You are on page 1of 3

Buod ng mga Kabanata

ng Florante at Laura

Aralin 1: Kay Celia

Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia
lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom.
Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig
ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay
Celia, na ang sagisag ay M.A.R.

Aralin 2: Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot
na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang
kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi
niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya
na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Aralin 3: Sa Mapanglaw na Gubat

Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng
araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas,
basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg
ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa
gubat na makapagliligtas sa binata.

Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya.
Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat
ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama
ng nakagapos.

Aralin 4: Taksil na Bayan, Taksil na Kasintahan

Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang
masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa.
Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni
Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang
labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo
ang pagmamahal ni Laura.

Aralin 5: Matamis na Alaala


Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang
kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon,
kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng
luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura.

Aralin 6: Masaklap na Katotohanan


Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot
ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo
pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang
sa siya’y mapayukayok.

Aralin 7: Ang Isa pang Sawi


Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang
Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino
mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng
gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang
dahil sa pag-ibig.

Aralin 8: Ang Kamatayan ng Isang Ama


Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking
nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-
hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit
hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng
pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing
kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng
magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring
mamahalin si Laura.

Aralin 9: Huling Paalam ni Florante


Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng
lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang
Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong
ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang
pag-ibig ni Laura.

Aralin 10: Sa mga Kuko ng mga Leon


Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig.
Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong
sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero
ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.

Aralin 11: Ang Moro at Ang Kristiyano


Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa
kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na
tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang
binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya,
at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o
sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at
mapagmahal na ama si Duke Briseo.

May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang
madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang
biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon
na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga
ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

Aralin 12: Ang Laki sa Layaw


Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat
sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa
at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito
ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si
Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng
panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.

Aralin 13: Kataksilan sa Atenas


Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong
Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni
Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro.
Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.

Aralin 14: Mag- ingat ka Florante


Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng
liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si
Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng
guro at mga kamag-aral.

You might also like