
b. Basilio d. Wala sa nabanggit
12. Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
a. Donya Geronima c. Paulita Gomez
b. Hermana Pechang d. Maria Clara
13. Ama ni Kabesang Tales.
a. Juanito Pelaez c. Isagani
b. Don Custodio d. Tandang Selo
14. Siya _______ ang pinaglilingkuran ni Juli.
a. Hermana Bali c. Hermana Tale
b. Hermana Pechang d. Don Custodio
15. Si Juli ay __________ ayon kay Hermana Pechang
a. hindi marunong magdasal
b. mali-mali kung magdasal
c. marunong na marunong magdasal
d. wala sa nabanggit
II. Pagtukoy sa patlang

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa bawat patlang sa bawat katanungan. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.

Simoun Donya Geronima beateryo dimonyo


Alak na heres Basilio Sancho taripa Simpoun
Ben Zayb Don Custodio tulisan Padre Sibyla
ngiwi patagilid Confucio madaling araw
anino 13 Escolta galit
Crisostomo Ibarra Kastila Pagbunyag ipaghiganti

16. Marahil ay nagsisiinom ng ilang kopa ng _____________ang mga nasa itaas ng bapor upang
humanda na sa tanghalian.
17. Ang tawa ng payat na paring pransiskano ay katulad ng ___________ ng isang naghihingalo
18. Si _________ ang Vice Rector ng mga pari.
19. Ang mga indiyo ay unti-unti nang tumatawad at ibig nilang magkaroon na ang mga pari ng
__________.
20. Ang pangalan ng arsobispo noong naningil ang mga pari ng may taripa ay ___________.
21. Si Simoun ang naging katalo ni __________sa ilalim ng kubyerta.
22. Nawala ang paniniwalang ang Malapad na Bato ay tinitirhan ng mga espiritung pamugaran iyon
ng mga __________
23. Ang alamat ni ____________ ay alam na lam ni Padre Florentino.
24. Si Donya Geronima na nabanggit sa alamat ay napakataba kaya’t ___________ siya kung
pumasok sa kuweba.
25. Si Simoun ang may sabi na mabuti pa raw ang ipinasok na sa isang _____________ si Donya
Geronima sa halip ng isang kuweba.
26. Ang pinagmilagruhan ni San Nicolas ayon sa alamat, ay isang _________.
27. Ang __________ ay nag-ayong buwaya upang makain ang intisk at madala sa impiyerno.
28. Si ____________ ang dakilang guro ng mga intsik.
29. Si ____________ ang sumulat ng isang lathala tungkol sa mga alamat ngunit
30. si________ ang nagpadagdag sa lathala ng mga ilang tanong.
31. Si Basilio ay nakakita ng isang __________ sa siwang ng dalawang ugat ng baliti.
32. Ang mag-aalahas na si ____________ang nakatagpo uli ni Basilio sa gubat.
33. Si Simoun ____________ ay ang pangalan sa “Noli Me Tangere”.
34. May ________ taon nang patay ang ina ni Basilio.
35. Ayaw ni Simoun madagdag pa ang wikang __________ sa may mga apatnapu nang ginagamit
nito.
36. Hindi sang-ayon si Basilio na ___________ pa ang pagpatay sa kaniyang kapatid at pagkabaliw
ng kaniyang ina.
37. Hindi ipinagbawal ni Simoun kay Basilio ang __________ ng lihim na natuklasan niya.
38. _____________ ni Basilio sa mga taong umapi sa kanyang ina’t kapatid.
39. Halos ___________ na nang maghiwalay si Simoun at Basilio sa libingan.
40. Sa ____________ nagtitira si Simoun.
Tama o Mali

Panuto: Tukuyin ang pangungusap kung ito ay tama o mali. Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay
tama at titik M naman kung ito ay mali

1. Hindi na malubhang malungkot si Juli nang magising noong Psko


2. “Nochebuena” pa ay inaayos na ni Julia ng kaniyang tampiping dadalhin.
3. Magluto pa siya ng agahan bago umalis ng bahay.
4. Alam ni Juli na pipi na ang kaniyang ingkong nang kaniyang iwan.
5. Paglipat niya sa bahay ng kanyang titirhan ay hindi na siya makadadalaw sa kanila.
6. Ipinakikisabi ni Juli sa kaniyang ama na siya’y napasok na sa kolehiyong maliit lamang ang bayad.
7. Ipinagbili rin ni Julia ng “locket” na bigay sa kanya ni Basilio.
8. Ang araw ng Pasko sa Pilipinas, ayon sa matatanda, ay siyang araw ng mga bata.
9. Mga kakanin lamang ang ibinibigay na aginaldo noon sa mga bata.
10. Mga matatanda man ay nagsasaya rin sa Pasko.

Good Luck and God Bless!!!

Inihanda ni:

LESTER JOHN M. CATAPANG


Guro ng Asignatura

Sinuri ni:

MARLYN P. VIJANDRE
Ulong Guro III

Natunghayan ni:

RODALYN JANE M. ESCAÑO


Punong Guro II

You might also like