You are on page 1of 1

Florante at Laura 3

Pangalan:_______________________________ Petsa: ___________ Iskor: ___________

A. Ibigay ang singkahulugan ng bawat salitang may salungguhit. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

_______________1. Siya ay nabibihay sa tuwing nakakakita siya ng mga magagandang bulaklak.


_______________2. Malamlam ang kanyang mukha nang mabalitaang nagkasakit nang malubha ang kaibigan.
_______________3. Inakala ni Florante na ang buhay niya ay naparool na dahil sa hirap na dinanas niya.
_______________4. Daragitin na sana ng buwitre ang sanggol na si Florante.
_______________5. Sinambilat ng arkon ang kupidong diyamte sa dibdib ni Florante.
_______________6. Ang pangalan ng kasintahan ang kanyang laging ambil tuwing siya ay nagigising.
_______________7. Ang mabuting pagpapalaki sa anak ay pamumutiwanan ng magandang asal.
_______________8. Kahit tayo ay magkaiba ng lahi, magkatoto naman tayo sa gawaing mabuti.
_______________9. Biglang nawala ang tuwang umali pagnaiisip niya ang kataksilan ng kasintahan.
_______________10. Hindi siya natulog magdamag upang mabantayan niya sa mga ganid ang mga kasama.
Hayop na matakaw Malumbay Naaakit
Napasama Magkaibigan Dumating
Tangayin Bukambibig Sinunggabin
Nalalanta Pagsisimulan Isinagawa

B. Tama o Mali. Isulat ang MALI kung TAMA ang pahayag at TAMA kung HINDI.
__________1. Matagumpay na napatay ni Florante ang mga leon.
__________2. Hiniling ni florante kay Aladin na patayin na lamang siya upang hindi na madama ang sakit na dinaranas.
__________3. Iniligtas ni Aladin si Florante dahil siya man ay nasasakupan ng batas ng Diyos.
__________4. Dinala at inihiga ni Aladin si Florante sa isang malapad at malinis na semento.
__________5. Hiniling ni Aladin kay Florante na isalaysay ang pinagmulan ng kanyang pagdurusa.

C. Ibigay ang tinutukoy ng bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Kusa niyang inalagaan si Florante buong magdamag.
a. Duke Briseo b. Aladin c. Adolfo d. Laura
2. Ito ang bayang sinilangan ni Florante.
a. Albania b. Crotona c. Persia d. Gresya
3. Siya ang pinsan ni Florante.
a. Adolfo b. Menandro c. Menalipo d. Antenor
4. Ito ang palayaw na tawag kay Florante.
a. Bulaklak kong bugtong b. Anak kong bugtong c. Pinakakamahal d. Nagiisang anak
5. Siya ang Ina ni Florante.
a. Prinsesa Laura b. Prinsesa Flerida c. Prinsesa Florabel d. Prinsesa Floresca
6. Siya ang pangalawang puno ng Albania.
a. Haring Linceo b. Duke Briseo c. Reyna Floresca d. Konde Adolfo
7. Ito ang muntik nang dumagit sa sanggol na si Florante.
a. Buwitre b. Arkon c. Parcas d. Leon
8. Ito ang pakiusap ni Florante Kay Aladin upang hindi na magdusa.
a. Pagiwan b. Pagligtas c. Patayin d. Tulungan
9. Ang pangalan ni __________ ang agad na sinasambit ni Florante sa tuwing ito ay nagigising.
a. Laura b. Flerida c. Duke Briseo d. Reyna Floresca
10. Sa muling pagmulat ni Florante nagitlahanan siya at namangha kung bakit isang ____ ang may kalong sa kanya.
a. Katoliko b. Kawal c. Prinsipe d. Moro

D. Isaayos ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod sunod sa Bukas Palad na Pagtulong. Isulat ang 1-5
sa patlang bago ang pangungusap.
_____ Nakaramdam ng awa si Aladin sa tuwing nagigising si Florante na naghihimagpis.
_____ Nais malaman ni Aladin ang tunay na dahilan ng pagdurusa ni Florante.
_____ Inilipat ni Aladin si Florante sa isang malapad at malinis na bato.
_____ Niyakap ni Aladin si Florante nang ito ay magaling na.
_____ Nahikayat tumikim ng baon ng gerero si Florante kaya bumuti ang kalagayan.

You might also like