You are on page 1of 2

1. Ano ang simbolo ng apoy sa akda? Ipaliwanag.

Para sa akin, kalayaan at pangarap ang sinisimbolo ng apoy


na nasa kwentong “Ang Gamu-gamo at ang Liwanag”. Ito ay sa
kadahilanang kung ating susuriin, ang kwento na ito ay naisulat sa
kasagsagan ng pamumuno ng mga Espanyol sa ating bansa na
kung saan talamak ang pakikibaka ng ating mga ninuno patungkol
sa ating paglaya mula sa kanilang malupit na pamamahala. Dahil
doon, masasabi ko na ang ating mga ninuno ang gamu-gamo at
ang apoy ang siyang paglaya na kanilang inaasam na sa tuwing
lumalapit, ginugusto, at ginagawan nila ito ng aksyon patungo sa
apoy ng paglaya lalong nanganganib ang buhay nila. Ngunit, kahit
alam nilang mapanganib, mas gugustuhin pa rin nilang ilaalay ang
kanilang buhay o masunog sa apoy nito makamit lamang ang
kanilang pangarap na kalayaan para sa Inang bayan.

2. Sa bawat bumabagsak at namamatay na gamugamo, hindi


pagkalungkot manapay paghanga ang kanyang nararamdaman.
Ano ang iyong mahihinuha ukol rito?
Ang linya mula sa kwento na nasa itaas ay nagbibigay
mensahe sa akin na hinahangaan ng batang Rizal ang bawat
Pilipinong handang mag-alay ng kanyang buhay para sa bayan.
Nais niyang ipabatid sa atin na hindi dapat tayong maawa at
malungkot sa buhay na kanilang isinakripisyo sapagkat inialay nila
ito para sa ating kalayaan. Sa halip, dapat itong bigyan ng
pagkakakilanlan at kahangaan sapagkat hindi madali ngunit
marangal ang kanilang pagsasakripisyo.
3. Anu-anong pagpapahalaga ang nakapaloob sa akda?
Bigyankatwiran.
Base sa aking personal na pang-unawa, unang ipinapaalala
sa atin ng kwento ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at
pagsasakripisyo upang makamit ang ating mga pangarap sa
buhay. Mahihinuha ko doon na minsan sa ating buhay kailangan
nating magsakripisyo ng mga bagay-bagay tulad oras, tulog, o
kahit pera, upang makamtan natin ang ating mga inaasam o ang
ating mga pangarap. Nangangailangan din ng pagkakaroon ng
pag-asa para magpatuloy sa buhay dahil alam naman nating hindi
madali at maraming pagsasakripisyo ang kailangan nating gawin
sa proseso ng pagkamit ng mga pangarap na iyon. Pangalawa,
ang kwentong ito ay binibigyang importansya ang pagkakaroon ng
sense of nationalism sa isang indibidwal. Itinatampok nito ang
ideya na bilang isang Pilipino isa sa ating obligasyon ang
magsakripisyo ng ating buhay o kahit ng mga simpleng bagay para
sa ikabubuti, ikauunlad, o kahit sa kalayaan man ng ating bansa.

You might also like