You are on page 1of 13

Pagbabalik-aral- Concept web

maikling kuwento na
hango sa bibliya

matalinhaga PARABULA
Kapupulutan
ng aral

paghahambing/paglalarawan
Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan(Mateo 20: 1-16)
Gabay na Tanong
1. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay
niya tungkol sa dalawang uri ng manggagawa sa
ubasan? Pangatuwiranan.
2. Kung isa ka sa manggagawang maghapon
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw
ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho din ng
isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin
ba? Bakit?
3. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na
tumanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras
mo sa paggawa ano ang mararamdaman mo?
Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong upa?
Pangatuwiranan.
4. Sa inyong pagsusuri, anong mabuting –asal
ang nawawala sa pangkat ng mga
manggagawa na nagrereklamo sa nakuhang
upa?
5. May kakilala ka ba na katulad ng may-ari ng
ubasan? Sa anong bagay o gawi sila
nagkakatulad?
6. Makatotohanan ba o maaaring maganap sa
kasalukuyan ang pangyayari sa parabula?
Patunayan.
7. Anong aral ang mapupulot sa talinhaga?
8. Anong uri ng teksto ang binasang akda?
Bakit?
Pangkatang-Gawain-
Paglinang ng Talasalitaan
-Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga
salitang hango sa parabula batay sa dayagram
literal Oras(ikasiya literal
Ubasan Sumisimbolo m,ikalabind Sumisimbolo
alawa,ikatlo
ispiritwal ,ikalima ispiritwal
literal
Manggaga literal
wa Sumisimbolo
May-ari ng Sumisimbolo
ispiritwal ubasan
Sumisimbolo
Salaping literal
pilak Sumisimbolo
ispiritwal
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
1. Kaangkupan sa paksa- 2
2. Makatotohanan at makabuluhan- 2
3. Maayos na presentasyon- 2
4. Malinaw na interpretasyon- 2
5. Malikhain- 2
_________
10 pts
Dyornal aktibiti
- Sa tulong ng Human Structure ay ibigay ang
mensahe ng talinhaga.
Pangkaisipan

Pandamdamin

Pangkatauhan

- Ipaliwanag ang kaisipang ito “ Ang nahuhuli ay


nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.” Magbigay ng
halimbawa
- Papaano mo isasabuhay ang mensaheng napulot sa
akda?
Alam mo ba na…
 Ang talinghaga, o parabula ay isang maikling
kuwentong may -aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa
English word na parable na nanggaling naman sa
Greek word na parabolē na ang ibig sabihin ay
maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring
mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo
tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na
magiging gabay ng isang taong nahaharap sa
pangangailangang mamili o magdesisyon.
• Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinasalarawan ang isang moral o
relihiyosong aral. Isang katangian nito ang
pagiging isang kuwentong naglalahad o
nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang
bagay ang iba pang bagay.o may paghahambing .
Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay
mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng
kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
• Ito ay nagsasaad ng dalawang bagay (na
maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para
paghambingin? Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni
Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
Ang mga aral na mapupulot dito ay
nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe
ng parabula ay isinulat sa patalinghagang
pahayag. Ang parabula ay di lamang
lumilinang ng mabuting asal na dapat nating
taglayin kundi binubuo rin nito ang ating
moral at espirituwal na pagkatao.
Sintesis:
Matapos kong mabasa Ang Talinhaga
ng tungkol sa May-ari ng Ubasan
nalaman ko at tumino sa aking isipan
na_______________.
Naramdaman ko rin at nananahan sa
aking puso ang ___________dahil
dito,may mga nais akong baguhin sa
aking ugali, mula
ngayon___________________________.
Dyornal Aktibiti
• Mula sa inyong nasaliksik na parabula buhat
sa mga bansang kabilang sa Kanlurang Asya
ay gawin ang sumusunod:
Simbolong Pagpapa Mensahe Aral
ginamit kahulugan
Kasunduan
• Ano ang denotasyon o konotasyong
pagpapakahulugan?
• Ano ang pagpapakahulugang Metaporikal?
• Paano ito nakatutulong sa paglalahad ng mga
pangyayari?
• Magbigay ng 10 halimbawa ng mga salitang
may konotasyon at denotasyong
pagpapakahulugan?
( Ilagay sa kwaderno ang sagot.)

You might also like