You are on page 1of 5

Pangkat 1: 315 - Nagmartsa sila papuntang Albanya.

Gusto ni
Florante sanag lumipad na parang ibon. Nung makita niya ang
mga moog (forts) ng siyudad, bumilis ang kabog sa kanyang
dibdib.
316 - Imbes na bandera ng Kristiyano ang nakita ni Florante,
bandila ng Persiya ang nakita niya (Medialuna = Crescent moon).
Sinakop ni Aladin yung siyudad.
317 - PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng
isang bundok. May nakita silang mga Moro na nagma-martsa.
318 - May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay.
Siguro papunta sila sa lugar kung saan pupugatan ng ulo ang
babae.
319 - Sa galit, biglang nilusob ni Florante ang Morong malapit sa
babae. Tumakbo ang Moro.
320 - Inalis ni Florante ang takip sa mukha ng babae. Si Laura
pala!
321 - Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos
na emir ng mga Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si
Laura ng parusang kamatayan.
322 - Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga
kamay ni Laura. Iningatan ni Florante na huwag niya mahawakan
ang balat ni Laura.
323 - Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na
naghilom sa naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si
Laura na nagsabing - Florante, mahal ko..

(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal


niya ito, walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang. Pero nung
panahon na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na
yun, hindi naman inisip ni Florante na na friend zone siya.)
PANGKAT 2: 324 - Nalaman ni Florante mula kay Laura
na binihag ng mga Moro si Haring Linceo (ama ni Laura)
at si Duke Briseo (ama ni Florante). Inutos ni Florante na
lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga
Persiyano.
325 - Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si
Florante sa bilangguan at pinalaya niya ang hari, at ang
duke (na ama ni Florante). At dahil maginoo (gentleman)
si Florante, pinalaya din niya si Adolfo.
326 - Masaya ang lahat, maliban kay Adolfo. Nainggit kasi
si Adolfo sa dami ng puri na natanggap ni Florante.
Pangkat 3: 327 - Nainsulto si Adolfo nung tinawag si
Florante na tagapagtanggol ng siyudad, at nagdiwang
(nag celebrate) pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-tuwa
ito kay Florante.
328 - Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-
gusto ni Adolfo na makuha ang korona ng kaharian ng
Albanya. Nahalata ni Adolfo na mahal pala ni Laura si
Florante. (Syempre, nainggit na naman ito.)
329 - Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay
Florante. Alam ni Florante na gagawin ni Adolfo ang lahat,
kahit ang pagpatay kay Florante.
330 - Hindi nagtagal, huminto ang pagdiwang at
pasasalamat para sa kalayaan. May sumalakay naman na
hukbo mula sa Turkiya (Turkey).
331 - Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura
dahil nag-alala siya na baka mapatay si Florante sa
bagong giyera na ito.
PANGKAT 3: 332 - Iniatas ng hari na si Florante ang
magiging heneral laban sa mga Moro. Tumibay ang loob
ng taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si
Adolfo.
Pangkat 4: 333 - Hinayaan ng Langit na manalo si
Florante laban kay Miramolin, isang Morong matagal nang
kinatatakutan ng Albanya.
334 - May dumating na marami pang ibang digmaan, at
nanalo palagi si Florante. 17 na hari ang gumalang sa
kanya.
335 - Isang araw, kagagaling lang ni Florante mula sa
isang digmaan sa Etolia (Aetolia is a mountainous region
of Greece), nakatanggap siya ng liham mula kay Haring
Linceo. May kautusang bumalik na siya sa Albanya.
336 - Inilipat ni Florante kay Minandro ang pamamahala
ng kanilang hukbo sa Etolia. Dali-daling umalis si Florante
mula sa Etolia, biglang pagsunod sa utos ng Hari ng
Albanya.
337 - Madilim nung pumasok si Florante sa Albanya. Wala
siyang inisip na masama. Payapa ang kalooban niya.
Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na
pinaligiran siya ng 30,000 na mga sundalo!
338 - Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang
kanyang kalis at manlaban. Agad siyang ginapusan (tinali)
at inilagay sa isang bilangguan.
339 - Nagulat at nalungkot si Florante nung malaman niya
na si Konde Adolfo ang pumatay kay Haring Linceo at kay
Duke Briseo (ama ni Florante).

PANGKAT 4: 340 - Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya


ng kayamanan. At lalo din niyang gustong mamatay na si
Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni Konde Adolfo,
kaya nagawa niyang magsukab (o magtaksil).
Napakarawal, napadawal, napakasama ng nangyari sa Albanya!
341 - (Kausap ni Florante ang Albanya) - Lalu pang naging
kaawa-awa ang Albanya sa ilalim ng isang lider na hangal at
masama. Ang haring mahilig sa yaman ay parang parusa ng
Langit sa bayan.
342 - Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil
nalinlang o naloko siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na
nangako na si Laura na magpakasal dun sa balawis o taksil o
mapagkunwaring Konde Adolfo.
343 - Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama
ng loob sa kanyang buong katauhan. Gusto na niyang mamatay.
Gusto na niyang bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya.
Gusto niyang bumalik sa araw bago siya ipinanganak.
344 - 18 na araw siyang nasa bilangguan. Nainip si Florante at
hindi pa siya namatay. Gabi nung kinuha siya sa kulungan, dinala
sa gubat, at ipinugal o itinali duon sa puno. (Tandaan:
Kinukuwentuhan ni Florante ni Aladin.)
345 - Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun)
ang mundo mula nung itinali si Florante sa puno. Akala ni
Florante nasa ibang mundo na siya, ngunit nang idilat niya ang
kanyang mga mata, ayun siya sa kandungan ni Aladin.
346 - Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-
silo (o parang nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng sakit. At
hanggang sa puntong iyon, hindi pa rin alam ni Florante kung
paano magwawakas ang lahat. Dito nagtapos ang mahabang
kwento ni Florante, at si Aladin naman ang naghandang
magsimula na tungkol sa sarili niya.

You might also like