You are on page 1of 77

YUNIT II

SARILING WIKA
PARA SA
MABISANG
PAKIKIPAG
KOMUNIKASYON
WIKA
• Tinutumbasan ng letra ang mga tunog
(ponolohiya)
• Nabubuo ang mga salita (morpolohiya)
• Kahulugan ng mga salita (semantika)
• Napagsama-sama ang mga salita (sintaks)
• Kumbinasyon ng mga salita ang mainam
sa sitwasyon (pragmatics)
Archibald A. Hill

Ang wika ay pangunahin at elaboreyt


na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang mga simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nililikha ng aparato sa
pagsasalita at isinaayos sa mga klase at
pattern na lumilikha ng isang
komplikadong at simetrikal na
istruktura.
H E N RY G L E A S O N

Ang Wika ay sistematikong


balangkas na sinasalitang tunog na
pinili at isaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura
PA Z , e t A l . , 2 0 0 3

Ang wika tulay na ginagamit


upang maipahayag at mangyari
ang anumang mga minimithi o
pangangailangan ng tao
Ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng
mga simbolo, tunog, at mga kaugnay
na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat.
Isa rin itong likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng
isang kaparaanang lumilikha ng
tunog; at kabuuan din ito ng mga
sagisag sa paraang binibigkas.
KATANGIAN
NG WIKA
KATANGIAN
NG WIKA
A N G W I K A AY A N G W I K A AY
MASISTEMANG A R B I T R A RY O
BALANGKAS
A N G W I K A AY
A N G W I K A AY GINAGAMIT
S I N A S A L I TA N G
TUNOG A N G W I K A AY
N A K A B ATAY S A
K U LT U R A
A N G W I K A AY
P I N I P I L I AT
A N G W I K A AY
I S I N A S A AY O S
NAGBABAGO
ANG WIKA AY
MASISTEMANG BALANGKAS

Lahat ng wika sa daigdig ay


sistematikong nakaayos sa isang
tiyak na balangkas. Walang wika
ang hindi nakaayon sa
balangkas na ito.
Lahat ng wika ay nakabatay sa
tunog
PONOLOHIYA – Makaagham na
pag-aaral ng mga tunog.

PONEMA- makahulugang
tunog ng isang wika
MORPOLOHIYA- ang tawag sa maka
agham na pag-aaral ng mga morpema

MORPEMA
Pinakamaliit na yunit ng salita
 SALITANG UGAT
 PANLAPI /
Morpemang ponema katulad ng
Ponemang /a/ na sa wika natin ay
maaaring magpahiwatig ng kasariang
pambabae
SINTAKSIS
- Maka-agham na pag-aaral
ng mga pangungusap

DISKURSO
- Makahulugang palitan ng
mga pangungusap ng dalawa
o higit pang tao.
BALANGKAS NG WIKA

MORPOLOHIYA
PONOLOHIYA SINTAKSIS
SALITANG-UGAT +
PANALAPI+
TUNOG MORPEMANG
PANGUNGUSAP DISKURSO
PONEMA
(PONEMA) (SAMBITLA)
(MORPEMA)
ANG WIKA AY SINASALITANG
TUNOG

Hindi lahat ng tunog ay wika sapakat


hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
Sa tao, ang pinakamakahulugang
tunog na nalilikha natin at kung gayo’y
kasangkapan ng komunikasyon sa
halos lahat kung hindi man lahat ng
pakakataon ay ang tunog na sinasalita.
Samakatwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa
pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang
pinanggagalingan ng lakas o enerji, nagdaraan sa pumapalag na
bagay na lumilikha ng tunog at minomodifay ng resonador.
Bawat wika ay may kanya-
kanyang set ng mga
makahulugang tunog o
fonema. Makahulugan ang
wika kapag ito ay nagtataglay
ng kahulugan.
Ang wikang pilipino ay may dalawampu’t
isang ponema napapangkat sa dalawa:
1. FONEMANG KATINIG ay mailalarawan sa
pamamagitan ng punto ng artikulasyon o
kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas
ng fonema at sa paraan ng artikulasyon o
paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbikas
ng fonema ay may tunog o walang tunog.
2. FONEMANG PANTINIG mailalarawan sa
pamamagitan ng posisyon ng ng dila sa
pagbikas ng mga ito at sa kung saang bahagi
ng dila nagaganap ang pagbikas ng bawat isa.
ANG WIKA AY PINIPILI AT
ISINASAAYOS
Upang tayo’y maunawaan ng ating kausap.
Hindi maaaring ipagpilitan natin gamitin ang
isang wikang hindi naunawaan ng ating
kausap at gayundin ang ating kausap, hindi
niya maaaring ipagpalitan ang wikang hindi
natin batid. Tayo o ang ating kausap ay
kaylangang pumili ng komong wika kung
saan makakaunawaan. Samantala para
maging epektibo ang ating komunikasyon
kailangan natin isaayos ang paggamit ng
wika.
ANG WIKA AY ARBITRARYO

Ayon kay Archibald Hill kung gayon, ang isang


taong walang ugnayan sa isang komunidad ay
hindi matututong magsalita kung paanong ang
mga naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan. Samantalang ang bawat komunidad
ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan
sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa ibang
komunidad,bawat individual ay nakadedevelop
din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita
na ikinakaiiba niya sa lahat.
ANG WIKA AY GINAGAMIT

 Ang wika ay kasangkapan sa


komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan. Ang isang kasangkapang
hindi na ginagamit ay nawawala na ng
saysay. Gayon din sa wika, idagdag pa
kapag ang wika ay hindi na ginagamit ito
ay unti-unting mawawala at tuluyang
mamatay..
ANG WIKA AY
NAKABATAY SA
KULTURA
Dahil hindi maaaring
paghiwalayin ang wika at
kultura sapagkat sa
pamamagitan ng wika,
nasasalamin ang kultura ng
isang bansa.
ANG WIKA AY
NAGBABAGO

Hindi ito tumangi magbago. Ang isang


wikang stagnant ay maaaring mamatay
tulad ng hindi paggamit nito. At maaari
din nadaragdagan ang vokabularyo,
bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring sila ay nakakalikha ng bagong
salita. At yung mga salitang balbal ay isa
ding dahilan.
Pinagmulan
ng
wika
Bow-wow
Ang tunog daw na nalilikha ng
kalikasan, anuman ang pinagmulan
ang ginagagad ng tao. Halimbawa nito
ang kahol ng aso, pagsalpok ng alon,
tunog ng kulog, o ngiyaw ng pusa,.
Madali masasabi ang pinagmulan kung
ikinakabit dito ang tunog. Kaya lang
hindi pare-pareho ang mga pandinig ng
tao sa iba’t ibang likas ng tunog.
DING-DONG
Ang lahat daw ng bagay sa
kapaligiran ay may sariling
tunog na kumakatawan sa
nasabing bagay tulad ng relo,
kampana, tren, atbp.
POOH-
POOH
Ang tao raw ang siyang
lumikha ng tunog at siya rin ang
nagbibigay-kahulugan.
Sinasamahan o pinakitaan niya
ito ng tuwa sa pag tawa; sakit o
lungkot sa pag-iyak at iba pang
uri ng damdamin.
Yo-ye-ho
ang tao ay bumabanggit ng mga
salita kapag siya’y gumagamit ng
pisikal na lakas. May mga salita,
tunog o ekspresyon na nasasambit
ang tao kapag nagbubuhat ng
mabibigat na bagay sa
pageehersisyo, sa pagluwal ng
sanggol, sa mga palakasan.
Ta-ta
Nagsasabing ang
kumpas o galaw ng
kamay ng tao ay
kanyang ginagawa
upang magpaalam.
TA-RA-RA-
BOOM-DE-AY
 Tumutukoy sa pagkilos, pagsasayaw,
pagsisigaw, pagbulong ng mga sinaunang
Pilipino bilang partisipasyon sa mga festival,
selebrasyon, ritwal, o okasyon tulad ng
pakikidigma, pagtatanim, pag-ani,
pangingisda, pagpapakasal,pag-aalay ay
lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga
salita na sa kalauna’y binigyan ng
kahulugan ng mga tao.
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na
ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon. Ang
pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng
dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang
paliwanag ng mga proponent ng teoryang
ito sa pinagmulan ng wika.
Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh.
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga
ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang
kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula
ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng
takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong
teoryang kontak.
SING-
SONG
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na
ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita
ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami
COO-COO
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay
nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang
ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa
paligid, taliwas sa paniniwala ng marami
na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog
ng mga matatanda.
BABLE - LUCKY
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay
nagmula sa mga walang kahulugang bulalas
ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte
lamang daw siya nang ang mga hindi
sinasadya at walang kabuluhang tunog na
kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-
bagay sa paligid na kalaunan ay naging
pangalan ng mga iyon.
LA-LA
Mga pwersang may
kinalaman sa romansa. Ang
salik na nagtutulak sa tao
upang magsalita
HUCOS-POCUS
Ayon kay Boeree (2003), maaaring
ang pinanggalingan ng wika ay tulad
ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng
ating mga ninuno. Maaari raw kasing
noo’y tinatawag ng mga unang tao
ang mga hayop sa pamamagitan ng
mga mahikal na tunog na kalaunan ay
naging pangalan ng bawat hayop.
eureka
Sadyang inimbento ang wika ayon
sa teoryang ito. Maaari raw na ang
ating mga ninuno ay may ideya ng
pagtatakda ng mga arbitraryong tunog
upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay
nalikha, mabilis na iyong kumalat sa
iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay-bagay
(Boeree, 2003).
mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang
wika sa mga pinakamadadaling pantig
ng pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa
una’ y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang
pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang
nasasabi ang mama bilang panumbas
sa salitang mother.
PLATO - ang wika ay nabuo ayon sa
batas ng pangangailangan at may
mahiwagang kaugnay at kalikasan ng
mga bagay at ng mga kinakatawan nito.
Maaaring nagsimula sa simple hanggat
maging malawak ito dahil sa pagdaraan
ng panahon, ito’y pabagu-bago ang
wika’y lumalago at maliwanag na
naiintindihan
Sa pananaw ng siyentipiko, ang
wika ay nagsimula sa “homo
sapiens” o nagmula sa mga
unggoy dahil sa ebolusyon ang
simpleng wikang ito ay naging
malawak at napag-iiwanan nang
napakalayo ang mga salita ng
mga hayop.
Ang Mga
VARAYTI
Ng Wika
BALBAL
Ito ay isang paglihis sa istandard ng
Filipino na popular sa mga kabataan
na naging malawak din ang paggamit
sa lipunan. Kasama sa balbal ang mga
“gay lingo” o ang mga tinatawag na
“swardspeak”.
Halimbawa:
• Babooshka ( paalam)
• B.Y. (Magandang lalaki) (beuty)
• Charing (biro)
• Ditich (dito)
• ermats (ina)
• erpats (tatay)
BALBAL NA
EKSPRESYON
Sa maraming konbersasyon ng
kabataan ngayon, sila ay nag-uusap
gamit ang magkahalong formal at
informal na wika. Mayroon ding
pinaiiksi at may mga kontraksyon at ang
mga pangungusap ay lumilihis sa
gramatikal istraktyur.
HALIMBAWA:
Sa halip na, ano ito?
Ano itich?
Sa halip na, ano pa?
Ano fi?
Sa halip na, nakuha mo! Naintindihan mo!
Gets mo?
Sa halip na, wala lang!
Wiz lang!
SOSYOLEK
Isang varayti ng wika na batay sa
katayuan ng ispeker sa lipunan o sa
grupo na kanyang kinabibilangan.
Ito ay may kinalaman sa sosyo-
ekonomik na katayuan ng tao
( Jessie Grace Rubrico 2007).
Ang bawat lipunan ay may katutubong
wika. Ang bawat lipunan ay binubuo ng isang
“speech community” na kinabibilangan ng
mga tao na may iba’t ibang oryentasyon batay
sa kanilang katayuan sa buhay, sa mga grupo
na kanilang ginagalawan at isa iba’t ibang
tungkuling kanilang ginagalawan.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong
pera)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang
init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang
gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
May amats na ako ‘tol (may tama na ako
kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
Paggamit ng salitang “ano” ang all
around, all purpose na salita, na
kumakatawan sa maraming bagay.
Halimbawa:
Ano? ( What?)
Nasaan yung ano? (hinahanap yung isang bagay))
This is so, ano!( inilalarawan ang isang bagay o
pangyayari)
Nilinis mo na ba yung ano mo? ( Nagtatanong
tungkol sa pribadong bahagi ng katawan)
Ano! ( Nagulat)
Dayalek/
Lalawiganin
Isang istandard na lenggwahe ng
isang lalawigan o kumunidad. Isang
wikang nabuo dahil sa heyograpikal
bowndari,varayti ng wika na
ginagamit ng isang partikular na
rehiyon.
Halimbawa:

Asawa ( tagalog) bana ( negros)


Bulaklak (tagalog) burak
( Bikol/waray) sabong( Ilokano)
Alimasag( tagalog) kasag
( Bikol/waray)rasa Ilokano)
Register
Isang varyasyon sa wika na may
kaugnayan sa paggamit ng estilong
formal o informal na mas madalas ay
nakikita sa isang particular na
disiplina (akademik). Sinasabing sa
bawat larangan ay may ispesipikong
salitang ginagamit.
Halimbawa:

• Agham/Siyensiya- global warming,


ulta violet rays
• Edukasyon- kurikulum, iskolar
• Ekonomiks- Gross National Product ,
forecasting
• Information technology- cyberspace,
gigabytes
Idyolek
Paraan ng pananalita na unique o naiiba sa
isang indibidwal na tagapagsalita sa isang
panahon.Isang teknikal term na tumutukoy sa
varayti ng wika na sinasalita ng isang
indibidwal na ispiker ng kanyang lenggwahe.
Isang personal na lenggwahe na gamit ng
isang tao. Nakikita ito sa mga patern ng
piniling salita, parirala, grammar o kung
paano siya bumibigkas.
Halimbawa:
• Salamat poh!
• Ang ganda ng lolah ko!
• Rhizza sa halip na Rizza
• Whendy sa halip na wendy
Antas
ng
Wika
Ang pambansang Wikang Filipino
ang pinakamalawak na gamiting
wika, lingua franca ito ng bansa na
ginagamit halos lahat ng panig ng
bansa.
Ang wikang Pampanitikan ay
sinasabing malalim napamimilipino
at wika ng mga edukado.
wikang gamitin ng mga manunulat mga
makata. Kolokyal ang gamit sa pang araw-
araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal e.g.( nasa’n)
nasaan, sayo(sa iyo) pa’no( paano) kelan
( kalian). Teknikal na wika ang gamit sa
matematika at siyensiya. Wikang cybernetic
ang tawag sa teknolohiyang kompyuter.
Kasaysayan ng
Wikang
Piipino
Dahil dito ay nabuo na ang isang
balak sa isip ng Pangulong Manuel L.
Quezon. Sa pamumuno niya
natugunan ang pagkakaroon natin
ng isang Wikang Pambansa na ang
siyang gagamitin ng lahat ng
Pilipino. Gumawa siya ng hakbang
upang tugunin ang hinihingi ng aing
Saligang Batas, (Sek. 3, Artikulo
XIV)
1935
Naipasok ang probisyon
tungkol sa Wikang Pambansa
sa Saligang Batas ng Pilipinas,
Sek. 3, Artikulo XIV, sa
Pamumuno ng Pangulong
Quezon.
Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang
Wikang Pambansa batay sa
mga umiiral ng katutubong
wika.”
Batas Komonwelt Bilang
184- Paglikha ng Surian ng
Wikang Pambansa.
TUNGKULIN AT GAWAIN NG SURIAN
NG WIKANG PAMBANSA

•  Pag-aralan ang mga pangunahing wika na ginagamit ng


may kalahating milyong Pilipino man lamang;
• Gumawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng
mga pangunahing diyalekto;
• Suriin at tiyakin ang ponetika at ortograpiyang Filipino;
• Piliin ang katutubong wika na siyang magiging batayan ng
wikang pambansang Filipino na dapat umaayon sa:
• Pinakamaunlad at mayaman sa panitikan;
• Wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming
Pilipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134- Wikang Pambansa
ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
 
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 - paglathala ng
isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang
Pambansa

 Kautusang Pangdepartamento Blg.7- na nagsasaad na


kapag tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
“Pilipino” ang siyang gagamitin.

 Kautusang pangkagawaran Blg. 25, na nagtatakda ng


mga panuntunan sa pagpapatupadng patakarang
edukasyon bilinggwal sa mga paaralan.
1987 Pinagtibay ng Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas sa
Artikulo XIV,Sek 6-9,
nasasaad ang mga
sumusunod:
Sek 6.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa sa salig sa
umiiral ng wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Sek.7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong sa
mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbingpantulong sa mga wikang
panturo roon.
Sek8.
Ang Kontitusyong ito ay dapat
ipahayag sa Filipino,Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek 9.
Dapat magtatag ang Konggreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang wika
para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.
May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT SA


TAGALOG IBINATAY ANG WIKANG
PAMBANSA
1. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan.
Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000
salitang-ugat at 700 panlapi.
2. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.
3. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakakarami.
4. Ito ay madaling pag-aralan, matutuhan at
bigkasin.
5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng
katutubong Wika sa Pilipinas.

You might also like