You are on page 1of 13

Ikalawang Markahan Modyul 3

Ikatlong Linggo

1
Alamin Natin
Sa Modyul 3 ay iyong matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng
Silangang Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
Asya. Iba‟t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang
maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.

Ang ikatlong modyul ay magsisimula sa:


Modyul 3: Sanaysay ng Taiwan
A. Panitikan………………..Ang Kababaihan ng Taiwan:
Ngayon at Noong Nakalipas na
50 taon
B. Wika at Gramatika……………… Mga Pangatnig na Nag-uugnay ng
Magkatimbang na Yunit (at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit), at Di-
Magkatimbang na Yunit (kung, nang, bago, upang, kapag o „pag, dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana)

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

● Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa


napakinggan F9PN-IId-47
● Naipaliliwanag ang mga: F9PB-IId-47
⮚ kaisipan
⮚ layunin
⮚ paksa at
⮚ paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
● Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap F9PB-IId-47

Subukin Natin
PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Sila ay may mga tradisyonal na pagpapahalaga na batay sa Confucian Ethics.


A. Korean B. Japanese C.Javanese D.Taiwanese
2. Ito ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Alamat B. Awit C. Sanaysay D. Talata
3. Ang mga sumusunod na mga pahayag ay mga dapat tandaan sa pagsusulat ng
sanaysay maliban sa isa, alin ito?
A. Iwasan ang pamagat na patanong.
B. Kailangang nakakapukaw ng kalooban ang pamagat ng sanaysay.
C. Ang nilalaman ng sanaysay ay may kinalaman sa tema ng isusulat.
D. Puwedeng gumamit ng pamagat na patanong, ito ay nakakapukaw ng interes ng
mambabasa.

2
4. Alin ang puwedeng gamitin sa pagsulat ng panimula ng sanaysay?
A. Pasalaysay C. Anekdota
B. Nakakagulat na pahayag D. Lahat ng nabanggit
5. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing
pananaliksik ng sumulat.
A. „Di pormal B. Magkatimbang C. Pang-angkop D. Pormal
6. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-
araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa.
A. Di pormal B. Magkatimbang C. Pangkaraniwan D. Pormal
7. Bahagi ng sanaysay na nagpapaliwanag ng paksang tinatalakay o pinag-uusapan.
A. katawan B. panimula C. wakas D. yugto
8. Bahagi ng sanaysay na hinahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan.
A. gitna B. simula C. wakas D. yugto
9. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay.
A. kalakasan B. panimula C. tunggalian D. wakas
10. Ang mga sumusunod ay karapatan ng mga kababaihan maliban sa isa.
A. Karapatang mabuhay C. Karapatang mahalin
B. Karapatang magnakaw D. Karapatang mag-asawa
11. Ayon kay Alejandro Abadilla, ano ang sanaysay?
A. Pagsasanay C. Pagsulat
B. Pagsasalaysay ng sanay D. Pagpahayag ng saloobin
12. Ang awit na “Dalagang Pilipina” ay nilapatan ng musika ni ________.
A. M.O. Jocson C. Alejandro Abadilla
B. Jose G. Santos D. Jose Corazon De Jesus
13. Ito ay isang uri ng literaturang Pilipino na nilalapatan ng himig at tunog upang mas
maging kaaya-ayang pakinggan o basahin.
A. Awit B. Dula C. Haiku D. Tanka
14. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng kababaihan noon maliban sa isa, alin ito?
A. Mahiyain B. Mahiyan
B. Konserbatibo C. Malakas ang loob at matapang
15. Ang tekstong “Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon” ay
isang halimbawa ng ________
A. Dula B. Maikling kuwento C. Pabula D. Sanaysay

Karagdagang Gawain(Online Class)

Maaring lumikha ang guro ng kasanayan na may kaugnayan sa aralin sa


pamamagitan ng google classroom/google meet.Ibibigay ng guro ang link na
gagamitin.

3
Modyul 3 SANAYSAY NG TAIWAN
A. Panitikan: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at
Noon at Nakalipas na 50 taon

B. Wika / Gramatika: Pangatnig

Balikan Natin
Bago ka dumako sa panibagong kaalaman sa modyul na ito, magbalik-aral ka
muna. Sagutan ang mga inihandang tanong na nakapaloob sa tsart. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

Ano ang pabula? _______________________________________________

Magbigay ng tig-isang sariling halimbawa sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag


ng emosyon o damdamin
Mga Pangungusap na Mga Pangungusap na
Nagsasaad ng Tiyak na Nagpapahiwatig ng
Pangungusap na Maikling Damdamin o Emosyon Damdamin sa Hindi
Padamdam Sambitla ng isang Tao Tuwirang Paraan

Mahusay! Nasagot mo ang mga katanungan patungkol sa pabula at iba‟t


ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin. Ngayon, natitiyak kong ikaw ay handa
na para sa susunod na aralin.

Tuklasin Natin
Ang karapatang pantao ay likas na mahalaga sa bawat isa. Ngunit hanggang
sa ngayon hindi pa rin maiiwasan ang usapin tungkol sa karapatan ng kababaihan. Bago mo
simulang basahin ang akda na may kinalaman sa kababaihan sa modyul na ito, iyo munang
tuklasin ang gawaing inihanda.

Gawain 1: Wikarambulan Na!


Panuto: Basahin ang mga salita o parirala sa bawat bilang. Tukuyin kung ano ang
kasintunog ng mga ito sa wikang Filipino. Ang mga salitang mabubuo ay may
kinalaman sa akdang babasahin.

4
Gabay na Tanong:

1. Madali mo bang nasagutan ang gawain? Kung gayon, bigyan mo ng sariling


pagpapakahulugan ang bawat salitang iyong nabuo. ____________________

Mahusay! Binabati kita! Nahulaan mo kaagad ang bawat salita. Hindi lang iyon,
nabigyan mo pa ito ng sariling pagpapakahulugan. Kasama sa iyong sinagot ay ang
bansang Taiwan. Alam mo ba na ang karamihan ng Taiwanese ay may mga tradisyonal na
pagpapahalaga batay sa Confucian Ethics. Kaya, tara na! Alamin mo kung ano pa ang mga
kaalamang puwedeng matutuhan sa bansang Taiwan.

Talakayin Natin

Mas magiging buo ang iyong paghahanda para sa paksang tatalakayin kung
iyong sisimulan ang pagpapalawak ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbasa at
pagsagot sa ilang gabay na tanong tungkol sa ilang bahagi ng awit na “Dalagang Pilipina” na
isinulat ni Jose Corazon De Jesus at sa musika ni Jose G. Santos.

5
Alam mo bang ang awit ay isang uri ng literaturang Pilipino na ang bawat taludtod o linya ay
naglalayong magsaad ng isang kwento, karanasan, aral o pagmamahal sa isang tao, bagay o
hayop. Ito ay nilalapatan ng himig at tunog upang mas maging kaaaya-ayang pakinggan o
basahin. Impormasyon mula sa https://brainly.ph/question/1255957

GAWAIN 2: Punan ng Pansin

Ngayon, unawain mo na ang ilang bahagi ng awit na pinamagatang


“Dalagang Pilipina” na isinulat ni Jose Corazon De Jesus. Alamin ang mensahe na nais
iparating sa mga kababaihang Pilipina.

Gabay na Tanong:

1. Para sa iyo, papano mo mailalarawan ang isang dalagang Pilipina?


2. Ang dalagang Pilipina ay karapat-dapat ba sa isang tunay na pagtatangi?
Ipaliwanag ang sagot.

Sa awit na binasa ay ipinakita ang mga magagandang katangian ng mga


Pilipina noong panahong nalikha ang awiting ito. Ngayon naman ating alamin ang mga
katangian ng mga kababaihan sa Taiwan noong nakaraang 50 taon. Bago ka magpatuloy
kailangan mo munang sagutan ang gawain sa ibaba.

GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Suriin ang tinutukoy na kahulugan ng mga sumusunod na pahayag. Punan ng titik
ang kahon upang mabuo ang kahulugan nito. Pagkatapos, gamitin ito sa pagbuo
ng makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa papel.

Nakakamangha ang angking galing sa pagsagot ng talasalitaan. Dahil d‟yan


panatag akong mas magiging madali para sa iyo na maunawaan ang babasahing sanaysay.

ANG KABABAIHAN NG TAIWAN: NGAYON AT NOONG NAKARAANG 50


TAON
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

6
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas
kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong
pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang
nakakukuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at
kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa
dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-
unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay
katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi
mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang
karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging
komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-
bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng
kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang
balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod,
pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga
kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang 121 mga kinauukulan ay
handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang
pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaeng
namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.
Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-
aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga
sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking
hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3
buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay
na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong
mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na
ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na
posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan
ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat
na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat
magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang
ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

Impormasyon mula sa
https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

Alam mo bang ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat


tungkol sa isang paksa? Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong
tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook,
pangyayari, bagay, at guni-guni. Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay
pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya‟t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na
may malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa, o nagsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat. Nararapat na magpokus sa isang paksa
lamang at maghanda ng balangkas upang magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya.
Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng sanaysay. Kinakailangan ng masining
na pag-aaral at kasanayan ng sinumang susulat nito. Katunayan, kabilang sa matatawag na
sanaysay ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, pamanahong papel, at
panunuri, at ang mga sulating pampamahayagan gaya ng tanging lathalain.
Impormasyon mula sa https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

7
GAWAIN 4: Ihalad Mo Na
PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Ipaliwanag ang mga salitang nagpapalutang ng
hindi lantad na kahulugan batay sa kontekstong nabasa sa akda.
1. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang
kalagayan sa tahanan.
2. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang
balikat.
3. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya.
4. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na
karapatan.
5. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan.

GAWAIN 5: Sanaysay ay Suriin

Batay sa sanaysay na iyong binasa, ipaliwanag ang mga sumusunod ayon sa


pagkakabuo nito.

Kaisipan Layunin Paksa Paraan

GAWAIN 6: Pananaw Nito, Tukuyin Mo

Nagustuhan mo ba ang binasang sanaysay? Ano kaya ang pananaw ng may


akda tungkol dito? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gamitin ang pormat sa sagutang papel.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pagyamanin Natin

Mahalaga na mayroon kang malawak na kaalaman sa tamang gamit ng


pangatnig upang malinaw mong maipahahayag ang iyong mga opinyon o pananaw tungkol
sa isang paksa. Kaya sa bahaging ito ay tatalakayin natin ang pangatnig na makatutulong sa
paglinang ng iyong kasanayan.

Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala
o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang
dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan.

8
2. Sila‟y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng
pait sa bawat miyembro ng pamilya.

Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay.


Ang unang sugnay ay sila’y karamay sa suliranin.
Ang ikalawang sugnay ay kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat
miyembro ng pamilya.

May dalawang panlahat na pangkat ng mga pangatnig:


(1) yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
(2) yaong nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit.
Sa unang pangkat, kabilang ang mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging,
ngunit, subalit at iba pa. Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita,
parirala at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na kapuwa makapag-iisa.

Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago,
upang, kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana at iba
pa. Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang, na
ang ibig sabihin ay pantulong lamang ng isang sugnay.

Impormasyon mula sa https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

Natitiyak kong malinaw na sa iyo ang pangatnig at mga pangkat nito.


Palalimin mo pa ang iyong kasanayang panggramatika sa pamamagitan ng paggamit ng
pangatnig sa pagbibigay ng sariling opinyon.

GAWAIN 7: Kaya Mo Kaya?


PANUTO: Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga sumusunod na kaisipan. Gumamit
ng mga pangatnig sa pagbibigay ng sariling opinyon. Isulat sa papel ang iyong
sagot.

1. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan


sa lipunan.”
2. “Ang karapatan at kalagayan ng mga kababaihan ng Taiwan ay umunlad kung
ihahambing 50 taon ang nakalipas.”

Tandaan Natin
Magaling! Binabati kita dahil alam kong pinaglaanan mo ng oras ang modyul
na ito. Sa kabilang dako, punan mo ang bawat patlang ayon sa hinihingi nito.

● Sa modyul na ito, natuklasan ko na ang sanaysay ay ___________________


___________________________________________________________________

● Napagtanto ko na ang mga kababaihan sa Taiwan ay


___________________________________________________________________

9
Isabuhay Natin
Bilang panghuling gawain sa modyul na ito, ikaw ay susulat ng sanaysay
tungkol sa isyu na nakalahad sa ibaba. Gamitin ang mga natutunan tungkol sa pagsulat ng
sanaysay.
Bilang isang mag aaral ng ikasiyam na baitang, naatasan kang magbigay ng
iyong opinyon tungkol sa “New Normal” na pag-aaral ng mga kabataan ngayon.
Karagdagan, magbahagi ng mga dapat isaalang-alang sa panukalang ito. Tiyakin na ang
isusulat na sanaysay ay batay sa pamantayan ng pagmamarkang ibinigay ng iyong guro.

Tayahin Natin

PANGKALAHATANG PANUTO:

1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.


2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ang awit na “Dalagang Pilipina” ay isinulat ni ________.


A. Vilma C. Ambat C. Sheila C. Molina
B. Alejandro Abadilla D. Jose Corazon De Jesus
2. “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon” isinalin sa
Filipino _________.
A. Vilma C. Ambat C. Sheila C. Molina
B. Alejandro Abadilla D. Jose Corazon De Jesus
3. Ayon kay _____ang sanaysay ay pagsalaysay ng sanay.
A. N.V.M. Gonzalez C. Vilma C. Ambat
B. Alejandro Abadilla D. Sheila C. Molina
4. Saan nakabatay ang tradisyunal na pagpapahalaga ng mga Taiwanese?
A. Behavioral B. Confucian Ethics C. Philippines D. Socratic
5. Ano ang unang kalagayan ng kababaihan noong nakalipas na 50 taon?
A. kasambahay B. pangulo C. prinsesa D. reyna
6. Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay _________na mataas
kaysa kalalakihan.
A. 48% B. 49% C. 51% D. 52%
7. Ano ang kasama sa tradisyonal na pagpapahalaga ng Taiwan?
A. Karunungan C. Kagandahang asal
B. Ugnayang sosyal D. Lahat ng nabanggit
8. Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging______.
A. komplikado C. magaan
B. mahirap D. magulo
9. Sa larangan ng trabaho, inaasahang ________ng kababaihan kung ano ang
kaya ng kalalakihan.
A. magagawa B. malalamangan C. malalagpasan D. mauutakan
10. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, _____ang bilang ng mga babaing
nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
A. katamtaman B. mababa C. mataas D. sakto lang

10
11. Ito ay isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan.
A. Acction Inc B. Accton Inc C. Acton Inc D. Aton Inc
12. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng _______na
karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.
A. lamang B. mabisang C. pantay D. sakto
13. Mayroon pa ring mga______ sa Taiwan na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga
babaeng lider nito.
A. kalalakihan B. katutubo C. kompanya D. paaralan
14. Ang sumusunod ay kabilang sa matatawag na akdang pandalub-aral na sanaysay
maliban sa isa.
A. journal B. pamanahong papel C. panunuri D. tesis
15. Ito ay ang mga bagay na hindi pwedeng alisin sa atin bilang isang tao.
A. ari-arian B. bahay C. karapatan D. pagkakataon

Gawin Natin
Sa modyul na ito ay nasaksihan natin ang mga pagbabago sa mga gampanin
ng mga kababaihan sa Taiwan simula ng 50 taon hanggang sa kasalukuyan. Ngunit
hanggang sa ngayon hindi pa rin maiiwasan ang usapin tungkol sa pantay na karapatan ng
kababaihan sa lipunan kung kaya‟t bilang karagdagang gawain ikaw ay inaatasan na
lumikha ng isang poster tungkol sa karapatan ng mga kababaihan. Gawin ang iyong poster
sa isang malinis na short bond paper. Ibibigay ng iyong guro ang pamantayan sa
pagmamarka para sa gawaing ito.

Repleksyon ng Natutunan
Panuto: Isulat ang sarili mong “Pagkatutong Repleksyon” batay sa binasang Sanaysay na
“Ang Kababaihan Ng Taiwan: Ngayon At Noong Nakaraang 50 Taon”. Gawin mo
ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa loob ng kahon.

Ang sanaysay na
Napag- alaman
binasa ay tumatak Masasabi kong...
kung...
sakin bilang...

Ang kongklusyong
Ang aral na
Natuklasan kung... nabuo sa wakas ng
natutunan ko ay ...
sanaysay ay...

11
SANGGUNIAN:

https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf
May 26, 2020
https://brainly.ph/ May 27, 2020
https://brainly.ph/question/1255957 May 28, 2020
https://brainly.ph/question/1869173 June 5, 2020
https://www.youtube.com/watch?v=rkbc5cQvvbA&ab_channel=SingAlongwithMeonthePiano

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: REZEL B. ARAGON
Editors: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
Content Evaluator/Language Evaluators: MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO
Illustrator/Layout Artist: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph


12
13

You might also like