You are on page 1of 3

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

I. TAMA o MALI. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag sa ibaba ay TAMA at M kung MALI.
_____1. Si Ibarra ay nasa kanyang laboratoryo nang dumating si Elias.
_____2. Ayon kay Elias, siya ay tutungo sa lalawigan ng Bataan.
_____3. Ibinalita ni Ibarra kay Elias na may sakit si Maria Clara.
_____4. Tanging ang bahay ng alperes ang nakasara ang bintana habang dumadaan ang prusisyon.
_____5. Ayon sa alperes, si Sisa ay ihahatid kinabukasan sa bahay ni Ibarra.
_____6. Kapatid ni Elias si Lucas.
_____7. Tinanong ni Lucas si Ibarra kung magkano ang kanyang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid.
_____8. Nasiyahan si Ibarra sa pag-uusap nila ni Lucas.
_____9. Ayon kay Ibarra, bumalik na lamang si Lucas sa hapon dahil siya ay nagmamadali at dadalaw sa isang
maysakit.
_____10. Kumalat sa bayan ang balitang namatay si Padre Damaso.

II. PAGPIPILI. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

11. Bakit napalunok si Padre Manuel Martin nang simulan ni Padre Damaso ang sermon?
a. Dahil masakit ang kanyang lalamunan sa ginawang misa nang nagdaang araw.
b. Sapagkat nangangamba siya na baka magkamali si Padre Damaso sa kanyang ibibigay na sermon.
c. Dahil mas mahusay ang ginawang panimula ni Padre Damaso kaysa sa kanya.
d. Sapagkat napamangha siya sa dami ng taong dumalo sa misa.
12. Ibinalita ni Elias kay Kapitan Pablo na nakilala niya ang binatang marangal. Ito ay si _____.
a. Rafael Ibarra b. Linares c. Don Filipo d. Crisostomo Ibarra
13. Ang gusto ni Kapitan Tiyago at Padre Damaso na ang mapangasawa ni Maria Clara ay si Linares ngunit ang
dalaga ay
a. sumang-ayon b. tumutol c. lumaban d. naghimagsik
14. Ipinasabi ni Ibarra kay Sinang na ibig niyang makausap si Maria Clara nang
a. malapitan b. maramihan c. sarilinan d. pangkatan
15. Si Padre Damaso ay tutol na mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra sapagkat ang gusto niya ay si
a. Linares b. Elias c. Carlicos d. Lucas
16. Si Alfonso Linares ay tumanggap ng liham mula kay
a. Doa Consolacion c. Don Tiburcio de Espadaa
b. Doa Victorina d. Maria Clara
17. Si Elias ay nakipagkita kay Ibarra bilang pagsunod sa pakiusap
a. ni Lucas. c. ng lahat ng sawimpalad.
b. ni Kapitan Pablo. d. ng taong madilaw.
18. Ang ililipat ng panunungkulan sa Tayabas ay si _____.
a. Padri Salvi b. Padre Damaso c. Alperes d. Padre Martin
19. Matindi ang paniniwala ni Doa Victorina sa kanyang asawa na _____.
a. matapang b. mahusay na doctor c. palaban d. magaling umawit
20. Ano ang ipinayo ni Elias kay Ibarra?
a. Iwasang lumapit kay Maria Clara c. Huwag imbitahin ang kura sa paglalagay ng unang bato
b. Ihinto ang pagtatayo ng paaralan d. Iwasang mapalapit sa batong ihuhugos

III. PAGKILALA SA MGA TAUHAN. PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang inilalarawang tauhan.
21. Nangibang-bayan upang malaman ang mga karunungang hindi matutuhan sa sariling bayan.
22. Namatay na walang banig sa kulungan.
23. Ang kinikilalang ama ni Maria Clara.
24. Tagapagligtas ni Ibarra sa mga tangkang kapahamakan.

jemskie
25. Masalita at lubhang magaspang kumilos.
26. Babaeng pinakamamahal ni Crisostomo Ibarra.
27. Tanging anak ni Don Rafael Ibarra.
28. Matiisin na asawa.
29. May lihim na pagtingin kay Maria Clara.
30. Tinaguriang baliw o Pilosopo.
31. Ang totoong naghirap sa buhay dahil sa labis na pagmamahal sa asawa.
32. 33. Ang mga batang sakristan.
34. Nag-iisa sa bahay nang araw ng pista sa San Diego kayat si Sisa ang naharap na parusahan.
35. Ang mapag-alalang tiyahin ni Maria Clara.

IV. IDENTIPIKASYON. PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.
36. Tunay na pangalan ni Jose Rizal.
37. Kahulugan ng Noli Me Tangere sa tagalog.
38. Kahulugan ng Ricial.
39. Ilang magkakapatid sina Rizal.
40. Ang napangasawa ni Jose Rizal.
41. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal upang malimbag ang kanyang nobela na Noli Me Tangere.
42. Naging tagapagtanggol ni Rizal.
43. Ang nobelang ito ay inihandog sa Inang Bayan.
44. Sa taong ito sinimulang isulat ni Rizal ang Noli sa Madrid.
45. Sagisag panulat ni Rizal.
46. Kapanganakan ni Rizal.
47. Ang kaisa-isang kapatid na lalaki ni Jose Rizal.
48. Ang pinsan ni Rizal na kanyang naging kasintahan.
49. Kahulugan ng Mercado.
50. Edad ni Rizal nang matutunan niya ang abakada.

V. PAGTATAPAT-TAPAT. PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katugma ng mga salita sa Hanay A.


HANAY A HANAY B
51. napawi a. paglakad
52. pagyao b. nasasapinan
53. nalalatagan c. makikita
54. mababakas d. maliit, pandak
55. bansot e. nawala
56. paratang f. braso
57. ulirat g. utos
58. tagubilin h. akusasyon
59. bisig i. malay
60. ginunita j. inalala
61. ibubunton k. tinutukso
62. kinatitirikan l. tumingin
63. nanlilisik m. kinatatayuan
64. sumulyap n. nagagalit
65. tinutudyo o. ibubuhos

VI. PAGBUBUOD SA ILANG PANGYAYARI. PANUTO: Punuin ang patlang. Hanapin sa talaan ng salita sa
dakong ibaba ang isusulat sa puwang.
TALATA
Nabilanggo rin si 66 na tulad ng kanyang ama. Isang sabwatan sa pangunguna nina 67 at ng 68 ng
gwardya sibil ang dahilan ng pagkabilanggo niya. Pinagbintangang namuno sa isang 69 si Crisostomo Ibarra.
Tinulungan siyang makalaya ni 70 kahit na 71 ni Ibarra ang nagging dahilan ng mga 72 sa buhay ng
angkan niyon.
Totoo ang paggunita ni Elias kay Ibarra na ang sino mang 73 ay may mga 74 sa mataas man o
mababang 75.
Samantala, pumayag na pakasal si Maria Clara kay 76 upang mabigyan lamang ng 77 si Kapitan
Tiyago. Ipinangako ng dalagang hindi siya maaangkin ninuman nang walang 78. Ngunit, nagbago ng pasya si
Maria Clara nanag mabalitaan niyang napatay si Crisostomo Ibarra sa tugisan sa 79. Ipinasiya niyang
jemskie
pumasok sa kumbento ng 80 at itoy hindi natutulan ni Padre Damaso.
Talaan ng mga Sagot
Elias kasawian Crisostomo Ibarra Linares kaaway kapayapaan lawa
pag-ibig tao komandante Padre Salvi Sta. Clara lipunan ninuno pag-aalsa

VII. PAGPUPUNO SA PATLANG. PANUTO: Punan ang patlang ng wastong sagot.

PAGPIPILIAN:
Pilosopo Tasyo panghugos Juan Palomo taong madilaw Padre Salvi Ibarra
Padre Damaso Elias Alkalde guro Kahang Kristal

81. Ang ___________ ay ginagamit upang itaas at ibaba ang mabibigat na bagay at gagamitin sa paglalagay ng
unang bato sa paaralan.
82. Ang lahat ng mga bagay na nagpapakita ng alaala ng nakaraan tulad ng medalya, pahayagan, kasulatan,
salaping ginto, at iba pa ay ilalagay sa __________________.
83. Ang ________________ ang nangasiwa sa paghahanda ng mga masasarap na pagkain kasama ang kanyang
mag-aaral na tumulong sa kanya.
84. Si __________________ ang sumusubaybay sa kilos ng taong madilaw.
85. Ang nagbasbas ng paglalagay ng unang bato ay si __________________.
86. Ang __________________ ang nagpupumilit na ilagay ni Ibarra ang kaha sa uka.
87. Tumanggi si Ibarra na ilagay ang kaha sa uka dahil ayon sa kanya ayaw niyang agawan ng tungkulin ang
___________.
88. Tumanggi si Ibarra na maglagay ng kutsara ng palitada dahil ayaw niyang matulad kay __________________
sapagkat siya na ang naghanda siya pa rin ang kakain.
89. Namatay ang __________________ dahil sa pagguho ng panghugos.
90. Matapos maganap ang trahedya, sinabi ni __________________ na ito ay hindi magandang simulain.

VIII. PAGBUBUOD NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI. PANUTO: Lagyan ng bilang 1-10 ang mga
pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito.
___91. Natuklasan ni Crisostomo Ibarra ang pagkakahukay sa bangkay ng kanyang ama sa libingan sa San Diego.
___92. Ginunita nila ni Maria Clara ang masaya nilang kabataan.
___93. Naghandog ng isang masaganang hapunan si Kapitan Tiyago para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra.
___94. Iniligtas ni Ibarra si Elias sa pagsila ng buwaya.
___95. Nagpiknik ang magkasintahan na kasama ang kanilang mga kaibigan.
___96. Nagpista sa San Diego.
___97. Gumawa ng paraan si Elias upang hindi si Ibarra ang mabagsakan ng panghugos sa hukay noong
ipagdiwang ang pagpapatayo ng paaralan sa San Diego.
___98. Nabaliw si Sisa dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak.
___99. Tinimba si Tarsilo na isa sa mga rebelde sa San Diego.
___100. Ibinilanggo si Ibarra na ginawan ng pakana upang lumabas na siyang namuno sa pag-aalsa.

jemskie

You might also like