You are on page 1of 7

PAGSUSULIT SA PONEMANG

SUPRASEGMENTAL GRADE 9
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag
a. Tono b.Intonasyon c. Diin d.Haba
2. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais
ipabatid sa kausap.
a. Tono b. Diin c. Haba d. Intonasyon
3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar
mayroon tayong pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. Diin b. Haba c. Punto d. Intonasyon
4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa
isang pantig ng salitang binibigkas.
a. Punto b. Hinto o Antala c. Diin d.
Intonasyon
5. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ibig ipahatid sa kausap.
a. Intonasyon b.Haba c. Hinto o Antala d.
Haba
ISULAT ang salitang angkop gamitin sa isang pangungusap.
1.(kaSAma, kasaMA) si Mang Pisyong sa bukid ng
mga Gutierrez.
2.(kasaMA, kaSAma) ni mang pisyong ang kanyang
mga anak sa pagbubukid.
3.Saan dito ang (taPUnan, tapuNAN) ng mga damo?
4.Huwag nating( taPUnan, tapuNAN) ng mga basura
ang mga gilid ng daan.
5.Ang ( gaLING, GAling) mo naman!
6.Isang turistang ( ha:pon, hapon) ang kausap
ng nanay ko.
7.Sampu raw ang (laMANG, LAmang) ng team
A.
8.(buKAS, BUkas) ba ang laro nila?
9.Darating ( PAla, paLA) ang isa pang koponan
bukas.
10.Kailan (Kayo, kayo) babalik doon?
B. ISULAT ang titik ng tamang hinto/ antala na angkop gamitin sa bawat
pahayag.

1.Ipinakikilala mo ang iyong ama sa iyong mga kasama.


a.Tinyente Juan Tomas ang aking ama./
b.Tinyente Juan Tomas/ ang aking ama.
c.Tinyente Juan/Tomas/ ang aking ama.
d.Tinyente /Juan/Tomas/ ang aking ama.

2.Kanina mo pa inutasan ang iyong kapatid. Naiinip ka na.


a.Bakit/ ngayon ka lamang?/
b.Bakit ngayon ka lamang?/
3.Nag-uusap na ang mga kaibigan mo nang ikaw ay dumating. Nagtataka
ka sa narinig mong balita.
a.Sino/ Si Jolina Magdangal
b.Sino si Jolina Magdangal?

4.Dumating na si Gng. Molina at tinatawag na ang mga anak.


a.“Baby Menchie/ narito na si Mommy.”
b.“Baby/Menchie/ naririto na si Mommy.”

5.Nakita ng iyong ina na maraming dala ang iyong tiya.


a.Tulungan mo ang iyong Tiya Ester./
b.Tulungan mo ang iyong Tiya/Ester

You might also like