You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
DIVISION OF CAPIZ
SAN NICOLAS NATIONAL HIGH SCHOOL
San Nicolas, Tapaz, Capiz

PANUKATANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


TP: 2021-2022

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot mula
sa sagutang papel na ipinadala.

1. Ito ay kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa.


a. Dagli b. Alamat c. Epiko d. Mitolohiya
2. Katutubong Panitikan sa Pilipinas na nagasasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
a. Mito b. Alamat c. Epiko d. Mitolohiya
3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng panunuhay sa bukid.
a. Pastoral b. Soneto c. Elehiya d. Dalit
4. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. Dagli b. Pabula c. Nobena d. Parabula
5. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. Ibalon b. Gilgamesh c. Illiad at Odyssey d. Beowulf
6. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng
relasyong ____________.
a. Layunin at resulta c. Paraan at resulta
b. Paraan at layunin d. Sanhi at Bunga
7. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. ________, karapat-dapat lamang siya
na mhalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang
mabuo ang pangungusap?
a. Tiyak b. dahil sa c. Tuloy d. kung gayon

Para sa bilang 8 at 9
Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap.
8. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan
ni Psyche.
a. Aksiyon b. pangyayari c. Karanasan d. Proseso
9. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. Aksiyon b. pangyayari c. Karanasan d. Proseso
10. Lubhang nalibang si Marko sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikaapat na ng madaling-araw nang silang mag-
asawa’y umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay isang
_________.
a. maliit na Bangka c. Pampasaherong Dyip
b. Lumang kotse d. Kalesa
11. _________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtulog-tulugan. Alin ang tamang isulat na
ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa paniniwala
12. Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang paring nag-alaga sa kubang si
Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. Stereotypical c. Tauhang Bilog
b. Hindi stereotypical d. Tauhang lapad
13. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
Para sa bilang 14-15
“ Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay,”
14. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?
a. Nagsisisi b. nalulungkot c. Nahihiya d. natatakot
15. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis
niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
________.
a. Kakinisan b. kagandahan c. Kayamanan d. pinag-aralan
16. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang
pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
a. Samson at Delilah b. Florante at Laura c. Romeo at Juliet d. Thor at Loki
17. Bakit hindi maaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
a. Magkaaway ang kanilang mga angkan.
b. Pakakasal na si Julia kay Paris.
c. Labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
d. Wala sa nabanggit.
18. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod
at sampung pantig sa bawat taludtod.
a. soneto c. haiku
b. tanaga  d. alegorya
19. Sa pangungusap na, “Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo,” ano ang ipinokus ng pandiwang ipinanggising?
a. Rizal c. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
b. Pilipino d. Wala sa nabanggit
20. Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang
pokus ng pandiwa ay ___________.
a. Tagaganap c. pinaglalaanan
b. Layon d. sanhi
21. Ang mga sumusunod ay elementong taglay ng mitolohiya maliban sa ___________________.
a. Tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa at kanilang kabayanihan
b. May kaugnayan ng paniniwala at propesiya
c. Kapani-paniwala ang wakas.
d. May salamangha at mahika
22. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap?
a. Lumikas, nag-ani, magsusulat
b. Ibinili, malaman, pag-aaralan
c. Ipinambili, ipinansulat, ipanghakot
d. Ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi
e.
Para sa bilang 23-24
Iniibig kita ng buong taimtim
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan. -Ang Aking Pag-ibig

23. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sa tula?


a. Mapagtiis c. masayahin
b. Mapagkumbaba d. mapagmalasakit
24. Ipinapahayg ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa
pamamagitan ng ______.
a. Pagsasalarawan ng tunay nap pag-ibig
b. Paghahambing nito sa iba’t-ibang bagay
c. Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. Pagpapahiwatig ng nararamdaman
25. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”?
a. 1950 b. 1951 c. 1952 d. 1953
26. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. Panlapi b. gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika
27. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. Pangangatuwiran b. paglalarawan c. paglalahad d. pagsasalaysay
28. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinion, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a. Tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
29. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa
isip ng mamabasa.
a. nobela b. karilyo c. dula d. maikling kuwento
30. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. idyoma b. matatalinhagang pananalita c. simbolismo d. tayutay
31. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinhagang pananalita.
a. Pandamdamin b. Malaya c. blangko berso d. tradisyonal
32. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan.
a. epiko b. anekdota c. sanaysay d. mitolohiya
33. Gamit ang ekwe, napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng
budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong binigyan siya nito ng
babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga Igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.
Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t-ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan
na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.

34. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.


“A negative mind will never give you a positive life.”

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”


b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

Para sa bilang 35-40


Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala
ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing makikita
natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang
batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo. Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

35. Ang rasismo na binaggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugang


____________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas c. malalim na sa kit na dala-dala ng ating puso
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa p ag-unlad d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin
sa magkaibang lahi
36. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo c. espiritwal at pisikal na kaisahan
b. pagkalugmok ng sarili d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
37. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang ________.
a. pagpapakahirap sa mamamayan. b. pagpapairal ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa.
b. pagkakaroon ng malupit na ninuno. d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang
estado sa buhay
38. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
metatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng _______.
a. paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatuwiran

39. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbabala?


a. Tara, punta tayo roon. C. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan. D. makakabuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.

40. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa kaniyang panganay,” ano ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais b. mithi c. hangad d. pangarap

41. Sino ang nagsabi nito? "Hindi ako sumasang-ayon, kung ang pagkaalam ng wikang Kastila ay
maglalapit sa atin sa pamahalaan, magbibigkis din nito ang buong kapuluan."
a. Sandoval b. Placido Penitente c. Basilio d. Juanito Pelaez

42. Tumulong sa mga estudyante na magkaroon ng Akademya ng wikang Kastila.


a. Padre Irene b. Padre Sibyla c. Padre Camorra d. Padre Salvi

43. Namumuno sa mga estudyante sa pagpapalakad ng Akademya ng Wikang Kastila.


a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d. Isagani

44. Bakit ipinapatago ni Simoun ang mga armas sa bahay ni Quiroga?


a. Para hindi mahuli ng mga guwardiya sibil na siya ang nagpapasimula sa rebolusyon.
b. Gusto niya na mahuli si Quiroga dahil hindi siya nakapagbayad ng utang kay Simoun.
c. Dahil nawawalan na ng puwang sa kanyang bahay.
d. Para angkinin ito.

45. Isang Kastilang kawani na nagpapatuloy ng pag-aaral sa isang paaralan sa Pilipinas.


a. Placido Pinente b. Pelaez c. Sandoval d. Isagani

46. Magkano ang gustong ipadala ni Juli para matubos ang kanyang ama?
a. 375 pesos b. 420 pesos c. 399 pesos d. 250 pesos
47. Si Simoun ay nagtago sa bahay ni
a. Padre Tolentino b. Kabesang Tales c. Don Tiburcio. D. Kapitan Tyago

48. Ayon sa telegrama ng Heneral ang hinuhuling tao na nagtatago sa bahay ni P. Florentino
a. Don Tiburcio b. Simoun c. Basilio d. Isagani

49. Si Don Tiburcio ay umalis at nagtago sa bahay ng


a. mangingisda b. magkakahoy c. anluague d. mangangalakal

50. Nagkumpisal si Simoun kay P. Florentino _________.


a. bago uminom ng lason b. pagkainom ng lason c. pagkadating ng huhuli d. a t b

“Kabataan,ikaw ay inaasahan sa pagsulong nitong ating bayan


Linangin mo ang iyong kakayahan para sa maliwanag na kinabukasan.”

Inihanda ni: Bb. Marry Rose D. Gardose


Guro

You might also like