You are on page 1of 1

I. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Sinong tanyag na manunulat ang tinaguriang Ama ng Pambansang Wika ng Pilipinas?


________________
2. Ano ang pamagat ng isinulat niyang tula?
________________
3. Ano ang anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong at taludtod?
________________
4. Anong uri ng tula ang nagtataglay ng kaisipan at damdamin ng makata?
________________
5. Anong uri ng tula ang naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay?
________________

II. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay maikling tula na binibigkas nang may himig.


a. kurido b. awiting-bayan c. soneto
2. Isang tula ng paghanga o pagpuri sa isang bagay.
a. elehiya b. dalit c. oda
3. Isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos.
a. pastoral b. oda c. dalit
4. Tulang pasalaysay na may wawaluhing taludtod.
a. epiko b. korido c. awit
5. Mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng
namatayan.
a. dramatiko b. patnigan c. pasalaysay
6. Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
a. kurido b. elehiya c. pastoral
7. Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
a. soneto b. dalit c. pastoral
8. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagbasa o pagbigkas sa kalagitnaan ng bawat taludtod ng
tula.
a. tugma b. sukat c. sesura
9. Ito ay mga pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.
a. tugma b. sukat c. sesura
10. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
a. sesura b. sukat c. tugma

III. Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sa dami ng problema ay namuti ang buhok niya.


a. a. pagmamalabis b. pagwawangis c. pagtutulad d. pag-uyam
2. Ulap, takpan mo ang matinding sinag ng araw.
a. a. pag-uyam b. pagwawangis c. pagbibigay katauhan d. pagtawag
3. Tumaob ang bangkang hinampas ng malakas na alon.
a. a. pagbibigay katauhan b. pagmamalabis c. pagtutulad d. pag-uyam
4. Ang kanyang tindig ay gaya ng mataas na kawayan.
a. a. pagtutulad b. pagmamalabis c. pagtutulad d. pagwawangis
5. Sa dami ng trabahong ibinigay ng gobyerno ay dumami rin ang tambay sa Pilipinas.
a. a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pag-uyam

You might also like