You are on page 1of 1

Edrolin, Rose

Macarandan, Naomie

Kabanata 5: Halina’t Laura Ko


Buod:

Si Florante ay galit na galit pa rin kay Laura. Pero pagmamahal pa rin ang namayani sa puso ni Florante.
Hindi niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at
tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Si
Florante ay laging inuutasan ng ama ni Laura. Pag aalis si Florante si Laura ay malulungkot at iiyak; itatahi
niya ang sirang plumahe nito at ayaw na ayaw niya masugatan si Florante sa pakikipaglaban. Ang lahat ng
iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang
magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay
umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay
nahimatay siya.

Kabanata 6: Pagdating ni Aladin sa Gubat


Buod:

Si Aladin ay nagkataong dumating sa kagubatan, siya ay isang gererong nagmula sa siyudad ng Persya
mula siya sa mga lahi ng Moro. Si Aladin ay naghahanap ng punong pwede mapagpahingahan. Umupo
siya sa puno at siya ay umiiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya
ang kanyang noo sa kanan. Si Aladin ay tumigil sa pagiyak at inalala ang nararamdaman para kay Flerida,
ang babaeng pinakamamahal ni niya. Ngunit si Flerida ay inagaw na ng kanyang sariling ama. Lahat
gagawin ni Aladin para bumalik lang sa kanya ang kanyang pinakamamahal na babae na si Flerida. Hindi
niya gagalangin ang umagaw sa kanyang minamahal at ihahalintulad pa niya ang kanyang sarili kay Marte,
ang diyos ng digmaan

Kabanata 7: Duke Briseo: Ang Amang Nagmamahal


Buod:

Si Aladin ay nakarinig ng isang taong umiiyak, sinundan niya ito at nahamangha siya sa nakita niya. Nakita
niya si Florante na umiiyak habang nakatali sa puno. Umiiyak si Florante dahil sa pagkamatay ng kanyang
ama. Pinatay ni Konde Adolfo ang ama ni Florante. Sabi ni Florante ang mga kaibigan pa daw ng kanyang
ama ang tumaksil sa kanya, naghati sila sa dalawang grupo, isa sa mga kakampi at yung isa sa mga
tumaksil. Napagalaman pa ni Florante na hindi nabigyan ng magandang libing ang kanyang ama. Para kay
Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan pa
rin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa
na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.

You might also like