You are on page 1of 5

Kabanata 3

ADOLFO

Unti-unting nilalamon ang puso ni Adolfo dahil sa inggit


na nagbubunga ng paghihiganti. Walang humpay na
nagbabalak ng iba't ibang paraan upang makaganti sa
kanyang kababayan. Wari'y sugat na matindi na ang nana
ay nagiging dahilan ng sapin-saping tapal na dito'y itinatakip
upang mapigilin ang pag-agas ng dugo. Tila kanser na
tanging pagtitiis lamang ang lunas upang mailabas ang bulok
na sama ng loob at lason na papatay sa kanya.

Ang lahat ay bunga ng mataas ng pangarap na tanghalin


siyang dakila sa buong Atenas na pinalitan ni Florante Ang
unang kasikatan niya sa paaralan ay napalitan ng ibang
liwanag. Nagsilbing alitaptap siya na hinigop ng kadiliman.
Ang tunay niyang kabaitan ay kinain ng panibugho na
pinalitan ng pangit na katotohanan ng kanyang masamang
pag-uugali.

Paghihiganti!

Tanging salitang maririnig sa kanyang mga labi.


Isinasaliw ni Adolfo ang lahat sa malalim niyang buntong
hininga. Samantalang nagngangalit ang kanyang mga
ngipin ay binubulong niya sa sarili ang paghihiganti. Ang
lahat ay nakakatulugan niya, napapanaginipan at masamang
balak na kakabit na ng kanyang masamang budhi.

Saan? Kailan? Paano magkakaroon ng katuparan ang


malupit at masamang paghihiganti niyang yaon na kimkim
ng kanyang damdamin.

Lintik lang ang walang ganti. Siya o ako ang dapat


maging bangkay na sasalubungin sa Albanya, paulit-ulit na
nasasabi ni Adolfo sa gabi ng kanyang pag-iisa

27

Ang ilang buwan ay tila araw na mabilis lumipas.

Isang kasayahang tangi ang ginanap sa paaralan. Iba't


ibang palaro ang idinaos at nasubok ang lakas at bilis ng
mga bata sa larangan ng arnis at buno. Mga katangian sa
pag-awit at pagtugtog ay sinukat at binigyang kasiyahan ang
mga manonood sa pag-arteng ginawa nila sa tanghalan sa
pamamagitan ng paglalantad ng isang dula na kuha sa buhay
ni Reyna Yokasta.

Ang paghahanda sa araw na yaon ay ibinigay ng todo ni


Antenor samantalang walang pangalawang kaligayahang
idinulot sa buhay ng mga bata ang pagdiriwang na ito. Baha
bahagi, hati-hati at yakap-yakap sa mga gawaing
nakapagpapaligaya sa kanila. Mga araw na naging
kaabalahan ng lahat. Talaga namang tuwang-tuwa ang guro
sa nakikitang pagsasanay na puspos ng mga magsisipag
ganap kung saan kabilang sina Florante, Adolfo at
Menandro.
Sumapit na ang araw na pinakaaasam-asam. Ang araw
na pagpapakita ng kasanayang kanilang ginawa nang
nakalipas na araw - ang araw ng pagdiriwang.

Samantalang sabik sa paghihintay ang mga mag-aaral


ay nakadarama naman si Adolfo ng matinding pag-aalala.
Paghihiganti ang ibinubulong ng maitim niyang puso.
Maningning na pagkakataon ang nadarama ng kanyang mga
kamag-aral samantalang sa kanya nama'y nakalaan ang
isang maitim na balak ng kataksilan. Nakatanim sa kanyang
isipan ang kawalan ng karangalan at kapurihan na
nagpasikat naman kay Florante na tinapatan ng malaking
pakinabang. Sa kalooban ni Adolfo'y pag-utang sa buhay
ng kanyang kababayan na tanging paraan upang mapalagay
ang kanyang kalooban.

Di siya makatulog hanggang maghating-gabi. Bitawan


at kunin ang matalim na punyal na nakapagbibigay sa kanya
ng kasiyahan. Ang pag-asa niya'y nasa kislap ng patalim
na nagbabadya ng kamatayan. Tumitindi ang pagnanasa sa
paghihiganti. Aalisin niya ang kasuotan ng kabutihan na
taglay niya sa maraming panahon. Bigo siya ngayon sa
layunin kaya ipakikita na niya ang tunay niyang pagkatao.

28

home

Kinaumagahan ay agad siyang bumangon kahit na hapo


ang mga matang napuyat sa di mapalagay na kalooban.
Tiningnan niya ang bukang liwayway at dinama ang
kagandahan ng kalikasan. Ang mga punungkahoy sa paligid
ng siyudad ay naroon na wari'y mga sundalong naka
uniporme at mga ibong nangagliliparan sa kalawakan.

Kay ganda ng umaga!

Subalit walang kabuluhang lahat ang kagandahan ng


kapaligiran dahil sa kaluluwang punung-puno ng
masasamang balak. Masasamang kaisipan ang lumalamon
sa pagkatao ni Adolfo. Di nagkabisa ang magandang mukha
ng araw upang baguhin ang masama niyang balak. Di
mapaghiwalay ng malamig na dampi ng amihan ang
nakadikit sa kanyang mukha at mapaghiwalay ng baluktot
niyang layon.
Mapait na katotohanan ang ibinabadya ng umagang
yaon kahit sa kabila nito'y magdiriwang maghapon ang
kanilang paaralan. Iba't ibang mga palaro, tugtugan, awitan
at pagtatanghal ng dula.

Dumating sa paaralan si Adolfo. Sinapit niyang


nagpupulong ang lahat. Nagtatanghal na ng iba't ibang
palaro ang kanyang mga kamag-aral. Kay saya ng bawat
isa. Nasalamin ni Adolfo sa mukha ng lahat ang katuwaan
at naaninag niya ang kagalakang lubos sa kanilang mga puso.

Nakita din niya sina Florante at Menandro. Matinding


tingin ang ipinukol ni Adolfo kay Florante na di naman
pinansin ni Florante. Katuwaan ng lahat sa pagnonood ng
arnis at buno. Higit namang nagustuhan ang awitan at
sayawan.

Saka inilabas namin ang trahedya


ng dalawang apo ng tunay na ina,
at mga kapatid ng nag-iwing ama,
anak at esposo ng Reyna Yokasta.

Papel ni Etyokles ang naging tungkol ko


at si Polinise nama'y kay Adolfo

29

isang kaeskwela'y siyang nag-adrasto


at ang nag-Yokasta'y bunying si Menandro.

bat
pas
Sa
ka
ka

Ano'y nang mumulan ang unang batalya


ay aming papel ang magkakabaka,
nang dapat sabihing ako'y kumilala't
siya'y kapatid kong kay Edipong bunga.

ka

up
iw
ie
ni

Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay


ay hindi ang ditsong nasa orihinal,
kundi ang winika'y ikaw na umagaw,
ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay.

ka

na

Hinandulong ako, sabay nitong wika


ay patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako't nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.

la

ka

Ako'y napahiga sa inilag-ilag.


sinabayang bigla ng tagang malakas;
salamat sa iyo, O, Menandrong liyag:
kung di sa likdi mo, buhay ko'y nautas.

Nasalag ang dagok na kamatayan ko,


lumipad ang tangang kalis ni Adolfo,
siyang pagpapagitna ng aming maestro
at nawalang diwang kasama't katoto.

ka

Nagsimula na ang dula na isang trahedyang hinango sa


buhay ni Reyna Yokasta. Ginampanan ni Florante ang papel
ni Etyokles at Polinise naman si Adolfo. Reyna Yokasta
naman si Menandro at ang nag-Adrasto ay isang kaeskwela.

Umugong ang palakpakan ng umakyat ang mga tauhan


sa entablado. Inihayag ng buong paaralan ang pangalan ni
Florante at yumukod naman siya habang pinapalakpakan.

Mga palakpakang tila tinggang tumatagos sa puso ni


Adolfo na nagngangalit ang bagang.

Unang bahagi'y ang sagupaan nina Florante at Adolfo

30

batay sa trahedya. Nanlilisk ang mga mata ni Adolfo sa


paghugot ng kanyang sandata na talaga namang pamatay.
Sa halip na ang orihinal na linyang " Kilalanin mo akong
kapatid mo kay Edipong bunga," ang sinabi niya'y " Dapat
kang mamatay na umagaw sa aking kapurihan."
Unday ng tagang mariin ang kasabay ng mga katagang
kanyang binigkas. Nagulat si Florante na nagawang umilag
upang makaiwas sa pagsalakay ni Adolfo. Sa tindi ng pag
iwas ni Florante ay napatihaya siya na naging pagkakataon
ni Adolfo upang ubod-tinding undayan ng taga ang ibibigay
kay Florante na maliksi namang nasalag ni Menandro at
naging dahilan ng pagkahagis ng punyal ni Adolfo.

Nagpagitna ang guro at mga kasama niya. Takot ang


lahat dahil hindi sukat akalaing gawin ni Adolfo ang
kataksilang ito kung kaya poot ang madla.

Ano itong ginawa mo Adolfo? Tanong ni Antenor. Bakit


mo ginawang tangkaing patayin ang iyong kababayan?

Nasisiraan ka ba ng bait?
Gusto kong maghiganti dahil...

Duwag! sumbat ni Florante. Masama ang iyong puso at


wala kang kaluluwa!

Namumutla si Adolfo. Nanginginig ang buo niyang


katawan sa laki ng kahihiyan. Sumigaw ang kanyang mga
kasama.

Adolfo mamatay ka! Palayasin ang masamang taong


iyan. Ulupong!

Di na inabot ng kinabukasan sa Atenas si Adolfo dahil


nang araw na yaon ay pinauwi na at pinabalik na siya sa
Albanya.

Anal:
Di kailan man magtatagumpay ang sama sa kabutihan.

31
TALASALITAAN

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. sumbat
9.
batalya
2.
3.
kahihiyan
10. patalim

13.
nabulagta
14. ipinagsaysay

kataksilan
11. ditso
4.
maghiganti
12.
magkakabaka
5.
duwag
6.
sinalag
7.
trahedya
15. liyag
8. esposo

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang higit


na maunawaan ang nilalaman ng kabanata:

1. Sino si Adolfo?
2. Ano ang kaganapan sa paaralan?
3. Anu-anong mga paligsahan ang itatanghal sa

paaralan?
4. Sinu-sino ang nagsiganap sa dula?
5. Paano ba maging taksil? Taksil ka ba? Ipaliwanag.
6. Ano ang ginawa ni Adolfo kay Florante?
7. Tama ba ang ginawa ni Adolfo kay Florante?
8. Ano ba ang katangian ng mga taong taksil?
Ipaliwanag

9. Dapat bang gayahin si Adolfo? Ipaliwanag ang iyong


sagot.
10. Ipaliwanag ang aral.

32

You might also like