You are on page 1of 28

Salitang Panghihikayat at

Talumpati
Pagkalinga ng Isang Kaaway
Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang
ang iyong kasanayan sa pamantayan ukol sa:

1. nakasusulat ng sariling talumpating


nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa sa
binasa (F8PU-IVf-g-38); at
2. nagagamit nang wasto ang mga salitang
nanghihikayat (F8WG- IVf-g-38).
Tanong:

Ano ang buong pamagat


ng Florante at Laura?
Tanong:

Pinagdaanang buhay ni
Florante at ni Laura sa
Kaharian ng Albanya
Pagkalinga ng isang kaaway

136. Nang magtagumpay na ang gererong bantog


sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha’y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ng loob.
Ang Kabataan ni Florante

204. “Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,


kaya nga ang luha ni ina’y hinamak,
at ipinadala ako sa Atenas
bulag na isip ko’y nang doon mamulat.
Isang bahagi ng iyong nabasa ay tila pananalumpati
ng binatang nakatali sa punong higera.
Kapansin-pansing kung paanong ang akda ay
nahihikayat ang taong nakaririnig.
Kaya naman, ngayon ay dadako ka sa pagtalakay
ng mga salitang panghikayat na ginagamit sa
talumpati.
Salitang Panghihikayat at
Talumpati
Salitang Nanghihikayat

Nagagamit ang mga salitang nanghihikayat


sa paglalahad ng opinyon na kailangang
mapangatuwiranan at maidepensa sa
tulong ng mga datos na magpapatunay sa
sinasabi ng manunulat o mananalumpati.
Salitang Nanghihikayat

Kailangang kapani-paniwala ang mga


pahayag upang maakit ang mambabasa o
tagapakinig na pumanig sa inilatag na
pangangatuwiranan ng manunulat o
mananalumpati.
Nakatutulong din ang pang-abay na
panang-ayon sa paglalahad ng
opinyon o ng pagsang-ayon para
mapatotohanan ang isang pahayag.
Pang-abay Panang-ayon

Ang pang-abay na panang-ayon ay isang uri


ng pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon
sa salitang kilos (pandiwa), pang-uri, o sa kapwa
pang-abay sa pangungusap.
Ginagamit ito upang sumang-ayon o tanggapin
ang sinasabi ng kausap.
Pang-abay Panang-ayon

Ito ay ginagamitan ng mga panandang


oo, syempre,
opo, sige,
tunay, tiyak,
sadya, walang duda,
talaga, at sigurado, atp.
Halimbawang pangungusap:

Tunay nga ang kasabihang, “Ang


Kabataan ay Pag-asa ng Bayan.”
Kailangan talaga ng lipunan ang mga
kabataang may pangarap.
Upang makahikayat ng tagapakinig o
mambabasa, isaalang-alang ang sumusunod:

1. Ang pangangatuwiran ay may


pinagbabatayan.
2. Nailalarawan nang maganda ang ideya o
pahayag.
3. Nagbibigay ng wastong kaalaman at
impormasyon.
Talumpati

Isang halimbawa ng panghihikayat ang talumpati.


Ayon kay Arrogante (2000),
ang talumpati ay anumang uri ng pagsasalita sa
harap ng maraming tao, mapapribado man o
mapapubliko.
Batay sa kahulugang ito, kailangang bigkasin sa
harap ng maraming tao ang pangangatuwiran,
paninindigan o kaya’y paniniwala ng
tagapagsalita upang mahikayat ang mga
tagapakinig sa paksang tinatalakay niya na
maaaring makapagpabago ng kaisipan at
saloobin ng kaniyang tagapakinig.
Layunin ng Talumpati

Maaari itong
magbigay ng kabatiran,
magturo,
mangaral,
manghikayat,
at iba pa na depende sa hinihingi ng
okasyon.
May dalawang bahagi ang talumpati

Kailangan itong isulat muna upang


mapaghandaan at maging organisado sa
gagawing pagtatalumpati
at ang pagbigkas nito sa mga tao na
maaaring pribado o publiko.
Tatlong uri ng talumpati.

ang impromptu,
ekstemporanyo,
at pinaghandaang talumpati
Impromptu

ang mananalumpati ay
magsasagawa ng talumpati
nang walang kahandaan.
Ekstemporanyo

binibigyan lamang ng maikling panahon


ang tagapagsalita upang mapaghandaan
ang kaniyang talumpati.
Bumubuo lamang ang tagapagsalita ng
balangkas ng talumpati sa maikling
panahon.
Pinaghandaang Talumpati

ang tagapagsalita ay may sapat na panahon sa


paghahanda ng talumpati.
Nakapagsasanay nang husto ang tagapagsalita sa
pagbigkas ng talumpati.
Isinasaulo ito ng iba at ang iba naman ay binabasa ito
gaya sa isang komperensiya.
Sa pagsulat naman ng talumpati,
isaalang-alang ang sumusunod:

Gumamit ng kaakit-akit na panimula o


makabuluhang panimula upang
makuha agad ang atensiyon ng mga
tagapakinig.
Sa pagsulat naman ng talumpati,
isaalang-alang ang sumusunod:

Magsaliksik ng mga datos na


magagamit sa pagbibigay ng
pangangatuwiran o paniniwala na
magbibigay-daan upang mahikayat
ang mga tagapakinig sa isyung
pinapaksa sa binasa.
Sa pagsulat naman ng talumpati,
isaalang-alang ang sumusunod:

Ilahad ang sariling kongklusyon sa isyung


pinapaksa bilang pangwakas na bahagi ng
talumpati.
Sauluhin ang isinulat na talumpati,
magsanay sa pagbigkas, at lapatan ng
angkop na damdamin, kilos, at galaw ang
bibigkasing talumpati.
n

You might also like