Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 2
CATHERINE B. CABRAL
BSBA FM-1B
#5
ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO
Tagalog
Ang katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas 1935
Isa sa mga dayalekto o wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan. Isa itong
wikang natural nagging batayan ng Wikang Pilipino. Ang wikang Tagalog ay ang wikang
sinasalita sa rehiyong Tagalog Kasama ang Bulacan, Bataan, Batangas, Cavite, Rizal,
Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng puerto princesa, Nueva Ecija,
Metro Manila. Opisyal na kinilala ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang
batayan ng wikang Pambansa noong 1937 sa bisa ng kautusang tagapagpaganap blg.
143 simumulan itong ituro sa lahat Ng paaralan sa buong kapuluan simula noong 1940.
1. Tagalog
2. Cebuano
3. Kapampangan
4. Bikolano
5. Pangasinense
6. Ilokano
7. Waray
8. Hiligaynon
Pilipino
Ang unang itinawag sa pambansang wika ng Pilipinas. Noong Agosto 1959, naglabas
si Kalihim Jose E. Romero, ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7, na nagsasaad na tukuyin ang Wikang Pambansa bilang
Pilipino. Bukod sa iba pa, ganito ang isinasaad sa kautusan: Alin sunod sa mga
layuning nagbunsod sa pahayag ng pangulo at upang maitatak sa Wikang Pambansa
ang di-mapapawing katangian ng ating pagkabansa, ang salitang Pilipino ay gagamitin
sa pagtukoy sa wikang ito. Ang paggamit ng Pilipino ay isa pang hakbang tungo sa pag-
alis ng rehiyonalismo. Buhat noon ang Pilipino na salig sa wikang Tagalog ay nalinang
at lumaganap sa buong bansa sa iba't ibang sektor sa lipunan. Sa katunayan, ito ang
naging wikang interehiyonal at mabisang midyum na nag-uugnay sa mga pulo at iba't
ibang pangkat linggwistiko sa Pilipinas
Filipino
Ang kasalukuyan pambansang wika ng pilipinas, Lingua Franca ang mga Pilipino, at
isa sa mga opisiyal na wika ng pilipinas kasama ng Ingles 1987 May dalawang put
walong (28) Letra.
Tandaan iba ang wika opisiyal sa pambansang wika noong 1987 lamang ginawa ang
pambansang wika ay walang pangalan. Sinabi lamang sa konstitusyon noong 1935 na
ang pambansang wika ay batay sa Tagalog. Sa Konstitusyon 1973, sinabi naman ang
ang kongreso ay mag sasagawa ng hakbang upang makabuo ng pambansang wika na
tatawaging Filipino. Ngunit hindi opisiyal ginamit ang salitang Filipino bilang
pambansang wika.
Ayon sa aklat ni Irma Ugot, Resolusyon blg. 1-96 taong Agosto 1996 ng komisyon sa
Wikang Filipino KWF Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wikang komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga wika Ng Pilipinas at ang ebolusyon ng ibat-ibang barayti ng
wika para sa iba- ibang sitwasyon sa mga magsasalita nito na may iba’'t ibang saligang
sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at pagpapahayag.
Para naman kay Komisyuner Francisco Rodrigo, ang Filipino ay hindi bagong wika na
kinatha o kakathain ng sinuman. Ito ay umiiral na batay sa Pilipino kung saan naman
itong Pilipino ay batay sa Tagalog.
Malinaw na malinaw ang ibig sabihin ng Filipino bilang pambansang wika. Hindi ito ang
wikang Tagalog na ginagamit ng mga Katagalugan ng maynila. Bagkus, ito ay mga
wikain na ginagamit Ng bawat mamamayan saan mang sulok Ng bansa na kung saan
naiintindihan ng karamihan. Ang mga salitang iisa ang kahulugan sa bawat lugar at
nauunawaan ng karamihan ay pinasok sa ating pambansang wika. Sa madaling salita,
hindi lamang Tagalog ang wikang Filipino kundi kinapapalooban ito ng iba't ibang
lenggwahe Ng bansa.
Ang ating pambansang wika na Filipino ay hindi lamang Tagalog. Ito’y sumasakop sa
lahat ng wikang sa ano mang parte ng ating bansa. Pero, ang Tagalog ay ang wikang
ginagamit sa maraming parte ng Luzon, ang pinakamalaking rehiyon sa Pilipinas.
2. Ang kautusang tagapagganap Blg. 210, (EO No. 20) kinikilala din sa tawag na
"Gullas Bill" naka saad sa kautusang ito na itinuturo ang ingles bilang pangalawang
wika sa mga mag-aaral sa unag baitang at bilang wika pangturo sa mga asignaturang
matematika, Siyensiya at ingles simula sa ikatlong baitang. Nilalayon ng kautusang ito
na palakasin ang pagkatuto ng mag aaral sa ingles sa pamamagitang ng pandaragdag
ng mas maraming oras sa pag gamit ng ingles bilang wikang panturo. Sa halip na mas
paigtingin ang paggamit ng Filipino at mas palalimin ang pagkatuto at pagpapahalaga
ng kabataang Pilipino sa kanilang pambansang wika, ang kabaliktaran nito ang taglay
ng EO No. 210. Sa kabutihang palad hindi naman ito malaganap na naipatupad.
3. Ang CHED Memorandum Order (CMO). Ang kautusang ito ang pumatay sa
asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo, kasama ang asignaturang Philippine
Government and Constitution. Katwiran Ng CHED. Itinuturo naman ang Filipino mula
elementarya hanggang sekundarya, at sa grade 11 at 12, sa ilalim ng kurikulum Ng K
to12 kaya maaari ng hindi ito ituro sa kolehiyo. Nawalan ng saysay ang CMO No.20
nang maglabas ng Temporary Training Order (TRO) ang korte suprema matapos
magsampa ng petisyon Ang mga propesor ng Filipino sa kolehiyo at mga mag-aaral na
nagmamalasakit sa Filipino sa pangunguna Tanggol wika. Sa pagbaba ng TRO sa
Korte suprema, masasabing nagtagumpay ang Filipino sa laban nito. Subalit marami pa
ring mga kolehiyo at unibersidad ang hindi sumunod sa TRO at nagtangal ng Filipino sa
kanilang kurikulum. Gayunman, patuloy paring umiiral at iiral Ang TRO Hanggat hindi ito
binabawi Ng Korte suprema.
Ang Pagtangi at/o pag-ayaw ng maraming Pilipino mismo sa kanilang sariling wika,
kasama na ang ilang nasa pamahalaan, ang pinakamatinding kalaban ng Filipino. Sila
ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi umuunlad ang paggamit ng
pambansang wika sa sarili nitong bansa at marami pa ring ang Pilipino ang utak-
kolonyal.