You are on page 1of 7

Pangalan: ________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: ____________________________ Petsa ng Pagpasa: ___________

2018
A. Tono at Damdamin.
Ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita o teksto ay maaaring ipakita
gamit ang tono at damdamin. Ang tono ay tumutukoy sa saloobin ng may-akda na
ukol sa salita o paksang kaniyang isinulat. Ang tono ay maaaring masaya,
malungkot, mapagbiro, mapanudyo, o seryoso. Samantala, ang damdamin ay
tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa salita o teksto. Ito ay maaaring
tuwa, lungkot, galit, pagkainis, takot, paghanga, pag-ibig, pagkagulat, pagtataka,
pag-asa,kawalang pag-asa, katapangan, pangamba at iba pang emosyon o
damdamin.

Mga halimbawa:
Pamilyar: pag-ibig ayon sa isang awit:
➢ hindi basta-bastang napapalitan
➢ tunay
➢ walang pagdududa
➢ habang-buhay

Tono : masaya
Damdamin : tuwa, pag-ibig

Di-pamilyar: Mula sa awiting Maskara ng bandang Eraserheads “Kung


may problema ka magsuot ng maskara takpan mo ang iyong mata buong
mundo'y mag-iiba” Ang salitang maskara ayon sa awitin ay hindi literal na
maskara na sinusuot sa mukha. Nangangahulugan itong "pagtago ng
damdamin o ekspresyon ng mukha."

Tono: masaya
Damdamin: pag-asa o lakas ng loob

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7


1
B. Paglalarawan.
Napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang gamit ng
mga salitang naglalarawan. Nakapaglalarawan tayo ng tiyak at angkop kapag alam
natin ang gamit ng mga salita. Nakatutulong nang malaki sa pagbibigay ng hugis,
kulay, anyo sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran ang wastong paggamit
sa salitang naglalarawan. Maaari ring tiyak na makapaglarawan sa katangian at
ugali ng isang tao o hayop ang paggamit ng angkop na salitang naglalarawan.
Samakatuwid, nakatutulong nang malaki ang mga salitang naglalarawan upang
bigyang katangian ang isang bagay o ugali maging sa damdamin at mga pangyayari
sa ating kapaligiran.

Mga halimbawa:
1. Nakatatakot magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na
may malambot na lupa.
2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na
walong taong gulang.

C. Diin.
Ang diin ay lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang
tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.
May apat na uri ang bigkas o diin sa Filipino.

1. Malumanay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa


ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang
tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumanay sa patinig
o katinig.
Mga halimbawa:
buhay >>BUhay
malumay >> malUmay
kubo >> kUbo

2. Malumi. Ang bigkas sa malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang


malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig
buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay
ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa
tunog na patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa
pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
Mga halimbawa:
baro >> BArò
Lahi >> Lahì
Pagsapi >> pagSApì

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7


2
3. Mabilis. Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang
diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang
mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng
tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Mga halimbawa:
Dilaw >> diLÁW
pito >> piTÓ
kahon >> kaHÓN

4. Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuloy-tuloy na


tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o
pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palaging nagtatapos sa
tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa
ibabaw ng huling patinig ng salita.
Mga halimbawa:
daga >> dagâ
wasto >> wastô
hindi >> hindî

D. Tambalan.
Ito ay salita na binubuo ng dalawang payak na salita na bumubuo ng
panibagong salita.

Mga halimbawa:
bahay-ampunan, pamatid-uhaw, silid-tanggapan

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar


na mga salita sa pamamagitan ng tono o damdamin, paglalarawan,
kayarian ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin
at tambalang salita. (F5PT-Ic-1.15, F5PT-Ij-1.14, F5PT-IId-9,
F5PT-IIe-4.3)

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7


3
Gawain 1:

Panuto: Ibigay ang tono at damdamin ng bawat salita o parirala gamit ang graphic
organizer sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.

Pamilyar: Pag-ibig ayon sa awit, pag-ibig hindi basta basta napapalitang


tunay walang pagdududa habambuhay.

Di-Pamilyar: Kung may problema ka, magsuot ng maskara


Takpan mo ang iyong mata, buong mundo’y mag-iiba.

Gawain 2:

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bawat bilang.


Bigkasin o basahin muna ito nang mabuti at unawain. Piliin ang mga sagot sa
kahon. Isulat lamang ang letra nan sa iyong kuwaderno.

1. Bakâ abutin tayo ng ulan kapag hindi tayo magmadali.


2. Iingatan natin madaanan ang kawan ng báka para hindi ito maistorbo.
3. Mabuti sa kalusugan ang palagiang pag-inom ng búko juice.
4. Malalayo na ang agwat ng mga bukó ng kawayan. Tiyak na puwede na itong
putulin.
5. Kay dalî naman pala ang ipinaluluto ni Mama. Akala ko mahirap.
6. Ang unipormeng palda naming ay dapat na isang dalì ang haba mula sa
tuhod.
SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7
4
a. Salitang nagpapakilala ng agam-agam, sakali, marahil
b. Bunga gaya ng niyog na hindi pa tumitigas
c. Sukat ng haba mula dulo hanggang unang buko ng hinlalaki ng kamay
d. Hayop na apat ang paa, may sungay at ginagatasan ang inahin
e. Tila kasukasuang bahagi ng puno ng tubo, kawayan
f. Gaan ng paggawa

Gawain 3:
A. Panuto: Ibigay ang tono at damdamin ng bawat salita o parirala mula
sa awiting “Magtanim ay Di Biro”

Magtanim ay di biro maghapong nakayuko di man lang makatayo,


di man lang makaupo. Sa umaga pagkagising lahat ay iisipin. Kung saan
may patanim may masarap na pagkain.

Tono: _______________________________________________________
Damdamin: __________________________________________________

B. Panuto: Piliin ang salitang angkop gamitin sa bawat pangungusap.


1. Inaabangan ko ang paglabas ng mga _________ sa langit tuwing gabi.
a. talà b. talâ

2. Katatapos lang niyang maligo kaya ang buhok niya ay ________.


a. bása b. basâ

C. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat


bilang.
1. Hindi magandang ugali ang pagiging akyat-bahay.
a. magnanakaw c. mayabang
b. mahinahon d. maawain

2. Boses-palaka kung umawit ang aking kapatid.


a. maganda ang boses c. tahimik
b. sintunado d. magulo

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7


5
Gawain 1:
A. Tono: seryoso
Damdamin: pag-ibig/paghanga
B. Tono: masaya
Damdamin: pag-asa/lakas ng loob

Gawain 2:
1. a
2. d
3. b
4. e
5. f
6. c

Gawain 3:
A. Tono: masaya
Damdamin: pag-asa
B. 1. a
2. b
C. 1. a
2. b

Panuto: Isulat sa papel ang inyong repleksyon mula sa ating aralin ngayong araw.

Natutuhan ko na ____________________________________
Napagtanto ko na ___________________________________
Natuklasan ko na ___________________________________
.

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7


6
Obias, Victoria P., Kuwarter 1 – Modyul 9: Ibigay Mo ang Kahulugan ng Pamilyar at
Di-pamilyar na mga Salita, DepEd SDO, San Jose Pili, Cam. Sur
Agarrado,P.,Francia, M., Guerrero, P., at Gojo Cruz, G., (2016), Alab Filipino 5, Vibal
Group, Inc.
Kontekstuwalisadong Banghay-aralin sa Filipino 5, Kuwarter 1
https://www.scribd.com/presentation/370217484/Uri-Ng-Bigkas-O-Diin

Manunulat: PINKY P. DE LOS SANTOS


Editor: SONNY A. TAUGAN EdD
JAYCEL P. LAURENTE
MARISSA P. BAGACINA
Gumuhit ng Larawan: EVAN LEE LEONEM

SDO-Cam Sur_Filipino_Baitang 5_K1_LP7


7

You might also like