You are on page 1of 9

IKAW

Yeng Constantino
Talasalitaan: Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa bawat linya ng awit.

a. grasya c. malaman
b. tibok d. saya e. lungkot

1. Simula nang matanto, na baling araw iibig ang puso.


2. Puso ay nalumbay nang kay tagal.
3. Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw.
4. Hindi ko mahinto, pintig ng puso
5. Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

1. Mula sa awitin na “Ikaw” ni Yeng Constantino, ano ang nais iparating ng linyang
ito, “ Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip ko, hindi ko mahinto pintig ng puso”.
a. Hindi niya mapigilan ang pagtibok ng kaniyang puso.
b. Labis ang kaniyang kaba.
c. Nakaramdam siya ng pagmamahal.
2. Sa linyang “Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay, ngunit ngayo’y nandito na
ikaw”. Ano ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan?
a. Saya b. lungkot c. pangamba
3. Ano ang mensahe ng linyang ito, “Ikaw ang pag-ibig na binigay, sa akin ng
Maykapal”
a. Ipinapahiwatig sa linyang ito na dumating ang isang tao na ipinagkaloob ng
Panginoon.
b. Dumating ang taong magmamahal sa iyo.
c. Dumating ang tamang panahon para umibig.
4. “ At hindi pa ‘ko umibig nang gan’to, at nasa isip, makasama ka habang-buhay”, sa linyang
ito ang ang ibig sabihin ng may salungguhit?
a. May makakasama at mapagkakatiwalaang isang tao sa hirap man o ginhawa.
b. Aasa sa isang tao na hindi pa masyadong kilala.
c. Maniwala na ang pag-ibig ay walang pinipili.
5. Sino ang tinutukoy na IKAW sa awitin?
a. Taong itinadhana ng Panginoon na magmamahal sa iyo ng tunay.
b. Taong bago mo pa lang nakilala.
c. Taong ipinagkait sa iyo ang pagmamahal.
MAPA
SB19,Ben&Ben

Talasalitaan
Panuto: Mula sa mga linyang kinuha sa kanta, pillin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Akin nang pangamba A. buhay
2. Di ko na sasay angin pa’ng mga natitirang paghinga B. kinakatakutan
3. Labis pa sa labis ang iyong nagawa C. hiwalay
4. At hanggang sa dulo,magkalayo man tayo D. sobrang sobra
5. Dala ko ang 'yong bawat payo E. pangaral

Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Mula sa linyang “Dahil ikaw ang aking paa”.Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Ang kanyang ama ang nagsisilbing gabay niya.
B. Mahalaga ang kaniyang ama.
C. Malaki ang naitutulong ng kanyang kapatid.

2. Ano ang mensahe sa linya ng kanta na “Ma, Pa, pahinga muna Ako na”?
A. Bilang isang anak kailangang maging makasarili.
B. Bilang isang anak kailangang suklian ang paghihirap ng mga magulang.
C. Maging isang mabait na anak.

3. Maliban sa kahulugang Mama at Papa. Bakit kaya MAPA ang ginamit na pamagat ng kanta?
A. Dahil ito ay nagsisilbing gabay upang marating ang ninanais.
B. Dahil ito ay nagtuturo ng mga lugar.
C. Dahit ito ay nagbibigay direksiyon.

4. “Labis pa sa labis ang 'yong nagawa” mula dito ano ang nais niyang iparating sa kaniyang ina?
A. pagpapasalamat B. pagmamahal C. pagkagalit

5. Sa kabuuang kanta.Sa tingin mo anong aral ang pumukaw sa mga tagpakinig?


A. Pabayaan ang mga magulang.
B. Pahalagahan ang mga magulang.
C. Huwag bigyan pansin ang kanilang ginagawa.
Pagbangon

Julie Anne San Jose

Talasalitaan
Panuto: Mula sa mga linyang kinuha sa kanta , pillin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Ilugmok man tayo ng bagong pagsubok A. Ihandusay
2. Abutin ang kamay na handang dumamay B. pagtrabaho
3. Isang bayan, tayo'y aahon C. tumulong
4. Ako ang aakay sayo D. makakalampas
5. At serbisyong totoo E. aalalay
Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang nais ipabatid ng mga linyang ito?


Isang bayan, tayo'y aahon
Walang maiiwan sa pagbangon
A. pagkakaisa B. pagkagulo C. pagkamakasarili

2. “Patungo sa bagong umaga” ano ang tinutukoy batay sa linyang ito?


A. Ang pagkalugmok ng ating bayan.
B. Ang pagbangon ng ating bayan.
C. Ang pagiging mahirap ng ating bayan.

3. “Isang lakas, Isang pag-asa” ano ang nais ipabatid nito sa mga tagapakinig?
A. Ang pagtutulungan nating lahat ang magsisilbing tulay o pag-asa sa pagbangon.
B. Kailangang isipin ang ating mga sarili bago ang ibang tao.
C. Pabayaan ang bayan at hayaan na ito sa mga politiko.

4. “Abutin ang kamay na handang dumamay” ano ang pumukaw sa iyo matapos mong marinig
ang linyang ito?
A. May mga taong handang ibuhis ang kanilang buhay upang makatulong sa kapwa.
B. May mga taong walang pakialam sa mga nangyayai.
C.May mga taong sakim.
5. “Ilugmok man tayo ng bagong pagsubok” ano ang tinutukoy na pagsubok sa linyang ito?
A. Lindol B. Pandemya C. Bagyo

Salamat

Yeng Constantino
Talasalitaan
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na linya ng kanta. Piliin sa mga titik ang kahulugan ng mga salitang
may salungguhit.
1. Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo.
A. Alamin B. sabihin C. malungkot
2. At kung maubos ang tinig, di magsisisi
A. Boses B. pera C. panahon
3. Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin
A. Baliwalain B. mahalin C. pakinggan
4. Kasama kitang lumuha
A. Umiyak B. tumawa C. humalakhak
5. Kung ito man ang huling awiting aawitin
A. sayaw B. kembot C. kanta
Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Batay sa mensahe ng kanta. Sa tingin mo gaano sa kanya kahalaga ang taong tinutukoy nito sa kanta?
A. Sobrang mahalaga ito sa kanya sapagkat ito ang kanyang karamay sa lahat ng oras.
B. Hindi ito mahalaga.
C. Hindi gaano ka halaga sapagkat ito ay kaibigan lamang.

2. Ano ang tinutukoy ng mga linyang ito?


Kasama kitang lumuha
Dahil sa'yo ako'y may pag-asa
A. Karamay B.kaaway C. kalaban

3. “Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo”. Ano ang nais nitong ipahiwatig?
A. Pagsawalang bahala sa taong nagbigay kulay sa kanyang buhay.
B. Galit sa taong nagbigay kulay sa kanyang buhay.
C. Pasasalamat sa taong nagbigay kulay sa kanyang mundo.

4. Ano ang nais ipabatid sa mga linyang ito?


Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
A. Nagsisisi siya sa taong inilalayan niya ng kanta.
B. Hindi niya ito pinahalagahan.
C. Maubos man ang kanyang tinig ay hindi siya magsisisi sapagkat malaki ang naitulong ng taong ito
sa kanyang buhay.

5. Paano niya ipinahayag ang kanyang pasasalamat ?


A. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanta na nagpapahayag ng kahalagahan ng isang tao.
B. Sa pamamagitan ng pagsayaw ng El Bimbo.
C. Sa pamamagitan ng pagkanta ng “Kanlungan”.

Malayo Ka Man

Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy, Kath

Talasalitaan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na linya ng kanta. Piliin sa mga titik ang kahulugan ng
mga salitang may salungguhit.

1. Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa


A. Kabilang bundok B. kabilang dagat C. kabilang lugar
2. Sapagkat magkakayakap pang muli, 'yan ang tiyak
A. mali B. masama C. totoo
3. Palagi kang inaalala sa'n man dalhin ng yapak
A. Pagtakbo B. paglalakad C. pagtalon
4. Ang distansiya natin ay napakalayo
A. Pagitan sa isa’t isa B.magkalapit C. magkalayo
5. Pa'no 'ko makakadayo?
A. Makakapunta B. makakalakad C. makakatayo

Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. “Hawak-kamay na kinapitan ang pangakong binuo” ano ang nais nitong ipabatid?
A. Hindi kinalimutan ang panagko sa isa’t isa.
B. Kinalimutan ang mga pangako.
C. Walang pakiaalam sa panako.

2. “'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang” ano ang ipinahihiwatig nitong linya?
A. Pagloloko B. pagiging tapat C. hindi tunay ang pagmamahal

3. “Mapaglaro si Bathala, susubukin ang tatag” ano ang mensahe nito sa mga tagapakinig?
A. May mga pagsubok talaga tayong tinatahak.
B. Maganda ang buhay.
C. Masaya ang buhay.

4. “Mag-iingat ka palagi, 'wag kang mag-alala” anong damdamin ang nangingibabaw batay sa
linya ng kantang ito?
A. Pagmamahal B. pagkagalit C. pagkalungkot

5. Ano ang mensahe sa kabuuang kanta na Malayo Ka Man?


A. Dahil malayo kayo sa isa’t isa maaari ka nang magloko.
B. kahit malayo kayo sa isa’t isa kailangang maging tapat parin sa minamahal.
C. Hayaan nalang ang minamahal.

Anak

Freddie Aguilar

Talasalitaan
Panuto: Basahin ang liriko ng awitin at piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
mga letrang nakakahon.

A. Umiiyak B. binalewala C.daan sa tagumpay D. gusto


E. Magawa ang gusto

1. Ang nais mo'y maging malaya


2. At ang payo nila'y sinuway mo
3. 'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
4. At ang landas mo'y naligaw
5. Ang iyong inang lumuluha
Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. “At ang kamay nila ang 'yong ilaw” ano ang kahulugan ng ilaw batay sa linya?
A. Gabay B. saya C. kasama

2. Mula sa mga linya ng kantang “Anak”. Ano ang gustog ipamulat nito sa mga tagapakinig?

Ikaw nga ay biglang nagbago


Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
A. Sundin ang mga magulang dahil sila ang nakakaalam ng tama para sa atin.
B. Magbolakbol at maging suwail na anak.
C. Pabayaan ang mga magulang.

3. Ano ang mensahe ng mga saknong ito?


Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan


Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"

A. Walang pakiaalam ang ating magulang kapag tayo ay nakagawa ng masama.


B. Kahit ano kasama ang ginawa ng isang anak may magulang pa din siyang malalapitan.
C. Kapag nakagawa ka ng masama ay hindi na ito mababago pa.
4. Ano ang kahulugan ng mga linyang ito?
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Nang 'di mo napapansin
A. Pagkabigo sa pag-ibig B. pagsisisi sa mga maling nagawa C. pagiging masaya

5. Batay sa kabuuan ng kanta. Ano ang ipinamulat nito sa mga kabataang Pilipino?

A. Mag-isip muna ng mabuti kung ang mga bagay na gagawin ba’y hindi makasasama o
makasisira ng iyong kinabukasan.
B. Huwag ng pag-isipan pa ang mga gagawin.
C. Sundin ang iyong layaw.

Lagi

Skusta Clee
Talasalitaan
Panuto: Basahin ang sumusunod na liriko at pillin ang kahulugan ng mga salitang nakapahilis.
Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A.

Ikaw agad ang bungad ng magandang umaga


Hindi kumpleto ang araw 'pag 'di kita kasama
Okay lang, nandito lang ako na laging nakaabang
Kahit na magdamag, oh

Hanay A HANAY B
1. Bungad A. simula
2. Magandang umaga B. nakabantay
3. di kita kasama C. buong gabi
4. Nakaabang D. nakahiwalay
5. magdamag E. maayos na umaga
Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Mula sa lirikong nakakahon sa ibabaw. Ano ang buong mensahe nito sa mga tagapakinig?
A. Handa siyang gawin ang lahat para sa babaeng nagbibigay kulay ng kanyang buhay.
B. Hindi niya gustop ang babaeng tinutukoy sa kanta.
C. Malaki ang naging kasalanan ng babae sa kanya.

2. Sa tingin mo bakit kaya nasambit niya ang mga linyang ito?


Alam mo ba mula nung dumating ka
Bumalik 'yung nawala kong sigla?

A. Dahil nais niyang ipaalam sa babaeng kanyang gusto na siya ang dahilan kung bakit bumalik
ang saya sa kanyang buhay.
B. Dahil ang babae ang nagtulak sa kanyang maging suwail.
C. Dahil malaki ang kanyang binago.

3. “Basta't ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi, oh, lagi” sa linyang ito ipinapaalam ng lalaki na______.
A. Sa ngiti ng babae siya ay nahuhumaling.
B. Siya ay nalulungkot kapag ngumiti ang kanyang minamahal.
C. Siya ay nasisiyahan sa pagsayaw ng babae.

4. Sa mga linyang ito. Ano ang gusto niyang ipabatid sa kanyang minamahal?
Ikaw ang naglagay ng tamis
Inalis ang pait sa masama kong timpla
A. Siya ang naging inspirasyong niya sa kanyang buhay.
B. Siya ang naging asukal.
C. Siya ang nagbigay liwanag sa buhay ng lalaki.
5. Batay sa kanta ano kaya ang pinagdaanan ng lalaki bago niya nakilala ang babaeng nagpatibok
ng kanyang puso?

A. Masalimuot na buhay B. Bigo sa pag-ibig C. masaya sa buhay

Kanlungan

Noel Cabangon
Talasalitaan
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na linya ng kanta. Piliin sa mga titik ang kahulugan ng
mga salitang may salungguhit.
A. Pag-alala D. mabuhangin katabi ng dagat
B. silungan E.paghangad na makamit ang kagustuhan
C. kawalang malay

1. Panahon ng kamusmusan
2. Magkahawak-kamay sa dalampasigan
3. Makita ang dating kanlungan
4. Kabiyak ng ating gunita
5. At tulad ko rin ang iyong pananabik

Mga Tanong
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. ”Maibabalik ba ang kahapon?” ano ang kahapon na tinutukoy sa kanta?
A. Mga alala B.kinabukasan C.pangarap

2. Ano ang nais ipahiwatig ng mga linyang ito?


Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
A. Hindi na maibabalik ang mga nagdaan.
B. Mga alaalang nagdaan.
C. Walang permanenti sa mundong ating ginagalawan.

3. Ano ang tinutukoy sa saknong ito?


Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga?
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
A. Masayang pagsasama
B. malungkot na pagsasama
C. mapait na buhay

4. Ano ang mensahe ng mga linyang ito?


Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
A. Ang oras ay hindi na maibabalik pa dahil ang panahon ay patuloy na nagbabago
kaya’t pahalagahan natin ito.
B. Ang buhay ay nananatili.
C. Bigyang halaga ang ating sarili.

5. Ano ang pumukaw sa isipan at damdamin ng mga tagapakinig?


A. Ang kanilang magandang buhay.
B. Ang kanilang masayang alaala ng kanilang pagkabata at ang malungkot na katotohanan na
hindi na ito maibabalik pa.
C. Ang masamang pangyayari ay pahalagahan.

You might also like