You are on page 1of 6

St.

Mary’s Educational Institute


Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MODYUL SA FILIPINO 6

Modyul Blg. 3.2


Petsa: Enero 11 – 13, 2021
Paksa: Pang-angkop at Pangatnig

Pangkalahatang – ideya
Ang modyul na ito ay naglalaman ng tamang gamit ng pang-angkop at pangatnig sa
pangungusap. Ipinapaliwanag rin ng modyul na ito ang ibat-ibang uri ng panlapi na
maaring gamitin upang makabuo ng panibagong salita. Dagdag pa rito, makatutulong ang
modyul na ito upang mas higit na mapabuti ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng
pagsulat.

Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na maisasagawa ang
sumusunod:
 natutukoy ang pang-angkop at pangatnig sa sanaysay;
 nagagamit ng wasto ang pang-angkop at pangatnig; (34)
 nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat. (35)

Nilalaman

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin ng may pag-unawa ang lahat ng nakasulat sa


modyul.

ONLINE LEARNING 1

Punan ang mga patlang sa pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng mga


kataga o salita.

Para sa pamilya____ Pilipino, ang pagdiriwang ng Bago____Taon ay napakahalaga


____ ito ay panibagong pagkakataong makapagsimula muli. Maraming gawaing
pinagkakaabalahan ang pamilya bilang paghahanda sa pagsalubong nito. Sa iba, ang
petsang ito ay pagdiriwang din ng kanilang family reunion. Sa pagdiriwang _____ ito ay
napapamalas ang iba’t ibang tradisyong minana natin ____ mga bansang
nakaimpluwensya sa atin. _______ hindi parin maikakaila na ang Bagong Taon ng mga
Pilipino ay kakaibang.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

PANG-ANGKOP

Ang pang-angkop ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita.

DALAWANG URI NG PANG-ANGKOP

Pang-angkop na na – ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay


nagtatapos sa katinig, maliban sa titik n. ginagamit ang na nang hiwalay sa
salita.

Halimbawa:
Malinis na gubat
Magaling na pangulo
Masukal na daan

Pang-angkop na ng – ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay


nagtatapos sa patinig. Ginagamit din kung ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa n. kinakaltas ang titik n at idinaragdag ang pang-angkop na ng.

Halimbawa:
Taong malupit
Punong mataas
Ibong masaya

PANGATNIG

Ang pangatnig ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala,


sugnay, at pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa madalas gamiting
pangatnig:

subalit at
ngunit anupat
o datapwat
kaya sa
kung kapag
upang bagkus
dahil maging
samantala sakali

Halimbawa:

Magmahalan at magkaisa tayo sa tuwina


Gawin mo ang dapat upang magtagumpay ang iyong plano.
Huwag mong siraan ang iyong kapwa bagkus ay mahalin at igalang sila.
Mag-aral ng Mabuti dahil ito ang susi ng tagumpay.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

INDEPENDENT LEARNING 1

Gawain 1A
Ikahon lahat ng pangatnig na ginamit sa sumusunod na pangungusap.

1. Mahirap maging lider sapagkat ikaw ang unang dapat maglingkod.


2. Kung magagawa mo ito ay masasabing Mabuti kang lider.
3. Paglingkuran mo sila habang kaya mo.
4. Ito ang paraan para maging mabuting pinuno.
5. Ang mga naglilingkod sa pamahalaan ay dapat maglingkod ng tapat upang
maging mabisa ang kanilang pamamahala.

Gawain 1B
Bilugan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng mga pang-angkop.

1. Ang mgagandang tanawin sa bansa ay ipinagmamalaki natin.


2. Nakita mo ba ang Bulkang Mayon sa Bikol?
3. Dininig ng Diyos ang taimtim na panalangin ng maysakit.
4. Tanyag ito dahil saperpektong hugis niya.
5. Kilala rin ang malamig na klima sa baguio.

Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong matalik na kaibigan.
Guhitan ang mga pangatnig at bilugan ang mga pang-abay sa sanaysay na iyong
gagawin.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

ONLINE LEARNING 2

PANLAPI

Ang panlapi ay salita na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang


salita.

URI NG PANLAPI

1. Unlapi
ang unlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang ugat.
Halimbawa:
Mahusay Makatao
Palabiro Malaki
Tag-ulan

2. Gitlapi
ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang ugat. Ang karaniwang gitlapi
sa Filipino ay –in- at – um-.
Halimbawa:
Lumakad Sumamba
Pumunta sinagot
Binasa Tinalon

3. Hulapi
Ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang- ugat. Ang karniwang
hulapi ay –an, -han, -in, at –hin.
Halimbawa:
Talaan Aralin
Laruan Punahin
Sulatan habulin

4. Laguhan
Ang laguhan ay ang paraan ng paglalapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa:
Pagsumikapan
Ipagsumigawan

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

SALITANG-UGAT

Ang salitang ugat ay salitang buo ang kilos.


Halimbawa:

Upang higit na maunawaan ang panlapi at salitang-ugat ay panoorin ang bidyo


sa pamamagitan ng link na nasa ibaba.

Reference: Ann A. (2020, September 27). PANLAPI AT SALITANG-UGA.


Retrieve from https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=W-fmr2wPB1A

INDEPENDENT LEARNING 2

Para sa iyong gawain, sagutan ang gawain bilang 1 at 2 na matatagpuan sa


pagtataya at pagsusuri.

Pagtataya at Pagsusuri

GAWAIN BLG. 1
PANUTO: Sa bawat salitang maylapi, isulat ang salitang-ugat, ang panlapi nito, at ang uri ng
panlapi.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

SALITANG MAYLAPI SALITANG-UGAT PANLAPI URI NG PANLAPI

1. handaan

2. tumanggap

3. magtapon

4. mahiwaga

5. lumangoy

GAWAIN BLG. 2
PANUTO: Bumuo ng panibagong salita batay sa ibinigay na panlapi.

1. linis (mag)
2. tulong (um)
3. likha (maka)
4. tibay (pinag)
5. mithi (in)
6. Damay (mag, an)
7. Alam (maki)
8. Tagumapay (an, pag)
9. Kamit (ma)
10. Dasal (mag)

Sanggunian

 Gulinao, A. B. (2019). Yaman ng Diwa 6 Wika at Pagbasa. Bulacan: KLEAFS


Publishing.
 Reference: Ann A. (2020, September 27). PANLAPI AT SALITANG-UGA. Retrieve
from https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=W-fmr2wPB1A

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Gng. MAAN R. GALLOS Gng. DAISY JANE M. BRIONES


Guro sa Filipino Koordineytor sa Filipino/English

Binigyang-puna ni: Sinang-ayunan ni:

Gng. DIVINA G. AGONCILLO RANDY M. BAJA, FRIEdr


Katulong na Punungguro Punungguro

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited

You might also like