You are on page 1of 10

300 - Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante

ang mga pwersa na nakapaligid sa siyudad.

301 - Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng
kamatayan ay napagod sa pagkuha ng mga nangamatay.

302 - Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni Florante


ang pitong hanay ng mga tropa ng mga Moro.

303 - Sa kaliwa at kanan ni Heneral Osmalik namatay ang mga katropa ni


Florante. Hinamon ni Heneral Osmalik si Florante.

304 - Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.

305 - Natakot ang mga Moro sa bangis ng tabak ni Menander. Nakuha muli
nina Florante ang kampo. Nanalo sila!

306 - Natakot yung mga kalaban ni Florante dahil sumagupa ang mga pwersa
ni Minandro. Nabawi nila ang kampo. Buo ang kanilang pagkapanalo.

307 - Nawala ang takot mula sa mga dating natatakot sa kamatayan.


Binuksan ng siyudad ang mga pinto nito.

308 - Nagkandarapa ang mga taumbayan kay Florante. Nilapitan nila si


Florante para halikan ang kanyang mga damit.

309 - Sumigaw ang mga tao ng Mabuhay! at Salaat sa nagtanggol sa amin!

310 - Lalung natuwa ang mga tao ng Krotona nang malaman nila na ang
pagtanggol nila na si Florante ay apo pala ng kanilang hari. Umiyak nang
umiyak sa tuwa ang hari.

311 - Umakyat sila sa palasyo. Nagpahinga ang mga sundalo, pero tila hindi
natulog ang bayan ng tatlong araw.

312 - Ngunit sa kabila ng kasiyahan, naramdaman muli ni Florante ang sakit


ng pangungulila sa yumao niyang ina.
313 - Dito niya nalaman na kailanma'y hindi mabubuo ang kaligayahan.
Laging kasunod ng kaunting ligaya ang higit na kalungkutan. Makapitong =
Times 7.

314 - Limang buwan nanatili si Florante sa Krotona. Gusto na niyang bumalik


sa Albanya. Gusto na niyang makita si Laura.

315 - Nagmartsa sila papuntang Albanya. Gusto ni Florante sanag lumipad na


parang ibon. Nung makita niya ang mga moog (forts) ng siyudad, bumilis ang
kabog sa kanyang dibdib.

316 - Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante, bandila ng


Persiya ang nakita niya (Medialuna = Crescent moon). Sinakop ni Aladin yung
siyudad.

317 - PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng isang bundok.
May nakita silang mga Moro na nagma-martsa.

318 - May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay. Siguro papunta
sila sa lugar kung saan pupugatan ng ulo ang babae.

319 - Sa galit, biglang nilusob ni Florante ang Morong malapit sa babae.


Tumakbo ang Moro.

320 - Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura pala!

321 - Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na emir ng
mga Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si Laura ng parusang
kamatayan.

322 - Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni Laura.
Iningatan ni Florante na huwag niya mahawakan ang balat ni Laura.

323 - Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na naghilom sa
naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si Laura na nagsabing -
Florante, mahal ko..
(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal niya
ito, walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang. Pero nung panahon
na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na yun, hindi
naman inisip ni Florante na na friend zone siya.)

324 - Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si Haring
Linceo (ama ni Laura) at si Duke Briseo (ama ni Florante). Inutos ni Florante
na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga Persiyano.

325 - Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa


bilangguan at pinalaya niya ang hari, at ang duke (na ama ni Florante). At
dahil maginoo (gentleman) si Florante, pinalaya din niya si Adolfo.

326 - Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si Adolfo sa dami
ng puri na natanggap ni Florante.

327 - Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol ng


siyudad, at nagdiwang (nag celebrate) pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-
tuwa ito kay Florante.

328 - Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni Adolfo na


makuha ang korona ng kaharian ng Albanya. Nahalata ni Adolfo na mahal
pala ni Laura si Florante. (Syempre, nainggit na naman ito.)

329 - Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante. Alam ni


Florante na gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit ang pagpatay kay Florante.

330 - Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at pasasalamat para sa


kalayaan. May sumalakay naman na hukbo mula sa Turkiya (Turkey).

331 - Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala siya na
baka mapatay si Florante sa bagong giyera na ito.

332 - Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa mga Moro.
Tumibay ang loob ng taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si
Adolfo.
333 - Hinayaan ng Langit na manalo si Florante laban kay Miramolin, isang
Morong matagal nang kinatatakutan ng Albanya.

334 - May dumating na marami pang ibang digmaan, at nanalo palagi si


Florante. 17 na hari ang gumalang sa kanya.

335 - Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa isang digmaan sa


Etolia (Aetolia is a mountainous region of Greece), nakatanggap siya ng liham
mula kay Haring Linceo. May kautusang bumalik na siya sa Albanya.

336 - Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala ng kanilang hukbo sa


Etolia. Dali-daling umalis si Florante mula sa Etolia, biglang pagsunod sa utos
ng Hari ng Albanya.

337 - Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala siyang inisip na


masama. Payapa ang kalooban niya.

Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng 30,000
na mga sundalo!

338 - Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang kalis at
manlaban. Agad siyang ginapusan (tinali) at inilagay sa isang bilangguan.

339 - Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya na si Konde Adolfo


ang pumatay kay Haring Linceo at kay Duke Briseo (ama ni Florante).

340 - Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng kayamanan. At lalo din
niyang gustong mamatay na si Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni
Konde Adolfo, kaya nagawa niyang magsukab (o magtaksil).

Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya!

341 - (Kausap ni Florante ang Albanya) - Lalu pang naging kaawa-awa ang
Albanya sa ilalim ng isang lider na hangal at masama. Ang haring mahilig sa
yaman ay parang parusa ng Langit sa bayan.
342 - Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil nalinlang o naloko
siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na nangako na si Laura na
magpakasal dun sa balawis o taksil o mapagkunwaring Konde Adolfo.

343 - Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng loob sa
kanyang buong katauhan. Gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang
bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya. Gusto niyang bumalik sa araw
bago siya ipinanganak.

344 - 18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at hindi pa siya


namatay. Gabi nung kinuha siya sa kulungan, dinala sa gubat, at ipinugal o
itinali duon sa puno. (Tandaan: Kinukuwentuhan ni Florante ni Aladin.)

345 - Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang mundo
mula nung itinali si Florante sa puno. Akala ni Florante nasa ibang mundo na
siya, ngunit nang idilat niya ang kanyang mga mata, ayun siya sa kandungan
ni Aladin.

346 - Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o parang
nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng sakit. At hanggang sa puntong iyon,
hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas ang lahat. Dito
nagtapos ang mahabang kwento ni Florante, at si Aladin naman ang
naghandang magsimula na tungkol sa sarili niya.

347 - Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-
Adib.

348 - Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol kay Flerida at ang


kanyang ama. Ngunit naunahan na siya ng mga luha.

349 - NIyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni Florante sa gubat ang


katapusan ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay.

350 - Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya ikinuwento ang


sarili niyang buhay. Limang buwan silang pumirme duon sa gubat.

351 - Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang
buhay.
352 - Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan siya ng
lubos kay Flerida.

353 - Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng mga


mangangaso (hunters). Inihambing din siya sa mga houri, o mga
magagandang mga birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso
(heavenly virgins).

354 - Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay


nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga lang, pumasok na sa
eksena ang ama ni Aladin.

355 - Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging


tagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na parang
bilanggo.

356 - Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na walang
pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng
Albania, kailangang pugutan si Aladin.

357 - Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na
heneral sa kulungan ni Aladin. May dala siyang balita na higit pang masaklap
kaysa sa kamatayan.

358 - Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan siyang


umalis sa Persiya bago sumikat ang araw.

359 - Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay
nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao.

360 - Anim na taon nang palabuy-laboy si Aladin. Bigla siyang napahinto sa


pagkwento, dahil may narinig siyang mga boses sa gubat.

361 - Narinig ni Florante at ni Aladin ang tinig ng babaeng nagkukwento...


"Nung nalaman ko na pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan,
dumapa ako sa paanan ng masamang hari (sultan)."
362 - Lumuha, dumaing, at humingi ng tawad si Flerida para sa minamahal
niyang anak ng sultan. Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida
ang pagmamahal ng sultan, hindi patatawarin ng sultan ang anak niyang si
Aladin.

363 - Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang mamatay ang
mahal niya? Pumayag si Flerida sa kagustuhan ng sultan, para mabuhay ang
mahal niya si Aladin na kahambal-hambal o kaawa-awa.

364 - Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at bumigay
para lamang mailigtas ang buhay ng kanyang minamahal.

365 - Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga lang,
ang utos ay dapat umalis si Aladin mula sa Persiya.

366 - Pumanaw/umalis si Aladin sa Persiya na hindi man lang sila ni Flerida


nakapagpaalam sa isa't isa. Matindi ang pagdurusa ni Flerida. Di niya kayang
ilabas ang higit na maraming luha pa na katumbas ng paghihirap na dinadala
niya. Naubos na ang kanyang mga luha, ngunit ang sakit pa rin ng kanyang
damdamin.

367 - Naghanda ang kaharian ng Persiya para sa kasal ni Flerida at ng sultan.


Naisip ni Flerida na magsuot ng damit ng sundalo at tumakas mula sa
palasyo.

368 - Isang madilim na gabi, tumakas si Flerida. Dumaan siya sa bintana.


Mag-isa siya. Ang kasama lang niya ay ang kanyang malalim na hangad na
makita ang mahal niya, kahit nasaan man ito.

369 - Ilang taon na siyang gumala-gala dun sa bundok at gubat, hanggang


naabutan niyang si Laura na pinupwersahan ni Konde Adolfo.

370 - Sa gitna ng pagkukwento ni Flerida, biglang dumating sina Duke


Florante at Prinsipe Aladin. Masayang-masaya yung mga kalalakihan, dahil
nakilala nila ang boses na narinig nila.

371 - Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng katawan
nila, parang nawala ang sakit na yun!
372 - Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas Langit ang
kanyang kasiyahan.

373 - Masayang-masaya na yung apat na magkasintahan (Florante at Laura,


Aladin at Flerida). Minsan, humihinto ang tibok ng puso nila, kasi nakalimutan
nilang huminga. Nag-palpitate, kumbaga.

374 - Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa kwento ni Laura.

375 - Sinabi ni Laura kay Florante na nung umalis si Florante mula sa


Albanya, hindi nagtagal ay kumalat ang mga sabi-sabi na may kaguluhan sa
kaharian. Umabot ang mga balita sa palasyo.

376 - Ngunit hindi malaman kung ano ang umpisa at dulo ng mga bulung-
bulungan.

377 - Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang
palasyo. Kudeta!

378 - Nasisisigaw ang mga tao: "Mamamtay na si Haring Linceo, na


ginugutom ang bayan! Mino-monopolya ni Haring Linceo ang pagkain at trigo
(wheat)!"

379 - Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang
niya sa taumbayan na utos daw ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad
sa kanya ang nagugutom na bayan.

380 - Agad-agad pinatalsik si Haring Linceo sa trono, at pinugutan. Nasaan


na ang mga mabubuti at makatarungan, tanong ni Laura.

381 - Nung araw na yun, pati yung mga konseho (counsel) na tapat kay
Haring Linceo ay pinugutan din. Ang taksil na tabak ng grupo ni Adolfo ay
hindi huminto sa kapapatay hangga't wala nang natirang mabait na tao.

382 - Umakyat sa trono si Kondeng Adolfo. Binalaan niya si Laura na kung


hindi ibibigay ni Laura sa kanya ang mga gusto niya, ipapapatay rin niya si
Laura.
383 - Nagbalatkayo si Laura. Nagkunwaring pumayag na gagawin niya ang
lahat ng gusto ni Konde Adolfo, para magkaroon si Laura ng panahon na
planuhin ang kanyang paghihiganti kay Adolfo, at para masulatan ni Laura si
Florante sa Etolia. Pinilit ni Laura na itago ang kanyang pagkamuhi kay
Adolfo.

384 - Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin ang
pagsinta ni Adolfo. Pero nag desisyon si Laura na magpapakamatay na lang
siya kung hindi dumating si Florante.

385 - Pinadala ni Laura ang liham sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang


lingkod. Wala pang isang buwan, dumating si Florante at nahulog ito sa mga
kamay ni Adolfo.

386 - Dahil takot si Adolfo na babalik si Florante na may kasamang malaking


hukbo, nagpadala ito ng liham kay Florante na may selya ng hari (royal seal).
Dun sa liham, pinababalik niya si Florante nang mag-isa.

387 - Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang
puso niya na siya ay mamamatay. Mabuti na lang at dumating si Menander na
may kasamang malaking hukbo para makubkob (mapaligirin / surround) ang
bayan ng Albanya.

388 - Nalaman ni Menander na nasa liham ni Laura ang tangkang


magpapakamatay, kaya nung dali-daling pumunta si Menander sa Albanya,
para siyang galit na galit na gutom na lobo (wolf) sa kanyang galit.

389 - Nang makita ni Konde Adolfo na wala siyang kalaban-laban sa pwersa


ni Menander, kinuha niya si Laura bilang hostage, tinali siya sa kabayo, at
tumakas mula sa Albanya sa dilim ng gabi.

390 - Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya
halayin si Laura. Bigla na lang may tunod (arrow) na lumipad at tinamaan si
Adolfo sa kanyang dibdib.

391 - Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya na nung dumating siya sa
gubat, may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan. Naawa si Flerida.
392 - Hinanap ni Flerida yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si
Laura, kaya pinalipad ni Flerida yung palaso (arrow).......

393 - Bago matapos ang kwento ni Flerida, dumating si Menander sa gubat.


Hinahanap ng kanyang hukbo si Adolfo. Laking tuwa niya nang makita niya si
Florante.

394 - Tuwang-tuwa ang ehersito (army) mula sa Etolia. Sumigaw sila ng


"Mabuhay si Floranteng Hari ng Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura!"

395 - Dinala nila silang apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina


Aladin at Flerida bilang Kristiyano, at sila's nagpakasal.

396 - Namatay si Sultan Ali-Adab, at bumalik si Aladin sa Persiya. Si Duke


Florante ay umakyat sa trono ng Albanya, sa piling ng mahal niyang si Laura.

397 - Sa pamamahala ng bagong hari ng Albanya, bumalik ang kapayapaan


sa kaharian. Natuwa ang lahat ng tao.

398 - Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit, bilang pasasalamat. Ang
bagong hari at reyna ay namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat.

399 - Nabuhay sina Florante at Laura nang mabuti at matiwasay, hanggang


naabot nila ang higit na kapayapaan para sa bayan. Dito rin sinabi ni Balagtas
sa kanyang Musa na tumigil na at magtago dun sa kanyang ala-ala ni Selya,
at dalhin ni musa ang mabigat na kalooban ni Balagtas.

You might also like