You are on page 1of 18

ANTAS NG WIKA

KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA


Pansinin ang pamagat ng
dalawang awitin, sino ang
tinutukoy sa dalawang awitin
Sa anong pagkakataon o saan-
saang lugar mo maaring marinig
ang salitang dalaga at ang
salitang Bebot
ANTAS NG WIKA

Filipino ang ating Wikang Pambansa subalit kung


magigiging mapanuri at makikinig nang mabuti sa
mga taong nagsasalita nito mapapansing hindi iisa
ang uri ng Filipinong umiiral sapagkat lumilitaw
ang barayti o antas ng wika dala na rin ng
pagkakaiba ng kapaligiran, panahon, lugar at
kakayahan ng mga taong nagsasalita.
TATLONG URI NG SALITANG IMPORMAL
AT DI- PORMAL

BALBAL( Slang)- ang tawag sa mga salitang


karaniwang ginagamit sa mga kalye, kaya’t madalas
na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
ito ay nabubuo sa pamamagitan ng ibat- ibang paraan
tulad ng:
• pagkuha sa dalawang pantig ng salita tulad ng
salitang Amerikano na naging kano,
• pagbaliktad sa mga titik tulad ng tigas na nagging
astig
• Pagkuha sa salitang ingles at pagbibigay ng rito ng
ibang kahulugan tulad ng toxic na ang ibig sabihin
ay sobrang busy o maraming trabaho.
• Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan
tulad ng Carmi Martin na ang kahulugan ay karma.
MGA HALIMBAWA

• Bagets- kabataan
• Charing- biro
• Datung-pera
• Ermat- nanay
• Erpat- tatay
KOLOKYAL

Isa pang uri ng mga salitang di pormal na


ginagamit sa pang araw- arw na pakikipag-usap.
Madalas na ginagamitan ng papaikli o pakakaltas
ng ilang ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang
salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
HALIMBAWA:

Paano Pa’no
Pare Pre
Tara na Te’na
Kailan kelan
Bahagi parin ng antas na ito ang
pagsasama ng dalawang wika tulad ng
Tagalog at Ingles o Taglish o Tagalog-
Espanyol
HALIMBAWA

•A- attend kaba sa party ni Lina


(taglish)
•Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan
(Tag- Espanyol)
LALAWIGANIN

Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga


lalawigan o probinsya o kayay particular na
pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita
ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na
maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.
HALIMBAWA:

Ambot Ewan
Kaon Kain
Biag Buhay
MGA SALITANG PORMAL

Mga salitang istandard dahil ang mga


ito ay ginagamit ng karamihan ng
mga nakapag-aral sa wika.
HALIMBAWA:

•Maybahay sa halip na waswit


•Ama at ina sa halip na erpat at ermat
•Salapi o pera sa halip na datung.

You might also like