You are on page 1of 4

St.

Mary’s College of Baliuag


Baliuag, Bulacan
TP 2021-2022

ISO 9001:2015 Certified PAASCU Level III Accredited

Asignatura: Filipino 6 Baitang at Pangkat: Baitang 6 Markahan: Ikalawa

Blg. ng Modyul: 13 Paksa: Uri ng Pang-abay

I. PANIMULA

Simula elementarya, ating pinag-aaralan ang mga bahagi ng pananalita. Bukod sa


pandiwa at pang-uri, ang isa pang bahagi ng pananalita na kadalasan ay ginagamit sa
mga pangungusap ay ang pang-abay. Ang Pang-abay ay ang bahagi ng pananalita na
naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at maging sa kapwa nito pang-
abay. Sa Ingles, ito ay tinatawag na adverb.

Sa modyul na ito, malalaman natin ang kahalagahan ng Pang-abay at mga


halimbawa nito.

II. PAMANTAYANG PAGKATUTO


Ang modyul na ito ay nilikha upang iyong:
Napagsunod-sunod o naisasalaysay muli /kronolohikal ang mga pangyayari sa:
1. Nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-
usap sa ibat ibang sitwasyon (gamit, sanhi, direksiyon); (pangagam, panang-ayon,
pananggi); ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan, panahon, lugar ng
kilos at damdamin
2. Nasasabi ang paksa/mahahalagang pangyayari sa binasang/napakinggang
sanaysay, teksto

III.TALAKAYAN
A. Paglalahad ng Aralin

Kilalanin ang ating bagong kwento na pinamagatang “Ang Alamat ng Ahas” sa


pahina 200-202”.

Basahin at unawain ang maikling teksto: sa pahina 208.

Pang-abay- Halimbawa:

Nagbibigay-turing sa pandiwa

-Mabilis na nagpasiya ang mga ahas.


PA PD

Nagbibigay-turing sa pang-uri

-Totoong masaya ang Diwata kapag naririnig


PA PU
ang tinig ng mga ahas.Ito ay tawag sa salita mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Halimbawa:

Nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay

-Talagang mahusay magsaliksik ang mga ahas sa


PA PA
kaharian.

Pagkakaiba ng Pang-Uri at ng Pang-abay:

Ang pang-uri at ang pang-abay ay parehong naglalarawan o nagbibigay


turing. Magkaiba nga lang ang mga salitang inilalarawan o binibigyang-turing ng
mga ito.

• Pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.


Halimbawa: Galit na galit na nag-utos ang Diwata sa mga kawal.
PA PD
• Pang-uri ay nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Tuso at gahaman ang mga ahas.
PA PU PANG

(Maaari din itong makita at para kilalanin pa nang lubusan ang tungkol sa “Uri ng
Pang-abay” sa batayang aklat sa Filipino – Pinagyamang Pluma pahina 208-209)

B. Pagtatasa
Gawin natin ito!
Panuto: Bilugan ang salitang panlarawan sa pangungusap. Tukuyin kung ito’y pang-abay
o pang-uri. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Mahusay umawit ang mga ahas noon.


______2. Maligaya ang Diwata kapag kasama sila.
______3. Mabilis na pinuntahan ng mga hayop ang ahas nang malamang may
kapangyarihan silang magpagaling.
______4. Namangha sila sa bagong kapangyarihan ng mga ahas.
______5. Ang mahiwagang kuwarto ay binuksan ng mga ahas.
______6. Natukso ang mga ahas sa maliwanag na silid.
______7. Nakaliliapad kaagad ang mga ahas kaya’t hindi sila mahuli noon.
______8. Mahimbing silang nakatulog kaya hindi na sila nakatakas pa.
______9. Galit na isinumpa ng Diwata ang mga ahas.
______10. Nalungkot ang ahas sa kanilang nagging kaawa-awang kalagayan.

C. Pagsikapan Mo Pa!

1. Bilang isang Ignacian Marian, bakit kailangang maging mas tapat at masunurin
sa ipinagbilin o ipinagkatiwala sa iyo?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____

2. Bilang isang kabataan, ano ang gagawin mo kapag may ipinagbilin o


ipinagkatiwala s aiyo ang isang tao?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kapag hindi tayo naging tapat at
masunurin sa ating kapwa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____

4. Ayon sa Banal na Kasulatan sa Genesis 49:29 “At kaniyang ipinagbilin sa


kanila, at sinabi sa kanila: Ako'y malalakip sa aking bayan: ilibing ninyo ako sa
kasamahan ng aking mga magulang sa yungib na nasa parang ni Ephron na
Hetheo.” Paano mo ito iuugnay sa aral na iyong napulot sa kwentong ating
tinalakay? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____

IV. PAGLALAHAT/ PAGLALAGOM


Ating Tandaan!
Ang pang-abay ay tawag sa salita mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan
sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

V. PAGTATAYA
A. Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang pang-abay. Salungguhitan ang pang-
abay na ginamit.

1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________
5. _________________________________________

B. Panuto: Ipahayag ang sariling kaisipan tungkol sa mga tauhang nasa panaklong gamit
ang mga salitang nakadiin bilang pang-uri at pang- abay.

mahusay (diwata)

bilang pang-uri: ______________________________

bilang pang-abay: ____________________________

maingat (ahas)

bilang pang-uri: ______________________________

bilang pang-abay: ____________________________

magaling (ikaw)

bilang pang-uri: ______________________________

bilang pang-abay: ____________________________


VI. SANGGUNIAN/ BATAYAN
Baisa-Julian, A. G. (2019). Ikalawang edisyon: Pinayamang Pluma (Wika at Pagbasa
para sa Elementarya). Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
Dayag, A. M. (n.d.).

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Gng. Janus Laine Laurente Gng. Annabel Gonzales


Guro sa Filipino Tagapag- ugnay sa Filipino

Kinilala ni: Pinagtibay ni:

Gng. Jennifer Santos G. Perfecto Austria


Pang- akademikong Tagapag- ugnay Punong-guro ng IBEd

You might also like