0% found this document useful (0 votes)
619 views74 pages

Wika

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
619 views74 pages

Wika

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

WIKA

Katuturan
Katangian
Kahalagahan
Kasaysayan
Teorya
Tungkulin
Kaantasan
KATUTURAN
 Ayon kay Henry Gleason:
“Ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na
pinagsama-sama upang makabuo ng
mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”
Ayon kay Webster (1974, pahina 536)
“Ang wika ay isang sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasaling
simbulo.”

Ayon kay Archibald A. Hill


“Ang wika ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
pantao.”
Ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

 Dagdag naman nina Mangahis et al (2005):


“Ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.”
 Wika mula sa wikang Malay.

 Sa Kastila ang isa pang katawagan sa


wika: ang salitang lengguwahe.

 Nagmula ang salitang lengguwahe o


lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila".
MGA KAUGNAY NA
TERMINOLOHIYA SA
PAG-AARAL NG WIKA
DIYALEKTO
 Batay sa lugar, panahon at katayuan sa
buhay.

Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang


lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tationg dimensyon:
espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Nagkakaiba rin sa tono, bigkas, at


talasalitaan.
IDYOLEK
 Isang varayti na kaugnay ng personal na
kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng
partikular na indibidwal.

 Kumakatawan din ito sa paraan ng pananalita ng


pamayanang ito.

 Pampersonal na gamit ito ng wika na kadalasang


yunik sa kanyang pagkatao .. Indibidwal na
pagkakaiba
SOSYOLEK
Ang sosyal na varayti ng wika.

Ito ay tumutukoy sa mga register o


jargon na salitang nabubuo.

Ito ay nagbabago o pabagu –bago.


Kabilang dito ang mga salitang balabal.
LINGUA FRANCA
Pagkakaroon ng wikang mag-uugnay
sa dalawa o higit pang tao o grupo ng
tao na may kanya-kanyang sariling
wika.
Ang malinaw na halimbawa nito ay
ang wikang Ingles na ngayo’y
tinuturing na lingua franca ng mundo.
TEORYA NA
PINAGMULAN NG
WIKA
TORE NG BABEL
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan.

Nagkaroon ng panahon kungsaan ang wika ay iisa lamang.


Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na
magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon.

Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira


ng tore.

Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao


dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya
nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
TEORYANG BOW -WOW
Ginagaya nila ang tunog na nililikha
ng mga hayop gaya ng tahol ng aso,
tilaok ng manok at huni ng ibon.
Ginagaya naman daw ng tao ang
tunog ng kalikasan at paligid gaya ng
pagtunog ng kampana, patak ng ulan at
langitngit ng kawayan.
TEORYANG YOO HE YO
Pwersang pisikal

Nakakalikha ng tunog sa
tuwing nagpapakita ng pwersa
TEORYANG POOH -POOH
Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso
ng damdamin.

Gamit ang bibig, napabubulalas ang


mga tunog ng pagdaing na dala ng
takot, lungkot, galit, saya at paglalaan
ng lakas.
TEORYANG TA -TA
 Salitang Pranses na
nangangahulugang paalam.

 Ginagaya ng dila ang galaw o kumpas


ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon tulad ng
pagkumpas ng kamay ng pababa at
pataas tuwing nagpapaalam.
TEORYANG DING DONG
 May sariling tunog na
kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran.

 Halimbawa:
tsug- tsug ng tren, tik- tak ng
orasan
TEORYANG
TA – RA – RA –BOOM DE -AY
Ang wika ng tao ay nag –ugat
sa mga tunog na kanilang nilikha
sa mga ritwal .
Halimbawa:
pagsayaw, pagsigaw at incantation o
mga bulong na ginagawa tuwing
makikidigma, pagtatanim at iba pa.
MAKABAGONG TEORYA
Teoryang Mama
 Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling
pantig ng pinakamahahalagang bagay.

 Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y


hindi niya masasabi ang salitang motherngunit
dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi
ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
Teoryang Sing-song
 Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na
ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal.

 Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang


teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba
at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
Teoryang Hey you!
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga
ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa
tao ang wika.

Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog


na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!).
Tinatawag din itong teoryang kontak.
 
Teoryang Coo Coo
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol.

Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng


mga matatanda bilang pagpapangalan sa
mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Teoryang Babble Lucky
Ang wika raw ay nagmula sa mga walang
kahulugang bulalas ng tao.

Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang


daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha
ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na
kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
Teoryang Hocus Pocus
 Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang
pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

 Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga


unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng
mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.
Teoryang Eureka!
 Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito.

Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng


pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.

Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na


iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003)
Teoryang Yum Yum
 Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay
ng teoryang ito ang tunog at kilos ng
pangangatawan.

 Katulad halos ng teoryang ta-ta ang


paliwanag ng mga proponent ng teoryang
ito sa pinagmulan ng wika.
KASAYSAYAN NG
WIKANG PAMBANSA
TAGALOG
Oktubre 27, 1936 – Paglikha Surian ng Wikang
Pambansa na ang layuning makapgpaunlad at
makapgpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa
isang wikang umiiral.
Enero 12,1937 – Hinirang ni Pangulong Manuel L.
Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Suriang
Wikang Pambansa.
Disyembre 30,1937 – Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas na batay sa TAGALOG.
Hunyo 18,1937 – Pagbibigay ng mga dahilan sa
pagpahayag na ang Tagalog ang Wikang Pambansa:

1. Tagalog ang wikang pambansa sa dahilng ito’y


nahahawig sa maraming wikain ng bansa.
2. Ang bilang ng mga salitang wikang banyaga ay
matatagpuan din sa lahat halos na talatinigan ng
inang wikain sa Pilipinas.
3. Mayaman ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng
paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga
salita.
4. Napakadali pag –aralan ng Tagalog.
Setyembre 23,1955 – Nilagdaan ni Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.186.
Ipinahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun –taon simula ika - 13
hanggang ika -19 ng Agosto. Napakaloob sa
panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni
Quezon (Agosto 19).
PILIPINO
Agosto 13, 1959 – Pinalabas ng Kalihim Jose E.
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon. Tinutukoy
nito na nag Wikang Pambansa ang salitang Pilipino.

Octubre 24,1967 - Nilagda ni Panglung Marcos


ng isang kautusan na ang Pilipino ang gagamitin ng
mga opisina at mga gusali ng pamahalaan.
FILIPINO
Pebrero 2,1987 – Pinagtibay ng Bagong
Kostitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV,
seksyon 6 -9 na nagsasaad na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
KAHALAGAN NG WIKA
Kahalagahan ng Wika

Instrumento ng
Komunikasyon

Nagbubuklod ng bansa

Nag-iingat at nagpapalaganap ng
kaalaman

Lumilinang ng malikhaing
pag-iisip
Instrumento ng Komunikasyon

Hindi na mahalaga ang


mataas na kaalaman sa
wika, sapat na ang
nagkakaunawaan gamit
ang wika
Nagbubuklod ng Bansa

Wika ang naging dahilan upang


magkaisa ang mga tao , umunlad at
makamit ang kalayaan
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

Nagpapalawak ng ating
imahinasyon, pagpapakita
ng emosyon at leybel ng
wika
Nag-iingat at nagpapalaganap
ng kaalaman

Paglalakbay
Pagsasalin
Pagtatala
Midyum ng Karunungan
KATANGIAN NG WIKA
Masistemang Balangkas
Balangkas ng Wika

Salitang –Ugat +
TUNOG Panlapi + Morpema Pangungusap Diskurso

Ponolohiya Sintaksis
(Ponema) Morpolohiya
(Sambitla)
(Morpema)
SINASALITANG TUNOG
Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi
lahat ng tunog ay may kahulugan.

Ang mga tunog ay nalilikha ng ating aparato sa


pagsasalita.

Pinakamahalagang tunog na anlilikha natin ang


kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon.
DINAMIKO
Ang isang wika ay maaring madaragdagan
ng mga bagong bokabularyo. Bunga ito ng
pagiging malikhain ng mga tao.

Patuloy na nagbabago at yumayaman ang


wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng
isang salita na dumaragdag naman sa
leksikon ng wika.
BOMBA

Maraming namatay sa bombang sumabog noong


panahon ng digmaan.

Sumakit na ang braso ng matandang babae sa


kabobomba makaipon lamang ng tubig na panlaba.

Tinangkilik ng mga lalaki ang mga pelikulang bomba


noon.

May pasasabugin daw na bomba tungkol s isang


senador.

44
ARBITRARYO
 Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng
mga gumagamit nito.
 Kung sakaling hindi naintindihan ng isang
tao ang isang salita o pangungusap ng isang
wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi
ng kasunduang pangkaunawaan.
 Ngunit kung pag-aaralan at matututunan
niya ang wika, nangangahulugang sumasang-
ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.
PINIPILI AT ISINASAAYOS
 Pinipili at isinasaayos ang
wikang gagamitin upang
maintindihan tayo ng ating kausap.
Kailangan pumili ng parehong wika
upang magkaunawaan.
GINAGAMIT
Bakit kailangan gamitin ang
wika?

Anong mangyayari kung


hindi gagamitin ang wika?
Nakabatay sa Kultura
Hindi maaaring paghiwalayin
ang wika at kultura, sapagkat sa
pamamagitan ng
wika,nasasalamin ang kultura ng
isang bansa.
TUNGKULIN NG WIKA
Ayon kay Michael A.K. Halliday
Pang – Interaksyunal
oPakikipagtalakayan
oPakikipagbiruan
oPakikipagtalo
oPagsasalaysay
oLiham - pangkaibigan
Pang - Instrumental
oTumutugon sa mga pangangailangan
oPaggawa ng liham pangangalakal
oPakikiusap
oPag -uutos
Halimbawa:
Patalastas sa isang produkto
Regulatori
oPagkontrol sa ugali o asal ng isang
tao.
oPagbibigay ng direksyon, paalala o
babala
Halimbawa:
oPagbibigay ng instruksyon sa mga
artistang gumaganap sa drama.
Personal
Sariling kuru-kuro
Nakakapagpahayag ng sariling
damdamin
Halimbawa:
Pagsulat ng talaarawan at journal
Pormal o Di –Pormal na
talakayan
 Imajinativ
Malikhaing guni-guni
Nakakapagpahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan
Halimbawa:
• Tula
• Maikling kuwento
• Dula
• Nobela
• Sanaysay
Heuristik
Paghahanap ng impormasyon

Halimbawa:

oPag-iinterbyu
oPakikinig sa radyo
oPanood sa telebisyon
oPagbabasa
Informativ
oNagbibigay ng mga impormasyon o
datos

Halimbawa:
oPamanahong papel
oTesis
oPanayam
oPagtuturo
KAANTASAN NG WIKA
[Link]
B. IMPORMAL
A. PORMAL
 Ito ang mga salitang
istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakakarami lalo na
ng mga nakapag – aral ng
wika.
1. PAMBANSA
 Ang mga salitang karaniwang ginagamit
sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa
lahat ng mga paaralan.

 Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit


ng pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.

Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan


2. Pampanitikan o Panretorika
 Ito naman ang mga salitang ginagamit ng
mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalim, makukulay at
masining.
Halimbawa: Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
B. IMPORMAL

 Ito ay antas ng wika na karaniwan,


palasak, pang araw-araw, madalas
gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan
1. Lalawiganin
 Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang.

Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o


ang tintawag ng marami na punto.

Halimbawa:

Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)


Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal
 Ito’y mga pang – araw –araw na saita na ginagamit sa
mga pagkakataong inpormal.
Maaring may kagaspangan ng kaunti ang salita ngunit
maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita.
 Ang pagpaaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na
sa pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
Halimbawa:
 Nasan,
 pa`no,
 sa’kin,
Kelan
 Meron ka bang dala?
3. Balbal
 Ito ang tintawag sa Ingles na slang.

 Nagkakaroon ng sariling codes, mababa


ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbuo ng
salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo

Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga

Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog

Halimbawa:
Buwaya (crocodiles – greedy)
Bata (child – girlfriend)
Durog (powdered – high in addiction)
Papa (father – lover
4. Pagpapaikli

Halimbawa:
Pakialam – paki
Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad
Buong Salita

Halimbawa: Etned – bente


Kita – atik
Papantig

Halimbawa: Dehin – hindi


Ngetpa – Panget
Tipar – Part
Paggamit ng Pagpapalit
Akronim ng Pantig
Halimbawa: Halimbawa:
G – get, Lagpak – Palpak
nauunawaan – Bigo
US – under de Torpe – Tyope –
saya torpe, naduwag
Paghahalo Paggamit
ng salita ng Bilang
Halimbawa: Halimbawa:
Bow na lang ng 45 – pumutok
bow 1433 – I love you
Mag-jr (joy too
riding) 50-50 –
Mag-gimik
Mag-MU naghihingalo
Pagdaragdag Kumbinasyon

Halimbawa 1. Pagbabaligtad at
Pagdaragdag
Puti – 2. Pagpapaikli at
Pagdaragdag
isputing 3. Pagpaikli at
Pagbabaligtad
Kulang – [Link] at
Pagpapaikli
kulongbisi 5. Panghihiram at
Pandaragdag
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa: Hiya – Yahi – Dyahi

 Pagpapaikli at Pagdaragdag
Halimbawa: Pilipino - Pino – Pinoy
mestiso – tiso – tisoy

 Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa: Pantalon – Talon – Lonta
Sigarilyo – Siyo – Yosi
Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa: Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda

 Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa: Get – Gets/Getsing
Cry – Crayola

You might also like