You are on page 1of 5

pleas

Region I
DIVISION OF CITY SCHOOLS
DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Dagupan
Telephone No: (075) 522-2236 Fax. No.: (075) 523-0301
Email Address: dcnhs_300368@ymail.com

IKAAPAAT NA PANGKAGAWARANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9

MARKA
APLELYIDO UNANG PANGALAN G.I

Baitang at Pangkat:____________________ Petsa:_______________


I: Panuto: Tukuyin kung sino o ano ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika b. panlipunan c. panrelihiyon d. pampamilya
2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay:
a. Laong-laan b. Lola Basyang c. Basang Sisiw d. Pepeng Agimat
3. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa:
a. GomBurZa b. kasintahan c. pamilya d. Inang Bayan
4. Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si:
a. Leonor Rivera b. Segunda Katigbak c. Josephine Bracken d. Maria Clara
5. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay:
a. Sa Aking mga Kabata b. Ang Pag-ibig c. Inang Wika d. Ang Gamugamo
6. Naging insperasyon ni Rizal sa pag sulat ng nobelang Noli Me Tangere.
a. The Roots b. lliad and Odyssey c. Ebony and Ivory d. Uncle Tom’s Cabin
7. Sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV b. Kanser c. Dengue d. Tuberculosis
8. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay:
a. mangmang b. tamad c. erehe d. Indiyo
9. “Nag-uusisang mga mata ng anak. Ang pahayag na ito ay nangangaluhugang:
a. Nanunuri b. Nandidilat c. Nagtatanong d. Nagagalit
10. “Iyon lamang malalakas ang nagkakaroon ng hustisya”. Sino ang tinutukoy nito?
a. Mga pulis b. Mga pare c. Mayayaman d. Matatalino
11. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Ang salitang nakahilig ay tumutukoy
sa:
a. Kahiwagaan b. Kagandahan c. Kaguluhan d. Karupukan
12. Pagak ang boses ng sumagot ang kaniyang anak sa ina. Ano ang ibig sabihin ng
salitang pagak?
a. Buo b. Basag c. Paos d. Malat
13. Kung positibo ang pananaw sa buhay, malalampasan ang lahat ng _____ sa buhay.
Markahan ang salita na bubuo sa pangungusap.
a. Kapintasan b. Katiwalian c. Pagsunok d. Hangarin
14. “Mabuti’t may tao pala dito”. Wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
Suriin ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito.
a. Pag aalinlangan b. Pag-aalala c. Pagkabigla d. Pagkabahala
15. Ilarawan ang naging damdamin ni Crisostomo Ibarra sa nangyari sa kanyang amang si
Don Rafael?
a. Pagkaawa b. Kalungkuta c. Paghihiganti d. Kaligayahan
16. Ano ang ipinakita ni Padre Dumaso sa harap ng hapag-kainan?
a. Pagkainis b. Pagdadabog c. Pagkalungkot d. Pagkasawi
17. “Si Don Rafael ay pinagbintangang isang erehe”. Ipahayag ang ibig sabihin ng salitang
may salungguhit.
a. Taong nagrerebelde sa pamahalaan c. Sumasaway sa Simbahang Katoliko
b. Kakampi ng pareng kastila d. Kaibigang traydor
18. “Malakas ang kabog ng dibdib ng dalaga kapag dumarating ang binatang minamahan”.
Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. Kinakabahan b. Galit d. Inis d. Sabik
19. Tukuyin ang ipinapahiwatig ng pahayag na. “ Kalungkutan sagad-kaluluwa na
nadarama kapag nasasaisip ang alaala ng lumipas”.
a. Nanghihinayang b. Naghihinagpis c. Katapatan d. Kawalang-pag-asa
II. Panuto: Kilalanin kung sino ang nag sabi ng sumusunod na linya. Piliin ang litra ng tamag
sagot.
20. Diyos ko, ako’y iyong parusahan ngunit iligtas mo ang aking anak”.
a. Tiyago b. Damaso c. Basillio d. Sisa
21. “Hindi ako nangangailagan ng gamot kundi kayong nangasi”.
a. Ibarra b. Tasyo c. Elias d. Padre Salvi
22. “Ang kumbento o ang kamatayan”.
a. Sinang b. Andeng c. Maria Clara d. Victoria
23. “Ang guwardiya sibli ay hindi nakagugunita sa mga api”.
a. Sisa b. Pia Alba c. Kapitana Tichang d. Tiya Isabel
24. “Naniniwala ako na ang mga bata ay hindi nakapag-iisip kung nakikita ang suplina”.
a. Ibarra b. Pari Damaso c. Guro d. Tinyente
III. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na bahagi ng mga tanong ukol dito.
Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bawat bilang.

“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong


nakamalas sa kanya batiin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa
dilim ng gabi”.
25. Markahan ang binibigyang-diin sa pahayag na binasa”.
a. Naghihingalo b. Kaliwanagan c. Mga Bayani d. Inaasahang kalayaan
26. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
a. Kinabukasan ng bayan c. Kaluwagan ng bayan
b. Kalayaan ng bayan d. Kwentong bayan
27. Ilarawan ang nagsasalita sa pahayag na binasa.
a. Namamaalam b. Naghahabilin c. Nanghihinayang d. Nanunumbat
28. Ano ang ibig sabihin ng “nangabulid sa dilim ng gabi”?
a. Mga sundalo b. Mga bayani c. Kabataan d. Matatanda
29. Uriin kung ano ang imahe ang ipinakita sa kabuuang pahayag.
a. Pambansa b. Pang-espiritwal c. Panlipunan d. Pangkalikasan
30. Ano ang damdaming nangingibabaw sa kabuuan ng pahayag?
a. Maka-diyos b. Makabansa c. Makatao d. Makakalikasan
31. Mahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya ay
a. Matalino b. Matatag c. Mapagmahal d. Maaalahanin
32. Kilalanin ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa.
a. Bata b. Kabataan c. Matatanda d. Mamamayan
33. Ipahayag ang nanaig sa mambabasa sa kabuoan ng pahayag.
a. Pagkaawa b. Pagkalito c. Pagkatakot d. Pagpapahalaga
34. Idenyo ang pinakaangkop na pamagat ng pahayag ng binasa.
a. Huling panawagan c. Tagubilin ng kabataan
b. Paalam sa Inang Bayan d. Ang mga nangubilid
35. Ang dilim ng gabi ay sumisimbulo sa:
a. Kabiguan b. Kasawian c. Kamatayan d. Kadakilaan
36. Piliin sa ibaba ang ipinapahiwatig ng taludtod na ito:
“Upang ikaw, kung mamatay ay mabuhay pagkalibing
At landas ng lumikha’y pangiti mong taluntunin!”
a. kabiguan b. kasawian c. kamatayan d. kadakilaan

“Kung hindi lamang sa malagim na pangyayaring naging sanhi para sisihin ko ang
pag-iibigan ng aking ama’t ina… kung hindi lamang sapagkat ayokong danasin ng
aking magiging mga anak ang dinanas naming magkapatid at patuloy kong
dinaranas ngayon, sana’y asawa na kita sa mata ng Diyos may ilang buwan na ang
nakararaan… at maninirahan tayo sa pusod ng gubat na malay sa sangkatauhan.
Ngunit dahil na rin sa pag-ibig kong ito sa iyo at sa ating magiging anak kaya’t
isinumpa kong magwawakas sa akin ang masamang kapalarang ito. Tama ang
pasiya mong manirahan sa iyong mga kamag-anak. Limutin mo ako. Limutin mo
ang pag-ibig sa hibang at walang halaga. Marahil, doon ay makatatagpo ka ng
karapat-dapat sa iyo. – Elias
37. Tukuyin ang tamang kahulugan ng simbolo at pahiwatig ng pahayag na nasa kahon.
a. Patuloy na nanunumbalik sa isipan ni Elias ang kanyang mapait na kahapon na siyang
dahilan kung bakit natatakot siyang pakasalan ang dalaga.
b. Dahil siya’y mahirap at isang tulisan ay natatakot siyang matulad sa kanya ang
kanyang magiging anak.
c. Nakatatakot ang mga naging karanasan ni Elias sa piling ng kanyang mga magulang at
ito ay ang ayaw niyang maulit na maranasan ng kanyang magiging anak.
d. Wala sa nabanggit
38. Ang nasalungguhitang salita sa pahayag na nasa kahon ay nangangahulugang:
a. puno ng galit b. walang katuturan c. natatakot d. itinatago
39. Ang pahayag ni Elias sa kahon ay hinango sa kabanatang inalis ni Rizal sa Noli Me
Tangere. Anong kabanata ito?
a. Si Sisa b. Ang Kasaysayan ni Elias c. Tugisan sa Lawa d. Sina Elias at Salome
“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang diliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.” – Pilosopo Tasyo
40. Ang ideya/ kaisipang lumutang sa pahayag ay:
a. Pampamahalaan b. Pampamilya c. Panlipunan d. Pansimbahan
41. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?
a. matulungin b. matalino c. mapagmalasakit d. pansimbahan
42. Alin sa mga sumusunod ang nais bigyang-pansin sa pahayag?
a. kaingatan b. kainggitan c. kaligtasan d. kataksilan
43. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:
a. nagpapanggap b. nagpapasaya c. nagpapahanga d. kataksilan
44. Suriin ang binibigyang diin sa pahayag.
a. Ang tao’y di dapat magtiwala c. Ang tao’y laging may pasalubong
b. Ang tao’y laging may kaaway d. Ang tao’y pinagpapakitaan ng giliw
“Ang salita nati’y tulad din sa iba na ay alpabeto ta sariling letra.”
45. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag sa loob ng kahon?
a. Hindi pahuhuli ang wikang Filipino c. Ang wikang sarili’y kailangang pagyamin pa
b. Nakaaangat ang wika ng banyaga d. Nagbabago-bago ang alpabeto
46. Kilalanin ang katangian ni Padre Damaso batay sa nakasaad niyang pahayag sa
kahon.
“Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu’t tatlong taon
na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitin ng kunag ano-
ano at mabubulaklak na salita.” – Padre Damaso
a. mapagpakumbaba b. mapagmataas c. maaalahanin d. mahusay na lider
47. Kilalanin ang katangian ni Padre Sibyla batay sa nakasaad niyang pahayag sa kahon.
“Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa’t isa nang wala
namang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa personal
na ibig sabihin.” – Padre Sibyla
a. mapagmahal sa kapayapaan c. mabait ngunit may kinakampihan
b. duwag at takot sa gulo d. magalang ngunit matatakutin
48. Tukuyin ang kaisipang lumutang sa pahayag na nasa kahon na hinango sa akda.
“Bago ako maglakbay sa isang bayan ay sinakap ko munang malaman ang
kanyang kasaysayan o ang unti-unting oagbabago sa kaunlaran nito.” –
Crisostomo Ibarra
a. Hindi uunlad ang isang lipunan kung hindi alam ng mga mamamayan ang pinagmulan
ng kanilang bansa.
b. Ang bawat pagbabago sa ekonomiya ng isang bansa ay laging nakaugat sa
kasaysayan nito.
c. Malaki ang kinalaman ng kasaysayan ng isang bansa sa uri ng ekonomiya at
pamumuhay ng mga mamamayan nito.
d. Wala sa nabanggit
49. Tukuyin ang angkop na hinuha ukol sa nais ipahiwatig ng pahayag.
“Kung sabagay, ang isang mabuting tao ay mas pinapahalagahan ko ang buhay
kaysa patay na…”
a. Ang isang taong buhay ay higit na mahalaga kaysa sa mga yumao na.
b. Dapat bigyan ng pagkilala ang isang taong mabuti habang siya ay buhay pa at hindi
kung wala na.
c. Nasusukat at naalala ang halaga ng isang tao kapag siya ay patay na.
d. Wala sa nabanggit
50. Tukuyin ang kahulugan ng matatalinhagang pananalita na mababasa sa kahon:
“Naliligo sa liwanag ng buwan ang kabayanan.”
a. Ang buong bayan ay kumikinang mula sa malayuan.
b. Ang buong bayan ay maliwanag dahil sa sinag ng buwan.
c. Ang buong bayan ay nagliliwanag sa loob ng isang buwan.
d. Ang buong bayan ay nagsisipaligo para ipagdiwang ang isang mahalagang araw sa
buwang ito.

You might also like