You are on page 1of 5

WHOLE-BRAIN LESSON PLAN

SUBJECT: FILIPINO GRADE: 9


UNIT TITLE: NOLI ME TANGERE LESSON TITLE: Aralin 15-20 DYAKARTA SESSION: 1

I. LEARNING OUTCOMES (ENDSTATES):


1) What skills & competencies, values & attitudes (7 self- mastery skills) are being developed? To what degree should students be assessed?
● Learning to THINK: Nauunawaan na ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maiugnay sa kasalukuyan.
●Learning to DO: Nakasusulat ng isang tula hinggil sa kung paano mapipigilan ang mga anomalyang ginagawa ng mga lider sa lipunan.
●Learning to Feel: Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig na nagging kapalaran ng tauhan..
●Learning to COMMUNICATE: Nakapagpapaliwanag ng motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga tauhan.
● Learning to INTUIT: Nahihinuha ang maaaring kalabasan o maging wakas ng akda.

Makakalikasan/Makabansa (Ethical): Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay nakatutulong sa pagpapayaman sa kulturang Asyano sa pamamagitan ng mga
kaugaliang binanggit sa mga kabanata.
MakaDiyos/Makatao (Moral): Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay nakatutulong upang magkaroon ng lipunang walang anomalyang kinasasangkutan an
glider at mga mamamayan.

II. ESSENTIAL QUESTIONS (Mga Pokus na Tanong):


● Anu-ano ang mga pangyayari sa akda na maaaring maiugnay sa kasalukuyang panahon?
● Paano nakakatulong ang mga kaugaliang binanggit sa mga kabanata sa pagpapaangat sa kulturang Asyano
. Paano ka makatutulong upang mapigilan ang mga anomalyang ginagawa ng mga lider sa ating lipunan?
III. CONTENT
● Noli Me Tangere (Aralin 15-20)
● Aralin 15-Dilim at Liwanag
Aralin 16 -Sa Gubat
Aralin 17-Sina Elias at Salome
Aralin 18-Sa Bahay ng Pantas
Aralin 19-Bisperas ng Pista at Kinagabihan
Aralin 20-Mga Sulat at ang Araw ng Pista

IV. INSTRUCTIONAL PHASES LEARNING ACTIVITIES (Gawain sa Pagkatuto)


Session 1
1) ACTIVATE (Creating Focus and Purpose) Gawain 1: Balik tanawin mo!
Pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagkapakita ng mga larawang
may kaugnayan sa mga nagdaang aralin. Ang sasagot ay pipiliin sa pamamagitan ng pagpasa sa
larawan ni Rizal habang nagpapatugtog ng isang makabayang awitin. Ang nakahawak sa larawan
kung huminto ang tugtugin ang sasagot.

Gawain 2. Kilalanin mo! Pagkilala sa kahulugan ng mga salita batay sa kasingkahulugan ng mga ito.
(Pipiliin ang sasagot sa pamamagitan ng electronic drawlots)
Gawain 3. Panoorin Mo! Panonood sa movie clip tungkol sa Aralin 15-20. (Pluma)

2) ACQUIRE
Session 2
Gawain 4. Isalaysay mo
Pagsasalaysay sa napanood na mga aralin o kabanata.

Aralin 15 – Pangkat 1

Aralin 16- Pangkat 2

Aralin 17 – Pangkat 3
Aralin 18- Pangkat 4

Aralin 19-Pangkat 5

Aralin 20-Pangkat 6

-Pag-uulat sa kinalabasan ng pangkatang Gawain at pagbibigay ng pidbak..


-Pagtatalakay sa mahahalagang kaganapan sa mga araling pinanood.
Gawain 5. Damdamin mo, Itala mo! (Isahan)
Bukod sa mga sundalo at kapulisan, sinu-sino pa para sa iyo ang maituturing na mga Elias
ng makabagong panahon sa ating lipunan? Sila ang mga taong handang isakripisyo ang
sariling kaligayahan at kapakanan alang-alang sa kabutihan ng mga nakararami. Itala ang
iyong sagot sa pamamagitan ng graphic organizer

Mga Elias ng Makabagong Panahon sa Ating Lipunan

Pangalan
Mga Nagawa Mga Nagawa

Pangalan
Mga Nagawa Mga Nagawa
3. Apply,Practice, Formative Assessment Session 3

Gawain 6. Iugnay Natin!


Pagtitiyak sa pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay sa
kasalukuyan.
Kahit noon pa mang panahon ng Espanyol ay nagaganap na rin ang silipan at sisihan sa pagitan
ng mga taong makapangyarihan sa lipunan upang mapagtakpan ang ang kanilang mga
kakulangan o ginagawang kasamaan. Basahin at suriin ang isa sa napapanahong isyung may
kinalaman ditto na makikita sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Sinasabi ng marami na atubili si Senate President Franklin Drilon na ipatawag si Janet Lim
Napoles para humarap sa gagawing pagdinig sa kaso at paglalahad ng mga nalalaman niya
hinggil sa P10B pork barrel scam sa kabila ng ipinalabas na subpoena sa kanya ng Senate Blue
Ribbon Committee sa pangunguna ni Chairman Teofisto Guingona III.

1. Sa iyong palagay, bakit kaya naging atubili si Senate Pres. Franklin Drilon na ipatawag ang
tinaguriang “Queen of Pork Barrel Scam” para humarap sa gagawing pagdinig ng
kaso?.___________________________________________________________________.
2. Ano ang gampanin ng senate Blue Ribbon Committee? Ano ang magagawa nito upang
mapigilan ang paglaganap ng katiwalian sa bansa? _______________________________.
3. Ano ang maipapayo mo sa ating mga politikong nasisilip o nadadawit ang pangalan sa
pagsasagawa ng mga anomaly o katiwalian sa pamahalaan? Ano kaya ang nararapat nilang
gawin bilang isang lingcod-bayan upang hindi sila masilipan ng kanilang mga kapwa-
politiko?

Gawain 7. Isa-isahin mo (Ang sasagot ay pipiliin sa pamamagitan ng “wheel of fortune”


Ipaliwanag ang motibasyon o dahilan sa kilos ng mga tauhan para sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon/Gawi ng Tauhan Motibasyon o Dahilan ng kilos


1 Ang pagiging pursigido ni Ibarra na
maisakatuparan ang kanyang planong
pagpapatayo ng paaralan.
2 Ang pagsulat ni Pilosopong Tasyo ng
mga aklat gamit ang kanyang sariling
simbolo
3 Ang pagbibigay ng payo ni Tasyo kay
Ibarra na lumapit at idulog ang kanyang
mga plano sa kura paroko, alkalde atbp.
4 Ang paniniwala ni Pilosopong Tasyo na
magtatagumpay lamang ang plano ni
Ibarra kung tutulungan at susuportahan
siya ng mga pari.

4) SUMMATIVE ASSESSMENT, CLOSURE AND Session 4


REFLECTION Gawain 8. Wakasan Mo!
Pangkatang Gawain. Sa huling bahagi ng kabanata XXVIII ay tinanong ni Maria Clara si
Ibarra kung ano na ang nagawa niya para kay Sisa. Ano kaya ang maaaring maging
wakas ng kabanata kung agad na naipagamot ng binate si Sisa at natulungang
matagpuan ang mga anak niyang nawawala?

Gawain 9. Isulat mo! (Isahang Gawain)Nakasusulat ng isang sanaysay hinggil sa paksa sa ibaba

Paano ka makatutulong upang mapigilan ang mga anomalyang ginagawa ng mga lider sa
ating lipunan particular ang paglulustay ng pera ng taumbayan para sa personal nilang
kasiyahan at kapakinabangan?

Inihanda ni:
CECILE A. GABBAC
Teacher (Dingras NHS)

You might also like