You are on page 1of 2

Kabataan Asenso, Ang Pagbasa Ugaliin Mo

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na
kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. Ang pagbasa ay isang magandang gawain
kung kaya’t maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming
bentahe na makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya,
kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina upang maibigkas ito sa
pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa
daigdig ng karunungan at kasiyahan.

Ang pagkahilig sa pagbasa ay nalilinang kung nagbibigay ang tao ng humigit-kumulang na tatlumpung minuto
araw-araw para sa gawaing pagbasa. Sa mga aklat at iba pang babasahin nakakakuha ng mga ideya at mga
salitang iniimbak sa utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito sa mga bagay na di natin batid. Ang pagiging ignorante
natin sa maraming bagay ay nabibigyang katugunan ng maraming aklat at babasahin. Anuman ang maging layunin
ng tao sa kanyang pagbabasa, ang mahalaga ay makuha o maunawaan niya ang esensya o kahalagahan nito sa
kanyang buhay. Ngunit dapat tandaan ng isang nagbabasa na anumang babasahin na kanyang binasa ay di-
totoong nabasa kung di niya natamo ang komprehensyon o pag-unawa. Ito ay isa rin sa mga kasanayang pangwika
na tulay ng mga mag-aaral upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay
may malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang
tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na
makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan
ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

Ipinaliwanag ni Johnston (2000) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at
di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng
kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay
aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-
unawa. Bilang isang kabataan, para saakin ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa
mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang
binabasa natin ay maaaring isulat at ang anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng
pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman. Ayon
naman kay Baltazar (2017), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.
Ang pagbabasa ay sa lahat ng oras at sa lahat ng edad, ay isang mahusay na mapagkukunan ng kaalaman. Ngayon
ang kakayahan na magbasa ay lubos na nagpapayaman at nagpapahalaga para sa panlipunan at pang-
ekonomiyang pag-unlad.

Ang pagbabasa ng mga kasanayan ay mahalaga upang magtagumpay sa lipunan. Yaong na mahusay bumasa ay
may posibilidad na magpakita ng mga kasanayang progresibo sa lipunan. Ang isang tao na nakabasa ng malawak
na mga basahin ay madadaliang makihalubilo sa iba. Siya ay isang mas mahusay na mapagsalita kumpara sa mga
taong hindi napalarang makapagbasa. Kaya niyang tumayo sa kanyang sarili at maging malaya. Ang pagbabasa ay
kayang palawakin ang paningin. Ito ay maaring sabihing isang paraang kapalit para sa paglalakbay. Ito ay
nagsisilbing medium upang maglakbay bilang kapalit sa nais na puntahan at ang pagbabasa ay maaaring punan
ang puwang na nilikha sa pamamagitan ng kakulangan ng paglalakbay. Ang pagkaroon ng tiwala sa pagbabasa ay
mula sa araw-araw na pagsasanay ng pagbabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay maaaring makipag-
ugnayan sa iba sa isang mas mabuti paraan dahil sa pagbabasa ay pinapalawak nito ang kanyang paningin at
pananaw.

Batay sa aking karanasan, ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya
ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa mas
nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan. Mas nahahasa ang
kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas malalalim na ideya, mga argumentong
pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang
pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan tutugon sa kanyang


pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa.
Mahalaga ang pagbasa sa isang tao sapagkat ito ang yaman na kailanman ay hindi maaagaw saiyo. Sa paglaon,
ang kaalamang nakuha sa pamamagitan ng mga pagbasa ay magbibigay-daan sa mga pagpapabuti sa kasanayan
sa trabaho. Ang landas ng tagumpay ay madalas na sumasalungat sa landas ng pagbabasa; Malinaw na
ipinaliwanag ito sa kasabihan na nagsasaad ng: "ang kaalaman ay kapangyarihan."

Isinagawa ni:

Ipinasa kay:

CARHYLLE MAHINAY G. RUEL S. LATA

You might also like