You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 6:


Pagbuo ng Bagong Salita
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagbuo ng Bagong Salita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ana R. Landero
Editor: Ramon S. Gravino Jr., Gemma M. Gutierrez
Tagasuri:
Tagawasto: Irene Cababat, Merla S. Silva
Tagaguhit at Tagalapat: Geoffrey S. Andrade, Marlou G. Samontina, Thonver R.
Sampaga
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pagbuo ng Bagong Salita
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Magandang araw sa iyo.
Maligayang pagdating sa modyul na ito.
Ang bawat salita ng ating wika ay binubuo ng mga tunog.
Mahalaga ang mga tunog na ito sapagkat maaari nitong
mabago ang kahulugan ng isang salita. Pansinin mo ang salitang
pala kapag papalitan mo ang tunog na /p/ ng tunog na /b/ ito
ay magiging bala. Napansin mo rin ba na nagbago ang
kahulugan ng mga salita?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog
upang makabuo ng bagong salita. (F3KP-IIIe-g-6)

1
Subukin
Handa ka na bang matutuhan ang mga gawain sa modyul
na ito? Subukin mong sagutin ang pagsasanay A at B. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang modyul na ito.
A. Palitan ang unang tunog ng bawat salita upang makabuo
ng bagong salita ayon sa ibinigay na kahulugan. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat ito sa kuwaderno.
1. bata - __ata (parte ng paa ng baka o baboy)
a. kata b. mata c. pata d. yata
2. katas - __atas (puting likido na galing sa baka na iniinom)
a. batas b. gatas c. lakas d. patas

3. bulong - __ulong (bilog na ginagamit sa sasakyan para


tumakbo)
a. kulong b. gulong c. pulong d. sulong
4. basa - __asa (karaniwang inuman ng kape)
a. lasa b. tasa c. kapa d. nasa

B. Dagdagan ang sumusunod na salita ng isang tunog sa


hulihan upang makabuo ng bagong salita. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa kuwaderno.
5. tula - tula__ (istrukturang itinayo sa pagitan ng ilog)
a. tulad b. tulin c. tulis d. tulay
6. laso - laso__ ( inuming nakasasama o nakamamatay)
a. lasog b. laban c. lason d. lamat
7. basa - basa__ ( biyak o sira )
a. basal b. basan c. basag d. basar

2
Aralin
Pagbuo ng Bagong Salita
1
Balikan
Natatandaan mo pa ba ang mga tunog katinig
at patinig?
Sipiin sa kuwaderno ang mga tunog na makikita sa
sumusunod na salita.

1. kanal 2. hikaw 3. simbolo

Katinig Patinig
1. __,__,__ __,__
2. __,__,__ __,__
3. __,__,__,__ __,__,__

3
Tuklasin

Basahin ang tula.


Dasal

I
Ang bata ay nagbabasa
Nang isang kuwentong masaya
Siya ay lubhang natuwa
Sa agilang tawa nang tawa.

II
Ang pagbabasa’y biglang nahinto
Sa lakas nang sigaw siya’y napaupo
‘’Diyos ko po! Diyos ko po!
Sa lindol kami ay ilayo.’’

4
Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa kuwaderno.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Bakit siya natuwa?
3. Ano ang ibig sabihin sa sinabi niyang ‘’Diyos ko po! Diyos ko
po! Sa lindol kami ay ilayo’’?
4. Sa salitang dasal, kung papalitan mo ng /k/ang tunog sa
unahan, anong salita ang mabubuo?
a. basal b. kasal c. total d. yakal
5. Sa salitang bata, anong tunog naman kaya ang
puwedeng idagdag sa hulihan upang makabuo ng bagong
salita na ang ibig sabihin ay tuntuning dapat sundin?
a. batas b. batad c. batay d. bato

Suriin
Ang bawat salita ng ating wika ay binubuo ng mga tunog na
nirerepresentahan ng mga titik. Mahalaga ang mga tunog na ito
sapagkat maaari nitong mabago ang kahulugan ng isang salita.
Maaaring palitan ng isang tunog sa unahan ang isang salita o
maaaring dagdagan ng tunog sa hulihan nito upang makabuo
ng bagong salita.
Sa pamamagitan nito, napalalawak mo ang
iyong talasalitaan.
Subukin mong sagutin ang mga gawain.

Gawain A
Palitan ng isang tunog ang mga salita sa unahan upang
makabuo ng bagong salita batay sa larawan. Isulat ito
sa kuwaderno.

5
1. bata - __ata 3. sigaw - __igaw

2. layo - __ayo 4. lakas - __akas

Gawain B
Dagdagan ng angkop na tunog ang hulihan ng mga salita
upang makabuo ng bagong salita batay sa larawa.n

1. basa – basa__ 2. upo – upo__

3. saya – saya__

Napansin mo bang puwede kang makabuo ng bagong


salita sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga tunog sa unahan?
Maaari ring dagdagan mo ng tunog ang hulihan ng mga
salita upang makabuo ng bagong salita, hindi ba?

6
Pagyamanin

Gawain A
Piliin ang tunog na maaaring ipalit sa unahan upang makabuo ng
isang bagong salita ayon sa ibinigay na kahulugan. Isulat ang
sagot sa kuwaderno.
1. hango (/b/, /l/, /m/) - halimuyak
2. kahon (/d/, /g/, /p/) - bahagi ng halaman
3. hipon (/p/, /r/, /s/) - uri ng sakit
4. banga (/l/, /m/, /s/) - dito dumidikit ang mga dahon
5. bisa (/d/, /k/, /m/)- isinasagawa ng pari sa simbahan

Gawain B
Kopyahin sa kuwaderno ang mga salita sa Hanay B at
bilugan ang tunog na dinagdag sa bawat salita.

Hanay A Hanay B
1. suka a. Sukat
2. salo b. Salot
3. Rosa c. Rosal
4. kaso d. Kasoy
5. banta e. Bantay

7
Isaisip
Matapos mong pag-aralan ang mga gawain sa modyul na
ito, kayang-kaya mo nang sagutin ang mga tanong na nasa
ibaba.
Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa kuwaderno.
1. Ano-ano ang dalawang paraan para makabuo ng
bagong salita?
2. Saang bahagi ng salita maaaring ipalit ang tunog?
3. Saang bahagi ng salita maaaring magdagdag ng tunog?

Isagawa
Baguhin ang sumusunod na mga salita sa pamamagitan
ng pagpapalit ng isang tunog sa unahan at pagdaragdag ng
isang tunog sa hulihan. Kopyahin ang pormat sa ibaba at sagutin
sa kuwaderno o sagutang papel.

Salita Pagpapalit Pagdadagdag


1. baha
2. langka
3. pala
4. pila
5. tapa

8
Tayahin
Piliin at isulat sa kuwarderno ang titik ng tamang sagot.
1. Kung ang salitang bula ay daragdagan ng /g/ sa hulihan,
anong salita ang mabubuo?
a. bulag b. bulak c. bulan d. bulas
2. Alin sa sumusunod na tunog ang ipapalit sa unahan ng
salitang pantay para mabuo ang salitang bantay?
a. /b/ b. /d/ c. /g/ d. /p/
3. Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /t/ sa
unahan ang salitang hitik?
a. titig b. tigil c. tinda d. titik
4. Sa salitang laba, anong salita ang mabubuo kung
daragdagan ng /n/?
a. lambat b. laban c. labas d. labis
5. Sa mga salitang bahay, palay at kamay, anong tunog ang
idinagdag sa hulihan?
a. /b/ b. /k/ c. /p/ d. /y/

Karagdagang Gawain
Suriin ang bawat pares ng mga salita. Isulat sa kuwaderno
ang pagpapalit o pagdaragdag.

Pares na Salita Pagpapalit o Pagdaragdag


1. bihis-lihis
2. pula-bula
3. kahon-dahon
4. paso-pasok
5. dala-dalaw

9
10
Karagdagang Gawain Tayahin Isagawa
1. pagpapalit 1. a Pagpapalit Pagdadagdag
2. pagpapalit 2. a 1. kaha bahay
3. pagpapalit 3. d 2. bangka langkay
4. pagdadagdag 4. b 3. bala palad
5. pagdadagdag 5. d 4. dila pilay
5. mapa tapat
Isaisip Pagyamanin
Suriin
1. Pagpapalit ng tunog at Gawain A
pagdadagdag ng tunog A. 1. lata
2. Unahan ng salita at 1. /b/
3. hulihan ng salita 2. /d/ 2. tayo
3. /s/
3. ligaw
4. /s/
5. /m/ 4. bakas
Gawain B
1. sukat - t B. 1. basag
2. salot - t
3. Rosal - l 2.sayaw
4. kasoy - y
5. bantay - y 3. upos
Balikan
Katinig Patinig
Tuklasin Subukin
1. k, n, l a, a A. 1. c
1. dasal
2. b
2. dahil sa agilang tawa ng
2. h, k, w i, a 3. b
tawa
4. b
3. nagdarasal
4. b 3. s, m, b, l i, o, o B. 5. d
5. a 6. c
7. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Garcia, Nilda S. n.d. Ang Bagong Batang Pinoy (Kagamitan Ng
Mag-Aaral Sa Filipino 2).

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like