You are on page 1of 5

Pangalan: ___________________________________________ Baitang at Seksyon: ________________

Asignatura: Filipino 9 Guro: __________________________________________ Iskor: _____________

Aralin : Markahan 4, Linggo 1, LAS 1


Pamagat ng Gawain : Pagtala ng mga datos tungkol sa talambuhay ni Rizal
Layunin : Naitatala ang nalikom na datos sa nabasang teksto
Sanggunian : https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/MELC, (F9PU-IVa-b-58)
Manunulat : Racma M. Abas/Glorife E. Capadngan/Baiqueen D. Minandang

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal (Buod)


Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna, Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco
Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral
sa bahay at ipinagpatuloy sa Biñan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa
Ateneo de Manila ,Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya nang sabay ang
medisina at pilosopia taong1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika
kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France
at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad
ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng
mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agrikultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa
Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng
paaralan. Hinikayat din niya ang ito na mapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Taong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang
pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan, naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang
Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Gawain: Panuto: Punan ng tamang sagot ang bio- data ni Rizal batay sa nalikom mong datos sa kanyang
talambuhay. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Pangalan: Nobelang Isinulat:

Petsa at lugar ng Kapanganakan: Samahang Itinatag:

Mga Magulang: Huling Tula na Isinulat:

Mga Paaralang Pinasukan sa Pilipinas: Petsa at Lugar ng Kamatayan:


Pangalan: ___________________________________________ Baitang at Seksiyon: ________________
Asignatura: Filipino 9 Guro: __________________________________________ Iskor: _____________

Aralin : Markahan 4, Linggo 1, LAS 2


Pamagat ng Gawain : Mga Pahayag/Ekspresyon sa Paglalahad ng Sariling Pananaw
Layunin : Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paglalarawan at paglalahad ng
sariling pananaw / MELC, (F9WG-Iva-b-57)
Sanggunian : Guimare, Aida. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan: Batayang Aklat sa Filipino.
Sampaloc, Maynila: Rex Book Store, Inc.,
Manunulat : Racma M. Abas/Glorife E. Capadngan/Baiqueen D. Minandang

Ekspresyong Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

Sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw, may dalawang ginagamit;


1. Mga pahayag na nagpapahiwatig ng…
a. iniisip o paniniwala ng isang tao sa pananaw
Halimbawa: ko/ni, akala ko/ni, sa paniniwala ko/ni, sa tingin ko/ni, para sa akin/para kay
b. impormasyong galing/batay sa pag-aaral, batas, aklat, akda, o survey (may pinagkunan)
Halimbawa: batay sa, mula sa, ayon sa, sang-ayon sa, naniniwala ang

Halimbawa:
• Naniniwala ang mga mamamayang Pilipino na hindi pa rin naibibigay ng gobyerno ang sapat na tulong
pinansyal o ayuda kaugnay ng pandemyang Covid-19.
• Sa tingin ni DepEd Sec. Briones, ligtas na ipagpatuloy ang klase ng mga kabataan ngayong
S.Y. 2020-2021.

2. Mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng pananaw


Halimbawa: Gayon man, Samantala, Sa kabilang banda/Sa isang banda, Di tulad ng

Halimbawa:
• Sa isang banda, mabuti na rin sigurong nangyari iyon para matauhan ang mga nagtutulogtulugan.
• Sa tingin ni DepEd Sec. Briones, ligtas na ipagpatuloy ang klase ng mga kabataan ngayong S.Y. 2020-
2021. Sa kabilang banda, ang pagbubukas ng klase ngayong taon sa mga paaralan ay posibleng
maghatid ng peligro sa buhay ng maraming kabataan.

Gawain: Panuto: Isulat ang iyong naging pananaw tungkol kay Dr. Jose Rizal at sa kanyang akda gamit
ang tsart. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Sariling Pananaw

Dr. Jose Rizal Noli Me Tangere

This space
is for the
QR Code
Pangalan: ___________________________________________ Baitang at Seksiyon: ________________
Asignatura: Filipino 9 Guro: __________________________________________ Iskor: _____________

Aralin : Markahan 4, Linggo 1, LAS 3


Pamagat ng Gawain : Kontekstuwal na Pagpapakahulugan ng Salita
Layunin : Natutukoy ang kontekstwal na pahiwatig ng mga salita sa pagbibigay ng kahulugan
Sanggunian : https://www.scribd.com/presentation/427345407/Kontekstwal-Na-Pahiwatig /,
MELC, (F9PT-IVa-b-56)
Manunulat : Racma M. Abas/Glorife E. Capadngan/Baiqueen D. Minandang

Kahulugang Kontekstwal- ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap kung isang kalagayan o
konteksto. Makukuha ang kahulugang Kontekstuwal batay sa ugnayan ng mga pangungusap sa teksto.
Makukuha rin ang kahulugan nito ayon sa paraan ng pagkakagamit ng awtor sa mga pangungusap.

Halimbawa:

1. Hinikayat nila ang kabataan upang sumali sa proyektong ‘Tree Planting.’

(salitang magkasingkahulugan= hinikayat, sumali)

2. Todo alerto ang ating kapulisan upang supilin ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

(salitang magkasingkahulugan=supilin, ipinagbabawal)

3. Matiwasay silang namuhay sa probinsya upang malayo sa kaguluhan.

(salitang magkasingkahulugan=matiwasay, malayo sa kaguluhan)

Gawain: Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng salitang
nasa loob ng kahon gamit ang mga kontekstuwal na pahiwatig. Isulat ang wastong sagot sa
hiwalay na papel.

1. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng
pagbabago para sa bayan.
kasamaan

2. Sinulat niya ang Noli Me Tangere sa paglalayong maisiwalat ang kabuktutan at pagmamalupit ng mga
Espanyol at gisingin ang natutulog na damdamin ng kanyang mga kababayan.
mailantad

3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

isiniwalat

4. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol
sa bansa.
naglakas-loob

5. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.

paghihirap
This space
is for the
QR Code

You might also like