You are on page 1of 12

Sanaysay

 Ang sanaysay ay magkakaugnay


na pangungusap na umiikot sa
isa lamang na paksa. Ito ay
masasabing mahusay kung
nagtataglay ng kaisahan,
kohesyon at kalinawan.
PORMAL NA SANAYSAY
 Ang pormal na sanaysay ay karaniwang
nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa at
karaniwang isinusulat na may taglay na
maiging pag-aaral o pananaliksik ng may
akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon
tungkol sa ibat-ibang paksa maging: tao,
hayop, bagay, okasyon o pangyayari. Ang tono
ng pagsulat ay seryoso at pormal din pormat
nang pagkakasulat.
DI-PORMAL NA SANAYSAY
 Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring
tungkol sa karaniwang mga paksa, personal
na pananaw o mga sulat na naglalayong
makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema
at pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng
sanaysay ay kadalasan may bakas ng
personalidad ng may akda at parang
nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan at
hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit
sa pagsulat.
Katangian ng Mahusay na Sanaysay

 Kaisahan o unity.
Ang pagtalakay sa paksa ay kailangang tiyak
at hindi masaklaw.
 Kohesyon.

Sa pagpapalutang ng isang diwa, kailangang


wasto ang pagkakasunud-sunod/pag-
uugnay-ugnay ng mga pangungusap.
 Kalinawan.

Sa kabuuan ay tumutukoy sa linaw ng pokus


ng ideyang nais ihatid ng manunulat.
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
 SIMULA – Dito karaniwang naglalagay nang pang-akit
atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dito
makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy
pa sa pagpabasa.
 KATAWAN O GITNA – Dito naman nakalagay ang
malaking bahagi ng sanaysay, dito maisasaad ang mga
mahahalagan impormasyon o ideya ng may akda
tungkol sa paksa. Dito nagpapahayag ng mensahe and
tagapagsulat.
 WAKAS – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito
maaring magsulat ng konklusyon, buod ng sanaysay o
mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa.
Maari ding maglagay ng sulat na makakapag-hamon
sa pag-iisip ng mga nagbabasa ng akda.
Ang Kahalagahan ng
Edukasyon (
Tagalog na Sanaysay)
 Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo
ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na
hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutunan sa ating mga university at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento
upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-
araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at
mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano
mabuhay ng maayos.
 Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa
isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mga
mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap
para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang
edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.
 Ang unang layunin ng edukasyon ay
upang magkaroon ng kaalaman sa mga
bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa
kinabukasan. Ito ang nagsisilbing
mekanismo na humuhubog sa isipan,
damdamin at pakikisalamuha sa kapwa
ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang
pangyayari sa ating mundo at
ginagalawang kapaligiran.
 Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang
kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa
ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang
edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging
daan sa isang tao upang magkaroon ng mga
kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at
komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng
mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na
mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.
 Ang kabataan ay nararapat lamang na
magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at
pormal na programa na nakukuha sa mga
paaralan. Ito ang kanilang magiging armas
upang maharap nila ang mga bagay na
kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan.
At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat
lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng
edukasyon na kailangan nila upang maabot
nila ang mga pangarap na nais nilang
matupad.

You might also like