You are on page 1of 6

Kabanata 53- Ang PAgsulong ng Isang Magandang Umaga e ANG PAGDALAWA NI DON FILIPO Pilosopo Tasyo: Ang totoo

ay hindi ko alam kung dapat ko kayong batiin sa pagkakatanggap sa inyong pagbibitiw sa katungkulan. Kayo ay nakikipagtunggali sa mga guwardiya sibil na di naman nararapat.

Don Filipo: Opo, ngunit ang Kapitan Heneral ang nagkanulo. Ayon sa alam ninyo, kinabukasan ng aumaga ay pinawalan ng Kapitan ang mga sibil na aking nahuli. Kung walang kapahintulutan sa aking puno ay wala akong magagawa.

Pilosopo Tasyo: Kayo, na nag-iisa ay wala nga, ngunit kung kakaktigan ng lahat, ay marami kayong mgagawa. Sanay sinamantala ninyo ang pagkakataon upang mabigyang halibawa ang ibang bayan.

Don Filipo: Ano po ang magagawa ko laban sa kinatawan ng mga matatakutin? Malaki ang magagawa ni Ibarra sapagkat siyay naniniwala sa karamihan. Inaakala ba ninyong siyay naniniwala sa excommunion.

Pilosopo Tasyo: May pagkakaiba kayo sa kalagayan. Si Ibarra ay ibig magtanim at upang magtanim ay kailangang makibagay at sumunod sa kalikasan. Kayo naman, ang inyong tungkulin ay magpakilos, at upang makapagpakilos ay kailangan ng lakas at pagtulak. Kaya ang pakikipagtunggali ay hindi dsaat gawin laban sa Kapitan, kundi laban sa mga nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan, laban sa manliligalig sa katahimikan, laban sa nagkukulang sa kanyang tungkulin. Don Filipo: Iyan po ba ang inyong paniniwala? Pilosopo Tasyo: Ang bagong binhi ay maliit. Subalit kung ang lahat ay magtutulong- tulong sa pagtataguyod sa pagpapaunlad na binili ng napakamahal sa mga prayle, maaring mainis yaon. AT MARAMI PA SILANG NAPAG-USAPAN _____________________________________________________________________________ Pilosopo Tasyo: Tayo yata ay nalalayo. Hindi ba ang dapat nating pag-usapan ay may kaugnayan sa pag-unlad ng Pilipinas? Tayo ngayon ay pumapasok sa panahon ng pakikipaglaban. Lalot higit sa lahat ay kayong mga kalaban, dahil kaming mga matatanda, kumbaga sa araw ay malapit. Pero, akoy nalulungkot. Ang ating mga kabataan ngayon ay walang inisip kundi ang manligaw at magsaya. Lalong maraming panahon ang ginugugol nila sa paglugso sa puri ng isang babae kaysa sa pag-, at sa paggawa ng mga bagay na kahiya-hiya. Ang mga babae naman ay malaki pa ang inilalagi sa simbahan at kanilang nakakalimutan na sila ay may tahanan at pamumuhay na dapat sinupin. Kaya tuloy, ang masasamang halimbawa nila ay nakikita ng mga musmos pa at maasahan lamang na gagayahin kapag nagkaisip. Ikatutuwa kong mamatay ngayon! Don Filipo: Ibig ba ninyo ng gamot? Pilosopo Tasyo: (iiling) Sapagkat ang mamatay daw ay di na po nangangilangan ng gamut. Kayong mga maiiwan ay OO. Pakisabi na lamang po ninyo kay Ibarra na dalawin ako bukas at may mahalagang bagay akong sasabihin sa kanya. Sa loob ng ilang araw ay mamamatay na ako. Subalit hanggang sa kasalukuyan, ang bayan ay tumatahak pa rin sa kadiliman. Kabanata 54- Anumang Lihim Ay Nabubunyag Mabilis na umakyat si Padre Salvi sa bahay ng Alperes at makailang beses na tumawag. Lumabas naman ang Alperes na kunot-noo kasunod- sunod ang asawang si Doa Consolacion. Alperes: Padre Kura! Akoy talagang papunta sa inyo dahil sa inyong kambing. Hindi ko na maitutulot sirain sa tuwi-tuwina ang aking bakod kaya pag nagbalik ay babarilin ko. Padre Salvi: (Humihingal) Iyan ay kung mabubuhay pa kayo hanggang bukas. Alperes: Ano? Inaakala po ba ninyo na mapapatay ako ng pipituhing buwang taong iyan? Akin siyang uutasin sa isang sipa lamang. Umurong si Padre Salvi at tinitigan ang Alperes Padre Salvi: (Nanginginig) Sino ang binaggit ninyo? Alperes: Sino pa kung hindi iyong naghahamon sa akin ng barilan? Padre Salvi: Ang sadya ko sa inyo ngayon ay ukol sa isang madaliang pangangailangan. Alperes: Huwag na ninyo akong alalahanin sa mga bagay na iyan! Baka mamaya ay kagaya na naman iyan ng dalawang magkapatid na bata. Padre Salvi: Kapag akoy ganitong nagkukulang sa aking tungkulin ay may mabigat akong dahilan. Alperes: Bakit kayo nagmamadaling naparito? Padre Salvi: Wala ba kayong nalalamang balita? Alperes: Kung gayoy sabihin na ninyo. Padre Salvi: Natuklasan ko ang isang malaking pag-aalsang magaganap. Isa pong kakila-kilabot na paghihimagsik ang sisiklab ngayong gabi. Alperes: Sino? Sino ang huhulihin ko? Babarilin ko ang lahat.

Padre Salvi: Huminahon kayo! ______________________________________________________________________________ Alperes: Paalam po Padre, at marahil ay magiging Obispo naman kayo. Padre Salvi: Mag-iingat kayo. Sa ikawalo ng gabi ay uulan ng bituin at krus. Samantala si Elias Elias: (Humahangos, tumatakbo papunta kay Ibara) C. Ibarra: (Habang gumagawa ng isang pagsubok sa kanyang laboratoryo) Kayo pala Elias. Naisip ko kayo. Nalimutan ko kahapong itanong sa inyo ang pangalan ng Kastilang tinithan ng inyong nunong lalaki. Elias: Ginoo, ang sadya kop o ay hindi ukol sa akin kundi C. Ibarra: (Hindi pansin ang pagkabalisa ni Elias) Tingnan ninyo. Akoy nakagawa ng isang pagkakatuklas; ang kawayang ito ay hindi nasusunog. Elias: Ginoo, hindi pagsubok sa kawayan ang dapat nating pag-usapan. Ang kailangan po ang pagtitipo at pagliligpit, tumakas kayo agad! Sunugin ninyo ang lahat ng maaaring makapaganyaya sa inyo at sa loob ng isang oras kailangang makaraitng kayo sa isang lugar na ligtas sa panganib. C. Ibarra: Bakit po? Elias: Sinupon ninyo ang lahat ng kasulatang isinulat ninyo o ipinadala sa inyo. C. Ibarra: Bakit po? Elias: Sapagkat katatapos ko lamang pong matuklasan ang isang gagawing pag-aalsa. Kayo ang pinagbibintangang namumuno sa pag-aalsang ito upang kayoy mapalungi. C. Ibarra: Isang pag-aalsa? Sino po ang nagbabalak? Elias: Hindi ko na po nakuhang siyasatin ang pangalan ng may balak mag-alsa. Hindi pa po nagtatagal na akoy nakipagusap sa isa sa mga sawimpalad na sadyang binayaran upang isagawa ang pag-aalsa at wala akong nagawa upang silay pigilan. C. Ibarra: Hindi ba nabanggit sa inyo kung sino ang nagbayad sa kanila? Elias: Opo, matapos akong pilitin na ilihim ko ang bagay na ito ay ipinagtapat na kayo raw ang nagbayad. C. Ibarra: Diyos ko! Elias: Ginoo, wag na kayong mag-alinlangan pa. Huwag na nating aksayahin ang panahon, pagkat ang pag-aalsa ay maaaring magsiklab sa araw na ito. Si Ibarra ay dilat ang mata at nakadaop ang palad sa ulo. Elias: Ang gulo ay di na po maaaring mapigil. Akoy nabalam ng pagparito, di ko kilala ang mga namumuno. Lumigtas kayo Ginoo, at ingatan ang inyong sarili alang-alang sa Inang Bayan. C. Ibarra: Saan po dapat tumakas? Elias: Sa alin mang bayan sa Maynila. C. Ibarra: At kung ako na rin ang magsuplong sa pag-aalsa? Elias: Kayo ang magsuplong sa pag-aalsa? Ipalalagay kayong taksil ng mga nagsilusob at duwag naman sa paningin ng iba. C. Ibarra: Ngunit ano ang aking gagawin? (Litong-lito) Elias: Sinabi ko sa inyo. Sirain ang lahat ng kasulatang may kinalaman sa inyong pagkatao. Tumakas kayo at maghintay sa mga pangyayari. C. Ibarra: At si Maria Clara? Hindi kailangang mamatay na muna. Elias: Gayon man, ilaganman lang ninyo ang dagok, Humanda kayo sa gagawin sakaling kayoy maparatangan nila. C. Ibarra: Kung gayon ay tulungan ninyo ako kaibigan. Diyan sa mga karpetang iyan natatago ang mga sulat ng aking pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama. Basahin ninyo ang mga lagda. Naghalungkat sina Elias at maya mayay nandilat ang mga mata Elias: (nanginginig ang tinig, hawak hawak ang isang papel) Nakilala ba ng pamilya ninyo si Don Pedro Eibarramendia? C. Ibarra: (Kinuha ang papel) Siya po ang aking nuno sa tuhod. Elias: (Namutla at nabago ang anyo) Inyong nuno sa tuhod si Don Pedro Eibarramendia? C. Ibarra: (Parng walang anuman) Opo, Pinaikli namin agn apelyido pagkat siyay mahaba. Pero ano ang nangyayari sa inyo? Elias: (Pasuntok na idiniin sa kanyang noo ang kamay at tinitigan si Ibarra) C. Ibarra: (Mapapaurong sa nakitang anyo ni Elias) Elias: (Nagngingitngit) Kilala ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia? Si Don Pedro Eibarramendia ang umapasala sa aking nunong lalaki, an siyang dahilan ng lahat n gaming kasawiang palad. Aking pinaghahanap ang kanyang apelyido at kayo ang itinuro sa akin ng Diyos. Ipagsulit ninyo ngayon sa akin ang lahat naming kasawiampalad. (Sinunggaban at niyugyog si Ibarra na puno ng poot at ngitngit) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo kung ako ngay nagtitiis, samantalang kayoy nabubuhay, umiibig, may kayamanan, tahanan, pinagpipitagan, nabubuhay, nabubuhay! (Nawalan ng bait si Elias, kumuha ng sandata, ngunit kanya rin itong binitiawan, tiningnan si Ibarra at patakbong nilisan ang bahay) Kabanata 55 Ang Pagkapahamak Tumuloy si C. Ibarra sa kanyang gabinete at nagmamadaling naghanda ng isang maleta. Kanyang binuksan ang kahang at kinuha ang lahat ng salapi na naroroon at isinilid sa supot. Ang mga hiyas ay kanyang inipon at ibinaba ang larawan ni Ma. Clara. Kanyang isinakbat ang isang balaraw at dalawang rebolber at pumunta sa lagayan ng mga kasangkapan.

Maya maya ay nakarinig ng 3 malalakas na putok. Dumating ang mga guwardiya sibil. Guwardiya Sibil 1: Buksan ninyo ang pinto sa ngalan ng hari! (pasigaw) Guwardiya Sibil 2: Buksan ninyo ito at kung hindi ay gigibain naming ang pinto! Natigilan si Ibarra, lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binuksan niya ang pinto at pumasok ang mga guwardiya sibil at hinuhuli si C. Ibarra Sarhento: Hinuhuli naming kayo sa ngalanng hari! C. Ibarra: Bakit? Sarhento: Sa kwartel na kayo magtanong! C. Ibarra: Ako ay napailalim sa inyo at inakala ko na ito ay malulutas sa sandaling oras lamang. Sarhento: Kung gayoy nangangako kang hindi ka tatakas. Hindi namin kayo gagapusin. Itoy kaluwagang ipinagkakaloob ng alperes. Ngunit kung kayoy tatakas At si Ibarra ay dinakip ng mga guwardiya sibil Kabanata 56 Ang mga Haka-haka Kinabukasan pagkatapos ng gulo, ang mga lansangan ay tahimik, sisip sa bintana ni Hermana Rufa Ngingitian siya ni Hermana Pute. Hermana Pute: Sus! Ang akala moy isang misa de grasya, isang kastilyo. Hermana Rufa: Maraming putok, sabi nila mga pangkat daw ni Matandang Pablo. Hermana Pute: Mga tulisan ba? Hermana Rufa: Hindi marahil. Hermana Pute: Ang balita ay ang kwadrilyero na kalaban ng mga sibil at iyon ang dahilan kung bakit hinuli si Don Filipo. Sinasabing may labing apat na patay. At nagsimula na ring maglabasan ang iba pang mga tao sa lansangan. At nagsimula ng maglabasan ang samut saring balita. Tao: Tinangka daw kasi ni Ibarra na itakas si Ma. Clara kaya ipinagtanggol ni Kapitan Tiago ang dalaga sa tulong ng mga guwariya sibil. Tao 2: Nasugatan si Kapitan Tiago at dadalhin daw sa Maynila. Dumating ang isang lalaki sa umpukan ng mga nag-uusap Lalaki: Kagagaling ko pa lamang sa tribunal at doon ay nakita ko si Don Filipo at si Don Crisostomo Ibarra. Ang mga nangyari kagabi ay ipinagtapat ni Bruno. Tulad ng alam ninyo, ipakakasal ni Kapitan Tiago ang anak sa binatang kastila. Ito ay dinamdam ni Don Crisostomo Ibarra at tinangka daw maghiganti at patayin ang lahat ng kastila pati na ang kura. Kagabi daw ay nilusob ang kwartel at kumbento. Mabuti na lamang at sa awa ng Diyos, ang kura ay nasa bahay noon ni Kapitan Tiago. Marami daw ang nakatakas. Sinunog daw ng mga sibil ang bahay ni Ibarra at kung hindi ito nahuli noon, siya din ay susunugin. Samantala isang utusang babae ang nagsabi na nakita niya sa looban ng isang kapitbahay ang bangkay ni Lucas na nakabitin sa sanga ng isang punong santol. Kabanata 57 Kaawa-awang mga Natalo Alperes: (kay Padre Salvi) Ito po ang matapang na nagtanggol at ngapatakas sa kanyang mga kasama. (Ituturo si Tarsilo) May inilabas ding isang lalaki na umiiyak. Isang lalaking kaawa-awa: (umiiyak ng parang bata) Kaawaan po ninyo ako ginoo, maawa po kayo sa akin. (sisigaw) Hindi na po ako muling papasok sa patio! Alperes: Isang luko-luko ito (sabi sa kura). Ginusto niyang tumakas kaya siya nasugatan sa pigi. Ang dalawang ito ang tanging buhay sa nadakip. Alperes: (kay Tarsilo) Ano ang pangalan mo? Tarsilo: Tarsilo Alasigan Alperes: Ano ang ipinangako sa iyo ni Crisostomo Ibarra para lusubin ang kwartel? Tarsilo: Si Crisostomo Ibarra ay di kailanman nakipag-alam sa amin. Alperes: Huwag kayong magkaila. Dahil diyay tinangka ninyong mabigla kami. Tarsilo: Namamali kayo. Pinatay ninyo sa palo ang aming ama kaya naghihiganti kami. Yun lang. Ngayon ay patayin na ninyo ako at wala kayong malalaman sa akin. Alperes: Dalhin ninyo ang taong iyan sa kinalalagyan ng mga bangkay. (Utos ng alperes sa mga sibil) Alperes: Nakikilala mo ba ito? Hindi umimik si Tarsilo kaya hinampas siya ng hinampas sa likod. Alperes: (galit na galit) Paluin ninyo hanggang sa pumutok ang katawan. Padre Salvi: (kay Tarsilo) Nakikilala mo ba ito? Tarsilo: (nakatingin sa bangkay) Ngayon ko lamang po nakita. Alperes: (Binuntal at pinagsisipa si Tarsilo) Igapos siya sa Bangko! At patuloy na pinahirapan ng husto si Tarsilo, lalo na sa pamamagitan ng paglubog sa isang balon. Hanggang sa siyay namatay.

Pagkamatay ni Tarsilo, nabaling sa isang bilanggo ang pagtatanong Isang lalaking kaawa-awa: Ginoo, ginoo. Sasabihin ko na po, magtatapat na po ako. Alperes: Mabuti kung gayon! Hala tingnan natin. Ano ang ngalan mo? Isang lalaking kaawa-awa: Anding po ginoo. Alperes: Ang apelyido mo? Anong salita ang idadagdag mo sa iyong pangalang Andong? Andong: Andong luko-luko po. Tawanan ang lahat Alperes: Ano ang hanapbuhay mo? Andong: Taga kapon po ng niyog ginoo, at alila ng aking biyenan. Alperes: Sino ang nag-utos sa iyong sumama sa paglusob sa kwartel? Andong: Wala po Alperes: Ang itinatanong ko sa iyo ay kung sino ang nag-utos sa iyong mag-alsa? Andong: Anong pag-aalsa? Alperes: Bakit ka naroon kagabi sa patio ng kwartel? Andong: Ang akin pong biyenan ay pinakain ako ng bulok at tira-tirahang pagkain. Humilab po aking tiyan. Pumunta po ako sa patio na kalapit ng kwartel. Akoy nagkuwan at ng matapos akong magkuwan ay nakarinig ako ng maraming putok ng baril. Isang palo ng yantok ang hinampas kay Andong Alperes: Ipasok sa bilangguan! Ngayon ding hapon ay dalhin sa dulong-bayan! Kabanata 58 Ang mga Isinumpa Sa labas ng bilangguan ay maraming tao. Aling Doray: (iyak ng iyak) Isang kakilala: Umuwi na kayo, ang inyong anak ay maaring lagnatin. Aling Doray: Ano pa ang kabuluhang mabuhay siya kung mawawalan ng isang amang makapag-papaaral sa kanya. Aling Tinay: (umiiyak din) Antonio! Antonio! Isang Babae: Sa lahat ng ito, ang totoong may sala ay si Don Crisostomo Ibarra. Nasa paligid din sina Kapitana Tinay, ang guro, Nol Juan (Nagluluksa pagkat ipinalalagay niya na namatay na si Ibarra) Inilabas na ang mga bilanggo na nakahanay Don Filipo Nakagapos, nakangiting bumati sa asawa (Napahagulgol si Doray, yayakapin sana ang asawa ngunit pinigil ng sibil) Antonio Parang batang umiiyak Andong Umiiyak din ng malakas ng Makita ang biyenang babae Albino Nakagapos din Magkapatid na kambal Nakagapos din C. Ibarra Hindi nakagapos, napapagitnaan ng 2 sibil, siyay namumutla at naghahanap ng kaibigan. Mga Tao: (sumigaw nang Makita si Ibarra) Iyan ang may sala! Iyan ang may sala! Bakit hindi siya nakagapos? Biyenan ni Andong: Bakit ang manugang ko na walang nagawang kasalanan ang siyang nakaposas? C. Ibarra: (may diin) Gapusin ninyo ako at gapusing mabuti, abut-siko. Sibil: Wala pang utos sa amin. Iginapos siya.. lumabas ang alperes at sampung guwardiya sibil. Aling Doray: (umiiyak) Ano ang nagawa sa inyo ng aking asawa at aking anak? Tingnan ninyo ang kawawa kong anak. Inalisan niyo siya ng ama. Galit ang mga tao.. Biyenan ni Andong: (pasigaw) Ikaw ang isang duwag! Isang lalaki: (pasigaw) Habang ang ibay nakikipaglaban dahil sayo, ikaw naman ay nagtatago. Sumpain ka anwa! Kamag-anak ni Albino: Sumpain ka! Sumpain ka! MAbitay ka sana!
SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. ELIAS: Tao po! Tao po! IBARRA: Elias! ELIAS: Seor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito. IBARRA: Anong ibig mong sabihin? ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito. IBARRA: Ngunit sino ang? ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Seor. IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin? ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saaniyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan. IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod

na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto. IBARRA: Sino yan? SARHENTO: Kamiy mga alagad ng batas! IBARRA: Bakit po SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay. End of Scene.

SCENE 15 Tugisan sa Lawa Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating. MARIA CLARA: Crisostomo? IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas. MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko. IBARRA: Hindi masama ang loob ko sayo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sayo...sa lugar na ito... MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong IBARRA: Nalaman kong ano? MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso... IBARRA: Paano MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo. IBARRA: Paalam, Maria Clara... Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Seor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo. ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil. ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sariliililigaw ko sila. IBARRA: Huwag Elias, labanan natin sila ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. Tumalon si Elias at sa tuwing siyay lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. End of Scene.

SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo. MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko... DAMASO: Anong nangyari sayo, anak ko? MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo? DAMASO: Anong ibig mong sabihin MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko... DAMASO: Ngunit MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonsoat hindi ako magpapakasal sa kanya. DAMASO: Ngunit MARIA CLARA: Kung itutuloy nyo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawamagpapakamatay ako! DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo akokung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarrasa buhay mo. Patawad, anak ko. MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako. DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.

Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama. DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan? End of Scene.

SCENE 17 Noche Buena Nagkitang muli sina Basilio at Sisa. BASILIO: Inay! SISA: Sino ka? BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak nyo! SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anakhindi kita kilala. Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila. BASILIO: Inay, wag po kayong matakot sa akin. Inay! SISA: Basilio? BASILIO: Opo inay, ako nga po. SISA: Anak ko Biglang nawalan ng malay si Sisa. BASILIO: Inay! Inay! Bakit nyo po ako iniwan, Inay. Inay! ELIAS: Iho BASILIO: Sino po kayo? ELIAS: Anong gusto mong gawin sa inay mo? BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera. ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba? BASILIO: Opo, ginoo. ELIAS: Mamamatay akonghindi masisilayanang pagsikat ng araw...sa aking bayan. Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay... End of Scene.

You might also like