You are on page 1of 3

HOLY TRINITY SCHOOL FOUNDATION

Upper Mansasa District, Tagbilaran City, Bohol


Tel. No.: ( 038 ) 500-3103

PANGALAN:______________________________ PETSA:________________ ISKOR:______________

FILIPINO 9
PAGSASANAY BILANG 4
UNANG MARKAHAN

Paksa:Ang mga Pang-ugnay at mga PahayAg na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling


Pananaw

Subukin Pa Natin

Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag


Na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

May tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:


A. Pang-angkop- Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-
angkop.
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao.
- Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n, tinanggal o kinakaltas ang
n at ikinakabit ang –ng.
Halimbawa: huwarang mamamayan
 Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting nilalang

B. Pang-ukol- Ito ay kataga/alitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

sa ng
kay/kina alinsunod sa/ kay
laban sa/kay ayon/kay
hinggil sa/kay ukol sa/ kay
para sa/kay tungkol sa/kay
C. Pangatning- Tawag sa mga salita/kataga na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay. Narito ang iba’t ibang uri ng pangatnig.
at ni O kaya maging
man saka pati dili kaya gayundin
kung alin sa halip kung sino siya rin kung saan
kung gayon datapwa’t subalit bagkus samantala
habang maliban bagaman kung sabagay
kundi kapag sakali sana pagkat
sapagkat kasi kung kaya palibhasa dahil sa
sanhi ng anupa samakatuwid sa madaling
salita
Ang natalakay na mga pag-ugnay ay mabisang gamit sa pagbibigay ng sariling pananaw. Sa
pagbibigay ng sariling pananaw ay maaring banggitin o mapahayag batay sa sariling
damdamin, paniniwala, ideya, kaisiipan o karanasan. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa
paraan ng paglalahad ng nagsasalita o nagsusulat.
Pagnilayan Natin. . .
Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maipahayag ang sariling
pananaw?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pagsasanay:
I. Panuto: Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at isulat
sa patlang kung anong uri ito ng pang-ugnay.
______________1. Tinalakay naming ang tungkol sa kanyang nagawang
kamalian.
______________2. Kahit mataas ang kanyang katungkulan ay mananatiling
mababa ang aming punong ministro.
______________3. Laban sa Diyos ang anumang uri ng kasalanan.
______________4. Ang sakim na tao ay walang kapayapaang madarama.
______________5 Palibhasa’y may takot sa Diyos kaya’t agad na humingi ng
tawad ang biatang nagkasala.

II. Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang upang makabuo ng pangungusap
gamit ang iba’t iabng uri ng pang-ugnay.

1. Pag-ugnayin ang mga salitang mabuti at mamamayan sa pagpapahayag ng mga bagay


na ginagawa ng taong nagtataglay ng gamitong katangian gamit ang dalawang pang-
angkop.
o na:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
o ng:_____________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Gamit ang pangatnig na maliban ay sabihin kung ano ang iba pang katangiang dapat
taglayin ng mabuting tao bilang karagdagan sa mga katangiang natalakay na.-
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ipahayag kun paano magkakatulungan at maiiwasan ang malaking agwat ng
pamumuhay ng mamamyan at mahirap sa lipunan.
o Sa halip:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
o Kundi:
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PANUTO: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at saka isulat sa linya kung
anong uri ito ng pang-ugnay.

___________________1. Ang sakim na tao ay walang kapayapaang madarama sa buhay.

___________________2. Kahit mataas ang kanyang katungkulan ay nanatilihing mabab an


gaming punong ministro.

___________________3. Laban sa Diyos ang anumang uri ng kasalanan.

___________________4. Palibhasa’y may takot sa Diyos kaya’t agad na humihingi ng tawad


ang binatang nagkasala.

___________________5. Tinalakay naming ang kasalanan tungkol sa kanya.


III. Panuto: Pagkatapos sumulat ng isang talatang binubuo ng limang panungusap na
nagpapahayag ng sariling pananaw tungkol COVID-19 gamit ang iba’t ibang uri ng
pang-ugnay.
Pamantayan:
Nilalaman- 5
Wastong gamit ng mga pang-ugnay- 5
Kaangkupan sa paksa- 3
Kalinisan ng gawa- 2
Kabuoan- 15

You might also like