You are on page 1of 10

ARALIN 15

FLORANTE-BULAKLAK KONG BUGTONG


ANG NAKARAAN:

Iniligtas ni Aladin si Florante sa kamatayan. Pinagyaman niya ito


sa isang malapad na bato at binantayan hanggang sa magkamalay.
Nang magkamalay si Florante,hindi malaman kung paano
magpapasalamat sa Morong nagligtas sa kanya. Bakas pa rin ang
matinding kalungkutan sa binate.Mainam na lamang at nasa tabi
niya ang Moro upang siya ay aliwin.Sinabi rin ng Moro na handa
niyang damayan si Florante sa kanyang paghihirap.
172 Tugon ng may dusa”y di lamang ang mula
niring dalita ko ang isasalita,
kundi sampung buhay sapul pagkabata
nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa.
173 Nupong nag- agapay sa puno ng kahoy
ang may dalang habag ay lipos- linggatong,
saka sinalitang luha’y bumabalong
buong naging buhay hanggang naparool.
174 Sa isang Dukado ng Albaniang s’yudad
doon ko nakita ang unang liwanag,
yaring katauha’y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo. . . Ay, ama kong liyag!)

175 “ Ngayong nariyan ka sa payapang bayan


sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang
tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal
176 Bakit naging tao ako sa Albania
bayan ng ama ko at di sa Crotona,
masayang siyudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko’y di lubahang nagdusa.
177 Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan
ng haring Linceo sa anumang bagay,
pangalawang puno ng sangkaharian
hilagyuang- tungo ng sugo ng bayan
178 Kung sa kabaita’y uliran ng lahat
at sa katapanga’y pang- ulo sa s’yudad,
walang kasing dunong magmahal sa anak
umakay, magturo sa gawaing dapat.
179 Naririnig ko pa halos hanggang ngayon
malayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako’y batang kinakandung- kandong
taguring Florante bulaklak kong bugtong.
180 Ito ang ngalan ko mulang pagkabata
nagisnan sa ama’t inang nag- andukha
pamagat sa ambil sa lumuha- luha
at kayakap- yakap ng madlang dalita

181 Buong kamusmusa’y di na sasalitin


walang may halagang nangyari sa akin,
kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.
182 Ang sabi ni ina ako’y natutulog
sa bahay na sintang malapit sa bundok,
pumasok ang ibong pang- amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop..
183 Sa sinigaw- sigaw ng ina kong mutya
nasok ang pinsan kong sa Epiro mula,
ngala’y Menalipo may taglay na pana
tinudla ang ibo’t namatay na bigla.
184 “ Isang araw naming bagong lumalakad
noo’y naglalaro sa gitna ng salas,
may nasok na arko’t biglang
sinambilat Cupidong
Diyamante sa dibdib
ko’y hiyas.
185 Nang tumuntong ako sa siyam na taon
palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol,
sakbat ang palaso’t ang busog ay kalong
pumutay ng hayop,mamana ng ibon.
186 Sa tuwing umagang bagong naglalatag
ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat
madla ang kaakbay na mga alagad.
187 Hanggang tingalain ng sandaigdigan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.

You might also like