You are on page 1of 28

KASANAYAN

SA
PAGBASA
Totoong likas na matalino ang tao
ngunit ang talinong ito ay kailangan
mahasa upang magamit niya nang mabuti
sa pagharap at sa paglutas ng mga
suliranin at mga pagsubok na
nasasalubong niya sa pang-araw-araw na
pamumuhay..
Maraming paraan upang mahahasa ang
talino at isipan ng tao. Ngunit ang
maituturing na isa sa pinakaimportante ay
ang pagbasa. Oo kailangan ang
malawakang pagbabasa sa pagtatampo ng
kaalaman at kasalukuyan na napakabilis ng
pagbabago bunga ng pag-unlad ng siyensya
at teknolohiya
Ang karanasan dulot ng pagbabasa ay
nagbibigay ng lubos na kasiyahan at kaluwalhatian
sa buhay. Sa pagbabasa, nagiging ganap daw ang
pagkatao ng isang nilalang, sapagkat nagkaroon
siya ng sapat na kaalaman, kaligayahan at
kasiglahan sa pakikisalamuha sa makabuluhang
gawang nagdulot ng kaunlaran sa kanyang sarili,
sa kanyang kapwa at sa lipunan kanyang
ginagalawan.
ANO NGA
BA
ANG
PAGBASA?
Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha
ng mga ideya at kaisipan ng mga sagisag
o simbulong nakalimbag. Ito ay pag-
unawa sa wika ng may – akda o sumulat.
Ito ay paraan ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
sagisag o simbolong nakalimbag.
Ang pagbasa ay isang kasanayang
pangwika na tulad ng pakikinig ay
kailangan din upang matamo ang
mabisang pakikipagtalastasan.
Mahalagang malinang din ito para sa
ikatatagumpay ng mga layunin at
hangarin ng nagsasalita.
1. PERSEPSYON SA
PAGKILALA
Sa hakbang na ito, ang pagbigkas ng
salita bilang isang mahalagang yunit at
ang pagkilala ng mga nakalimbag na
simbolo ang siyang mahalagang
konsiderasyon.
Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha
ng mga ideya at kaisipan ng mga sagisag
o simbulong nakalimbag. Ito ay pag-
unawa sa wika ng may – akda o sumulat.
Ito ay paraan ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga
sagisag o simbolong nakalimbag.
2. PAG-UNAWA
Ang mga kaisipang ipinahahayag ng
mga simbolo o salitang nakalimbag ay
nababatid at naiintindihan ng
nagbabasa.
3. REAKSYON
Ang hakbang na ito ay paghatol o
pagpasya—kawastuan, kahusayan, at
pati na ang pagpapahayag at pagdama
sa mga sinasabi ng may – akda.
4. ASIMILASYON O
INTEGRASYON.
Dito ipinagsama-sama at
inuugnay-ugnay ang mga kaisipan
sa nabasang pahayag at ang mga
naranasan o ang mga nakaraan sa
mga bagong karanasan.
• 
4. ASIMILASYON O
INTEGRASYON.
Ang hakbang na ito ay paghatol o
pagpasya—kawastuan, kahusayan, at
pati na ang pagpapahayag at pagdama
sa mga sinasabi ng may – akda.
GAANO NGA
BA KAHALAGA
ANG PAGBASA?
Napakalaki ng pagbabagong nagaganap sa ating
daigdig dulot ng pag-unlad ng siyensya at
teknolohiya. Lumalawak ang karunungan lalo na
ngayong dumadami na ang babasahin at lathalain.
Ang mga nailimbag na aklat, ensayklopedya,
tsart almanac, mapa, mga pahayagan,magasin at
marami pang babasahin taun-taon ay naglalahad
ng iba’t iba at maraming ng mga mag-aaral kundi
dapat batid rin ng mga mamamayan.
AYON KAY BELVES,
Ang pagbasa ay gintong susi na
magbubukas ng pinto sa daigdig ng
karunungan, kasiyahan at paga-asa. Ito ay
isang pangunahing kasangkapan sa
pagtuklas ng kaalaman sa ibat-ibang
larangan ng buhay.
Sa mga aklat, napapaloob ang kasaysayan
ng tao, ang kanyang pagkakalikha,
panlulupaypay at pananagumpay ng
kanyang mithiin at pagnanasa sa hinaharap.
Sa mga pahayagan at magasin mababatid
ang mga mahalagang impormasyon at mga
pangyayaring nagaganap sa bayan at sa
labas ng bansa.
Ang mga impormasyong ito ay
naglalahad ng kaalaman sa ibat-ibang
larangang panlipunan, pangkabuhayan,
pampulitika, kaalaman sa siyensya,
education, isports, libangan at maging sa
pananamit at pagkain. Saying ang lahat ng
mga taong bayang karapat-dapat na
makinabang.
Kung hindi man natin narating ang
magagandang lugar na nais nating puntahan
o Makita ang mga bantog o dakilang taong
ating hinahangaan, sa pamamagitan ng
pagbabasa kahit paano ay matutupad natin
ang mga pangarap na ito.
Higit sa lahat sa pagbabasa, naaantig ang
ating damdamin, nababago ang ating
saloobin at layunin sa buhay at maaaring
magsisilbi itong lunas sa ating mga suliranin
at nagpapatatag sa mga sandali ng kahinaan
at pagsubok.
Ang pagbasa ay halos
kasingkahulugan ng kaalaman,
karunungan, aliwan, kasiyahan,
paglalakbay, pakikipagsapalaran,
paglutas ng suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t-ibang
karanasan sa buhay
PAGKUHA NG
KAHULUGAN
NG BINASANG
PAHAYAG
Sa pagbasa mahalagang malaman
ang kahulugan ng binasang pahayag.
Ang prosesong ito ay hindi magiging
ganap kung hindi matalos o
mauunawaan ng mga mambabasa ang
kaisipan o ideyang inihahatid ng mga
nakalimbag na sagisag o mga salita.
May mga salitang maaaring maging
hadlang o sagabal sa ganap na
pagkaunawa sa binasang pahayag. Ang
mga salitang ito ay nararapat ding
pagtutuunan ng pagsasanay kasama ang
kakayahan sa pag-unawa dahil ayon sa
mga dalubhasa, walang pagbabasa kung
walang kaakibat na pag-unawa.
Nagaganaplamang ang pagbabasa
kung nauunawaan ang sinasabi ng
mambabasa.ay ang makapag-ipon ng
impormasyon at kaalaman sa
binabasang aklat o babasahing kung
hindi nagaganap ito, hindi nga
masasabing naganap ang pagbasa.
CONTEXT
CLUES
- Nauunawaan ang mensahing inhahatid ng pahayag sa
pamamagitan ng pahiwatig ng iba pang mga salita sa
pangungusap. Nagkakaisa at nagkakatulungan sa pagbuo
ng mensaheng inihahatid ang mga salita sa pangungusap.
Sa pamamagitan ng mga salitang ito ay mahiwatigan at
makuha ang kahulugan ng mga salitang hindi gagnong
maliwanag s bumabasa.
HALIMBAWA:
A. Hindi ko halos maintindihan ang mga
pangyayari tungkol sa nagaganap na aksidente
dahil masalimuot at may kalabuan ang kanyang
pagkakasalaysalay.

Ang ibig sabihin ng masalimuot ay komplikado.


Ang salitang nagpapahiwatig ng kahulugang
komplikado ay ang pariraralang hindi maintindihan
at ang salitang Malabo.

You might also like