You are on page 1of 11

ANG BUKAS- PALAD

NA PAGTULONG
[ Saknong bilang 159-171]
ARALIN XIV [14]
Ang Nakaraan
Pagkatapos mapatay ni aladin ang mga leon,
pinatid nya ang lubid
na nakapulupot sa katawan ni florante. Inaruga niya
ito at humanga sa taglay na kisig at kiyas ni florante.
Sa unang pagkagising ni florante, na bigla ito at
unang hinanap si laura. Nauunawaan ni aladin na si
florante ay nagdurusa nang lubos kaya hindi niya
sinagot. Sa muling pagkamulat ni florante, nakilala
niya ang nagligtas sa kanya ay isang kaaway. Subalit
pinayapa sya ni aladin at sinabi sa kanya na iniligtas
niya ito bilang pagsunod sa utos ng langit na
tulungan ang sinumang nangangailangan. Napasigaw
ang gerero sa lalong kapighatian nang sabihin sa
kanya ni florante na hindi awa ang kailangan nya
kundi kamatayan…….
156 Anupa’t kapwa hindi makakibo
di nangakalaban sa damdam ng puso
parang walng malay hanggang sa magtago’t
humilig si pebo sa hihigang ginto.

157 May awang gerero ay sa maramdaman


malamlam sinag sa gubat ay nanaw,
tinuntun ang landas na pinagdaanan
dinala ang kalong sa pinanggalingan

158 Doon sa unang hinintuang dako


nang masok sa gubat ang bayaning moro,
sa isang malapad, malinis na bato
kusang pinagyaman ang lugaming pangko..
159 Kumuha ng munting baong makaka in
ang nagdaralita’y inamong tumahimik,
kahit umaayaw ay nahikayat din
ng sabing malambot na pawang pang-aliw.

160 Naluwag-luwagan ang panghihingapos


sapagkat naawas sa pagkadayukdok,
sa sinapupunan ng gererong bantog.

161 Ito’y di umidlip sa buong magdamag


sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat,
ipinanganganib ay baka makagat
ng ganid na madlang naggala sa gubat.
162 Tuwing magigising sa maagang tulog
itong lipos-hirap ay naghihimutok,
pawang tumitirik na anaki’y tunod
sa dibdib ng morong may habag at lunos.

163 Nang magmamadaling-araw ay nahimbing


munting napayapa sa dalang hilahil
hanggang sa aurora itaboy ang dilim

29 Aurora- Anak ng araw at ng buwan. Ayon sa mga


makata, itong si aurora ang nagbubukas ng pinto ng
langit pagkaumaga at kung maikabit na ang mga
kabayo sa karwahe ng araw ay ito rin ang
nangunguna sa paglabas.
164 Ito ang dahilang pinagkasundo
limang karamdamang parang hinahalo,
ikinatiwasay ng may dusang puso
lumakas na muli ang katawang hapo.

165 Kaya’t nang isinabog sa sansinukuban


ang doradong buhok ng masayang araw,
nagbangong hinaho’t pinasalamatan
sa langit ang bagong lakas ng katawan.

166 Sabihin ang tuwa ng gererong hayag


ang abang kinalong ay biglang niyakap,
kung nang una’y nukal ang luha sa habag
ngayo’y sa galak na ang inilagaslas.
167 Kapos ang dila kong magsaysay ng laki
ng pasasalamat nitong kanandili,
kundangan ang dusa’y sa nawalang kasi
ay napauwi disin sa tuwang umali.

168 Sapagkat ang dusang mulas sa pag-ibig


kung kahit magnyaring lumayo sa dibdib
kisapmata lamang ang agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis.

169 Kaya, hindi pa man halos dumadapo


ang tuwa sa lamad ng may dusang puso,
ay itinakwil na ng dalitang lalo
at ang tunod niya’y siyang itinimo.
170 Niyapos na muli ang dibdib na dusa
hirap yatang bathin ang sakit sa sinta
dangan inaaliw ng moro sa pres’ya
natuluyang nanaw ang tangang hininga.

171 Iyong natatanto ang aking paglingap,


anitong persyano sa nababagabag ,
mula ng hirap mo’y ibig kong matatap
at nang kung may daa’y malagyan ng lunas.
MGA TALASALITAAN
1. Malamlam - Mapanglaw
2. Lugami - Lupay-pay
3. Panghihingapos - Panghihina
4. Ganid - Hayop na matakaw [ gaya ng alamid ]
5. Lipos-hirap – Puspos ng hirap
6. Hilahil – Pighati
7. Ikinatiwasay – Ikinaginhawa
8. Dorado – Ginintuan
9. Umali – Dumating, Pumalit
10.Lamad – Maputi-puti , Manilaw-nilaw , at Makunat-
kunat na karaniwang bumabalot sa sangkap katawan
11.Matatap – Malaman , Mabatid
TANONG

1. Sino si aurora
2. Sino ang tumulong kay florante
3. Ano ang kahulugan ng dorado
4. Ano ang kahulugan ng ganid
5. Ano ang kahulugan ng lamad
SAGOT

1. Anak ng araw at ng buwan.


2. Si aladin
3. Ginintuan
4. Hayop na matakaw [ gaya ng alamid ]
5. Maputi-puti, at manilaw-nilaw at makunat-kunat na
karaniwang bumabalot sa sangkap katawan

You might also like