You are on page 1of 8

299 - At kung hindi pumatak yung isang luha ni Laura, namatay na sa

si Florante bago makaramdam ng matinding sakit, hanggang sa


umabot sila sa bakbakan sa Krotona.

300 - Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni


Florante ang mga pwersa na nakapaligid sa siyudad.

301 - Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng
kamatayan ay napagod sa pagkuha ng mga nangamatay.

302 - Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni


Florante ang pitong hanay ng mga tropa ng mga Moro.

303 - Sa kaliwa at kanan ni Heneral Osmalik namatay ang mga


katropa ni Florante. Hinamon ni Heneral Osmalik si Florante.

304 - Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni


Florante.

305 - Natakot ang mga Moro sa bangis ng tabak ni Menander.


Nakuha muli nina Florante ang kampo. Nanalo sila!

306 - Natakot yung mga kalaban ni Florante dahil sumagupa ang


mga pwersa ni Minandro. Nabawi nila ang kampo. Buo ang kanilang
pagkapanalo.

307 - Nawala ang takot mula sa mga dating natatakot sa kamatayan.


Binuksan ng siyudad ang mga pinto nito.

308 - Nagkandarapa ang mga taumbayan kay Florante. Nilapitan nila


si Florante para halikan ang kanyang mga damit.

309 - Sumigaw ang mga tao ng Mabuhay! at Salaat sa nagtanggol sa


amin!

310 - Lalung natuwa ang mga tao ng Krotona nang malaman nila na
ang pagtanggol nila na si Florante ay apo pala ng kanilang hari.
Umiyak nang umiyak sa tuwa ang hari.

311 - Umakyat sila sa palasyo. Nagpahinga ang mga sundalo, pero


tila hindi natulog ang bayan ng tatlong araw.
312 - Ngunit sa kabila ng kasiyahan, naramdaman muli ni Florante
ang sakit ng pangungulila sa yumao niyang ina.

313 - Dito niya nalaman na kailanma'y hindi mabubuo ang


kaligayahan. Laging kasunod ng kaunting ligaya ang higit na
kalungkutan.

314 - Limang buwan nanatili si Florante sa Krotona. Gusto na niyang


bumalik sa Albanya. Gusto na niyang makita si Laura.

315 - Nagmartsa sila papuntang Albanya. Gusto ni Florante sanag


lumipad na parang ibon. Nung makita niya ang mga moog (forts) ng
siyudad, bumilis ang kabog sa kanyang dibdib.

316 - Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante, bandila


ng Persiya ang nakita niya (Medialuna = Crescent moon). Sinakop ni
Aladin yung siyudad.

317 - PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng isang


bundok. May nakita silang mga Moro na nagma-martsa.

318 - May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay. Siguro
papunta sila sa lugar kung saan pupugatan ng ulo ang babae.

319 - Sa galit, biglang nilusob ni Florante ang Morong malapit sa


babae. Tumakbo ang Moro.

320 - Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura pala!

321 - Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na


emir ng mga Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si Laura ng
parusang kamatayan.

322 - Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni


Laura. Iningatan ni Florante na huwag niya mahawakan ang balat ni
Laura.

323 - Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na


naghilom sa naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si Laura
na nagsabing - Florante, mahal ko..
(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na
mahal niya ito, walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang.
Pero nung panahon na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya
nung panahon na yun, hindi naman inisip ni Florante na na friend
zone siya.)

324 - Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si


Haring Linceo (ama ni Laura) at si Duke Briseo (ama ni Florante).
Inutos ni Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula
sa mga Persiyano.

325 - Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa


bilangguan at pinalaya niya ang hari, at ang duke (na ama ni
Florante). At dahil maginoo (gentleman) si Florante, pinalaya din niya
si Adolfo.

326 - Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si Adolfo
sa dami ng puri na natanggap ni Florante.

327 - Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol


ng siyudad, at nagdiwang (nag celebrate) pa ang hari sa palasyo
dahil tuwang-tuwa ito kay Florante.

328 - Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni


Adolfo na makuha ang korona ng kaharian ng Albanya. Nahalata ni
Adolfo na mahal pala ni Laura si Florante. (Syempre, nainggit na
naman ito.)
329 - Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante.
Alam ni Florante na gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit ang pagpatay
kay Florante.

330 - Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at pasasalamat para sa


kalayaan. May sumalakay naman na hukbo mula sa Turkiya (Turkey).

331 - Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala


siya na baka mapatay si Florante sa bagong giyera na ito.

332 - Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa


mga Moro. Tumibay ang loob ng taumbayan. Ngunit hindi natuwa
ang inggiterong si Adolfo.

333 - Hinayaan ng Langit na manalo si Florante laban kay Miramolin,


isang Morong matagal nang kinatatakutan ng Albanya.

334 - May dumating na marami pang ibang digmaan, at nanalo palagi


si Florante. 17 na hari ang gumalang sa kanya.

335 - Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa isang digmaan


sa Etolia (Aetolia is a mountainous region of Greece), nakatanggap
siya ng liham mula kay Haring Linceo. May kautusang bumalik na
siya sa Albanya.

336 - Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala ng kanilang


hukbo sa Etolia. Dali-daling umalis si Florante mula sa Etolia, biglang
pagsunod sa utos ng Hari ng Albanya.

337 - Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala siyang


inisip na masama. Payapa ang kalooban niya.

Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng
30,000 na mga sundalo!

338 - Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang


kalis at manlaban. Agad siyang ginapusan (tinali) at inilagay sa isang
bilangguan.

339 - Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya na si


Konde Adolfo ang pumatay kay Haring Linceo at kay Duke Briseo
(ama ni Florante).
340 - Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng kayamanan. At
lalo din niyang gustong mamatay na si Florante. Pumasok ang lahat
ng ito sa puso ni Konde Adolfo, kaya nagawa niyang magsukab (o
magtaksil).

Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya!

341 - (Kausap ni Florante ang Albanya) - Lalu pang naging kaawa-


awa ang Albanya sa ilalim ng isang lider na hangal at masama. Ang
haring mahilig sa yaman ay parang parusa ng Langit sa bayan.

342 - Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil nalinlang


o naloko siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na nangako na si
Laura na magpakasal dun sa balawis o taksil o mapagkunwaring
Konde Adolfo.

343 - Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng


loob sa kanyang buong katauhan. Gusto na niyang mamatay. Gusto
na niyang bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya. Gusto
niyang bumalik sa araw bago siya ipinanganak.

344 - 18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at hindi


pa siya namatay. Gabi nung kinuha siya sa kulungan, dinala sa
gubat, at ipinugal o itinali duon sa puno. (Tandaan: Kinukuwentuhan
ni Florante ni Aladin.)

345 - Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang
mundo mula nung itinali si Florante sa puno. Akala ni Florante nasa
ibang mundo na siya, ngunit nang idilat niya ang kanyang mga mata,
ayun siya sa kandungan ni Aladin.

346 - Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o


parang nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng sakit. At hanggang sa
puntong iyon, hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas
ang lahat. Dito nagtapos ang mahabang kwento ni Florante, at si
Aladin naman ang naghandang magsimula na tungkol sa sarili niya.

347 - Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni


Sultan Ali-Adib.

348 - Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol kay Flerida at


ang kanyang ama. Ngunit naunahan na siya ng mga luha.
349 - NIyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni Florante sa gubat
ang katapusan ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay.

350 - Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya


ikinuwento ang sarili niyang buhay. Limang buwan silang pumirme
duon sa gubat.

351 - Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng


kanyang buhay.

352 - Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan


siya ng lubos kay Flerida.

353 - Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng


mga mangangaso (hunters). Inihambing din siya sa mga houri, o mga
magagandang mga birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso
(heavenly virgins).

354 - Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay


nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga lang,
pumasok na sa eksena ang ama ni Aladin.

355 - Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit


naging tagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na
parang bilanggo.

356 - Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na
walang pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang
kaharian ng Albania, kailangang pugutan si Aladin.

357 - Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may


dumating na heneral sa kulungan ni Aladin. May dala siyang balita na
higit pang masaklap kaysa sa kamatayan.

358 - Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan


siyang umalis sa Persiya bago sumikat ang araw.

359 - Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa


mabuhay nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang
ibang tao.
360 - Anim na taon nang palabuy-laboy si Aladin. Bigla siyang
napahinto sa pagkwento, dahil may narinig siyang mga boses sa
gubat.

361 - Narinig ni Florante at ni Aladin ang tinig ng babaeng


nagkukwento... "Nung nalaman ko na pupugutan ng ulo ang mahal
kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang hari
(sultan)."

362 - Lumuha, dumaing, at humingi ng tawad si Flerida para sa


minamahal niyang anak ng sultan. Sinabi ng sultan na kung hindi
tatanggapin ni Flerida ang pagmamahal ng sultan, hindi patatawarin
ng sultan ang anak niyang si Aladin.

363 - Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang


mamatay ang mahal niya? Pumayag si Flerida sa kagustuhan ng
sultan, para mabuhay ang mahal niya si Aladin na kahambal-hambal
o kaawa-awa.

364 - Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at


bumigay para lamang mailigtas ang buhay ng kanyang minamahal.

365 - Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga
lang, ang utos ay dapat umalis si Aladin mula sa Persiya.

366 - Pumanaw/umalis si Aladin sa Persiya na hindi man lang sila ni


Flerida nakapagpaalam sa isa't isa. Matindi ang pagdurusa ni Flerida.
Di niya kayang ilabas ang higit na maraming luha pa na katumbas ng
paghihirap na dinadala niya. Naubos na ang kanyang mga luha,
ngunit ang sakit pa rin ng kanyang damdamin.

367 - Naghanda ang kaharian ng Persiya para sa kasal ni Flerida at


ng sultan. Naisip ni Flerida na magsuot ng damit ng sundalo at
tumakas mula sa palasyo.
368 - Isang madilim na gabi, tumakas si Flerida. Dumaan siya sa
bintana. Mag-isa siya. Ang kasama lang niya ay ang kanyang
malalim na hangad na makita ang mahal niya, kahit nasaan man ito.

369 - Ilang taon na siyang gumala-gala dun sa bundok at gubat,


hanggang naabutan niyang si Laura na pinupwersahan ni Konde
Adolfo.

370 - Sa gitna ng pagkukwento ni Flerida, biglang dumating sina


Duke Florante at Prinsipe Aladin. Masayang-masaya yung mga
kalalakihan, dahil nakilala nila ang boses na narinig nila.

371 - Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng


katawan nila, parang nawala ang sakit na yun!

372 - Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas


Langit ang kanyang kasiyahan.

You might also like